Chapter 11

3.3K 79 1
                                    

Nang sumapit ang bisperas ng bagong taon ay nag-ayos ako ng gamit at damit nadadalhin ko kila wolf dahik dun na ako tutulog.

Palabas na sana ako ng pintuan ng bahay namin nang harangin ako ni mama.

"At san ka pupunta?!"

"Ma, kila wolf po inimbitahan po nila ako na dun na mag bagong taon." Kinakabahang sabi ko sa kanya.

"Hindi ka aalis ng bahay na 'to. Naiintindihan mo?! Pumasok ka sa loob!!" Bulyaw nya sa akin.

Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos nya. Nagmukmok na lamang ako sa kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si wolf.

"Sifria ko." Bungad nya.

"Wolf sorry hindi ako makakapunta ngayon dan. Nagpahanda kasi si mama gusto nya sama-sama kaming mag media noche. Pakisabi nalang kay tito at tita pati na rin kay cassy. Pasensya na talaga." Pakiramdan ko ay malaking kasalanan ang ginawa kong pagsisinungaling rito.

"Okay lang yun mahal atsaka magandang balita yon diba? Nagkaka ayos na kayo ni tita." Masayang sabi nya.

Kung alam mo lang wolf. Kung alam mo lang.

"Basta tawagan kita mamaya sifria ko, sabay nating salubungin ang bagong taon kahit sa tawag lang okay na ako. Sige na mahal mag-hahanda lang kami ng mga gagamitin para mamaya. Mahal na mahal kita" Dagdag pa nito.

"Mahal din kita wolf sobra. Sige na ba-bye " pinatay na niti ang tawag.

Wala kaming kasambahay ngayon. Tanging si mama lamang at ako rito. Lahat sila ay nag day off para makasama ang kanilang pamilya.

Kaya napagpasyahan kong magluto nalang ng konti para sa amin ni mama. Umorder rin ako ng mga dessert.

Nang mag ring ang doorbell namin ay pinagbuksan ko ito. Dineliver na ang mga inorder kong desserts at binayaran ko na ito.

"Para san yan?" Tanong ni mama sakin.

"Ma, naghanda po ako nang makakain natin mamaya." Ngumiti ako sa kanya.

"Aalis ako. Mag celebrate ka mag isa mo." Dumiretso na ito palabas.

Nakadungaw lang ako sa labas habang tinitingnan ang pag-alis ni mama.

Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Dinala ko sa kusina ang pagkain na inorder ko.

Umupo ako sa upuan habang umiiyak. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako ay alas dyes na ng gabi. Ganon na ba kahaba ang tulog ko?

Siguro ay sobrang pagod ko magluto at umiyak. Umakyat ako sa kwarto ko para maligo.

Pagkatapos ay nagbihis na ako at bumaba para kumain. Inayos ko ang mga hinanda kong pagkain sayang naman kung hindi ko ito kakainin.

Nag ring ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni wolf. Dali-dali kong sinagot ang video call.

"Wolf!" Tuwang tuwang bati ko.

"Aw my baby is so excited to see me huh?" Sabi nito habang natawa.

"Kamusta dan? Where's cass eh si tita at tito nasaan?" Tanong ko sa kanya.

"Nagbibihis lang sila, ikaw kamusta ka?"

"Okay lang masaya nagluto ako para samin ni mommy eh bigla namang sumama ang pakiramdam nya mamaya-maya raw ay baba na yon." Pilit kong pinapasigla ang boses ko para hindi ito makahalata.

"Ganon ba? At oo nga pala mahal ano kasi eh... nandito si nitch. Inimbitahan sya ni papa. Sabi ko nga wag nang imbitahan e makulit si papa." Sabi nito na ikinabigla ko naman.

"Pero mahal wala kang dapat ipag-alala dumidistansya naman ako sa kanya." Sabi nito na nagpakampante naman sakin ng kaunti.

"Hmm.. okay lang wolf mahal na mahal kita."

"Teka sifria ko tinatawag ako ni papa mamaya nalang ha tawagan kita bago mag 12 sabay tayong mag countdown. I love you."

"Sige inga---" hindi ko na natapos nang patayin nya ang tawag.

Ngumiti ako ng mapait.

Kinain ko ang mga hinanda kong pagkain. Para mawala wala man lang sa isip ko na iniwan ako rito mag-isa.

Hindi ko na namalayan ang oras sa pag tulala ko. Nang tingnan ko ang cellphone ko ay 11:55 na pero hindi pqrin tumatawag si wolf.
Sinubukan kong tawagan sya pero nakapatay ang phone nya. Ganon rin si cassy. Siguro nga ay nagsasaya sila.

Naka ilang dial na ako kay wolf pero hindi parin ito sumasagot. Tinext ko na rin ito pero wala parin.

10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2.......1

Sabay ng putok ng mga fireworks ang pagbagsak ng mga luha ko.

Wala. Wala akong kasama. Bagong taon pero mag isa ako. Napayakap na lamang ako habang yakap yakap ang aking tuhod.

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung nag reply ba si wolf.

Pero lalo pa akong nadurog nang makita ang post ni nitch. Picture nila ito kasama ang buong pamilya ni wolf. Iniscroll ko pa ang ibang pictures at meron silang picture nang sila lang dalwa.

Masayang masaya sila sa litratong yon na para bang balewala lang sa kanya kung may girlfriend bang naghihintay sa tawag nya.

Tanginaaa.... ang sakit sakit.

Habang ako naghihintay sa tawag at reply niya nandon sya kasama si Nitch.

Habang ako nasasaktan rito nandon sya masayang masaya nang wala ako.

Tangina wolf pano naman ako....

Chasing WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon