KNIGHT's POV
"Alis na po ako," bati ko sa litrato nila mama, papa at tita Laura saka ko nilock ang pintuan ng apartment ko.
Nung araw na 'yun ng unang punta ko sa syudad wala akong kaalam alam sa mundong ito, kakaiba kasi siya sa kinalakihan ko. Dito punong puno ng mga building at iba pang instraktura samantalang sa kinalakihan ko, isang tahimik na bahay na napapaligiran ng mga puno at ibat-ibang uri ng hayop.
Para akong batang nawawala noon pero salamat sa tita Laura ko nakasanayan ko na din buhay dito. Natuto akong mag-aral at makisalamuha sa kanila kasabay nun ang sobrang hirap ng pagtago sa pagkatao mo kaya minsan nagiging mailap ako at ako na ang na iwas sa kanila.
Hindi ko kasi maiwasan noon magbago ng anyo lalo na pag nagagalit ako kaya madalas hinayaan ko na lang na awayin at saktan nila ako.
Pero nakakasawa din ang pang-yayari na 'yun kaya nung namatay si tita naiwan sakin ang responsibilidad sa mura kong idad na mabuhay na mag-isa. Hindi na ko nakapagpatuloy sa pag-aaral ng kolehiyo pero naiwan naman sakin ang negosyo ng tiyahin ko, isang buong apartment 'to ng pag may-aari niya at dahil wala siyang anak o asawa sakin naiwan ang lahat at dito ako nakuha ng pang gastos sa araw-araw.
Pero syempre ayoko naman maging tamad at magpakasasa sa mga bagay na hindi ko naman pinaghirapan kaya ngayon isa akong hardinero sa isang college university dito samin.
Magtatatlong taon na kong nagtatrabaho dito at tatlong taon na din akong hindi nakakapag-aral, gusto ko man mabuhay ng normal at makapagtapos ng pag-aaral ay mahirap.
Lalo na't may kasabihan na hindi lahat ng sekreto ay patuloy mong maitatago.
Kaya nagtya-tyaga ako sa ganitong buhay, kahit pangarapin ko pang maging normal ay malabong mang-yari 'yun.
"Knight! Break time mo na tara na sa klase ko." tumayo ako at nag pagpag ng damit ko saka ko kinuha ang maliit kong bag at sumama sa tinuturing pangalawang ama si Sir Francis.
Isa siyang professor dito at ang tinuturo niya ay ang course na Education, major in history. Masaya akong sumasama sa kaniya at nakikisali sa klase niya kahit na hindi ako katulad nila na nag e-exam at bakbakan sa pag-aaral pero masaya akong nakikinig sa mga turo niya kahit minsan paulit-ulit at naituro niya na ay pumapasok pa din ako sa klase niya.
"May bago akong ituturo ngayon, sure ako hindi mo pa alam 'to haha." masaya niyang kwento sakin at ngumiti lang ako.
"Knight wag kang ngumiti ngiti lang d'yan, mapapanis ang laway mo babaho ang hininga mo sige ka." napatawa ako sa kaniya, siya lang naman talaga ang madalas kong kausapin dito sa school.
"Pasensya na po, wala kasi akong maisip na sasabihin," sabay kamot ko ng batok.
"Ayos lang 'yan, mamaya may bago na naman akong mga studyante at ikaw kailangan mo makipagkilala sa kanila para naman hindi puro halaman at mga ibon ang kausap mo." tama siya, umpisa na kasi ng second sem at may mga octoberian na bagong pasok sa klase niya kaya may mga bago na naman akong makikilala at hindi kikibuin.
"Hindi ko naman kinakausap ang mga halaman Sir." napabuntong hininga siya.
"Please lang, Knight magtatatlong taon na kita kilala pero ni isa wala ka man lang nagiging kaibigan dito, hindi purkit isa ka lang hardinero eh ayaw mo nang kausapin ang mga istudyante dito. Magkakaidad lang din kayo kaya bakit ayaw mo makipagsalamuha sa kanila?" Tumango ako at hindi alam ang sasabihin.
"Hindi ko din po alam." napabuntong hininga na lang ulit siya at pinatong ang kamay niya sa balikat ko.
"Subukan mo lang iho, o'sya andito na tayo umupo kana sa pwesto mo." tumango ako at umupo sa pinakadulong upuan sa classroom na 'to .
BINABASA MO ANG
His Wolf Life
WerewolfHindi ba normal na mahalin kita? Sinong nagsabing bawal mahalin ang katulad mo? Hindi mo naman pwedeng utusan ang puso kung sino ang nais nitong mahalin hindi ba? Anong gagawin ko kung isang katulad mo ang hinahanap ng puso ko? All right reserved 2...