REIN's POV
Sinapak siya nung lalaki at hindi man lang siya gumanti, nakakatawag na kami ng atensyon ng mga dumadaan at ngayon ay may mga ibang tao na ang umawat sa kanila.
Sinuntok siya ng ilang beses sa mukha at katawan pero wala siyang ginagawa kung hindi ang humarang samin. Umiiyak na ko at si Maine sa ginagawa niya pero sinasalo niya lang ito.
"Ano ba Jef! Tama na sasama naman ako sayo ah." sinampal niya 'yung lalaki.
"Ano bang gusto mo? 'tong ATM ko? Ano talo ka na naman ba sa sugal? Oh 'yan ubusin mo ang laman." kinuha niya ang cellphone niya at binato sa lalaki.
"Iyan sayo na din niya, nasa drafts lahat ng password ng account ko kunin mo lahat." umiiyak na siya at nang gigigil.
Madami ng nakakakita samin at miske sila ate Roma ay naabutan pa kami. Sa ngayon ay inaalalayan ko si Knight kasama si ate Roma. Nakaramdam ako sobrang kaba ng makita ko ang pag-aaway nila, nawala lahat ng tapang ko kanina nung sinasagot ko ang matandang lalaki na 'yun.
"Tsk, bukas susunduin kita sa school mo pagkatapos ng last period mo. Wag na wag mo kong iiwasan kung hindi alam mo na ang mang-yayari." tinabig niya 'yung isang mama na humahawak sa braso niya at padabog na sumakay sa sasakyan niya. Pinaharurot niya ito ng parang wala siyang naiwan, dahil doon napahawak na lang si Maine sa mukha niya at panay ang iyak. Ganon na lang 'yun? Pineperahan lang siya ng taong mahal niya?
❦❦❦
Hinatid kami ni ate Roma hanggang sa bahay kasama si Knight at Maine, sabi ko sa kaniya na gagamutin ko muna ang mga sugat niya bago siya umuwi. Nung una ay ayaw niya at gagaling naman daw agad 'yun pero hindi ako pumayag dahil sa'kin napahamak siya at 'to naman si Maine ay naghahanap ng lugar na pwedeng puntahan dahil ayaw niya pa daw umuwi sa kanila kaya bukas loob kong hinatak siya papuntang bahay.
"Bakit kasi hindi ka lumaban ha hardinero? Kayang kaya mo siya sa katawan mo!" Napatawa ako.
"Payatot kaya ni Knight." napayuko na lang si Knight sa biro ko at kinamot ang batok niya, bigla naman pumasok si mama sa kwarto ko at inilagay ang maligamgam na tubig sa tabi ko.
"Punasan mo muna 'yan nito para hindi mamaga at baka may mamuong dugo," sabi niya at hinawakan ang mukha ni Knight na kinamula nito.
"Sayang ang kapogian mo ijo, natatakpan ng buhok mo tapos may pasa pa." napayuko na lang ulit siya, ang cute niya pag nahihiya haha.
"Sorry Ma'am for bothering you in this time." paghingi ng paumanhin ni Maine kay mama na kinatuwa ko. Kahit kasi matalas ang dila niya sa pang huhusga magalang naman siya sa mga matatanda.
"Ayos lang, dito ka na lang matulog at ipagluluto ko kayo ng lugaw para habang nag rereview kayo eh hindi kayo magutom." napatayo ako.
"Oo nga pala magrereview pa ko!" Tumawa si mama at lumabas ng kwarto.
"No need for that! Quiz lang naman 'yun." nanlaki ang ilong ko sa kaniya, quiz nga lang bukas pero pagtapos nun monthly test na din kinabukasan.
"Kahit na Maine." tumayo si Knight at kinuha ang plastic bag na dala niya.
"Una na ako," sabi niya eh hindi pa nga nalilinis 'yung sugat niya.
"Wait linisin mo muna 'yung sugat mo tapos mag rereview kami, Maine may notes ako d'yan english muna sayo akin na muna 'yung history." umirap siya sa'kin.
"Like I care duh." sumalapmak siya ng higa sa higaan ko at pumikit.
"Ang tigas ng higaan mo ah, ano bato? Semento?" Napatawa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/36316158-288-k946263.jpg)
BINABASA MO ANG
His Wolf Life
Loup-garouHindi ba normal na mahalin kita? Sinong nagsabing bawal mahalin ang katulad mo? Hindi mo naman pwedeng utusan ang puso kung sino ang nais nitong mahalin hindi ba? Anong gagawin ko kung isang katulad mo ang hinahanap ng puso ko? All right reserved 2...