CHAPTER 5

4.2K 170 8
                                    

REIN's POV



Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay tumakbo agad ako sa sakayan ng jeep at dumaretsyo sa hospital.

Ang saya ng araw ko ngayon dahil hindi masama ang unang pasok ko bilang college sa unibersidad na 'yun at may maganda pang balita ang nag iintay sakin ngayon.

Nagising na daw ang mama ko sa hospital, may sakit kasi siya sa puso at mahina na ito.

Kakalipat lang din namin dito dahil dito daw ay may magagaling na doktor at murang lang ang bayad hindi katulad sa isang pribadong hospital ay baka gumastos kami ng milyon at kahit habang buhay ko pa 'tong pagtrabahuhan ay baka hindi ko pa din mabayaran.

Isa pa, kami na lang dalawa ni mama ang magkasama, malayo ang mga kamag-anak namin at hirap din namin sila mahagilap, si papa naman ay namatay dahil na din sa subsob sa pagtatrabaho at katandaan. Ang perang naitabi niya ay hindi pa sapat sa gamot at pag-aaral ko kaya naman ngayon pipilitin kong pag sabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para na din may pang-gastos kami ni mama.

"Sa ngayon ija imomonitor lang muna namin siya, at kung okay na siya sa mga susunod na araw ay maari na siyang lumabas ng hospital." napayakap ako sa doktor sa sobrang saya ko.

"Salamat po Doc. Sobrang saya ko thank you po," napatawa ang mga nurse at iba pa sa loob ng kwarto sa naging reaksyon ko. Nadala lang talaga ako ng sobrang saya dahil sa nalaman ko.

"Kaya ngayon ma, ang goal natin ay maging okay kana sa susunod na araw para makalabas kana ditto." nag thumbs up si mama sakin at ngumiti.

Iniwan ko muna siya saglit sa pangangalaga ng mga nurse para kumuha ng ilang gamit sa apartment na inuupahan namin, isang linggo palang ang naitatagal namin dito pero naniningil na agad ng paunang bayad ang may-ari nito.

Kaya lagi akong wala sa bahay para hindi niya ko maabutan at syempre para mabantayan ko din si mama. Inilagay ko ang unting damit ko sa bag at inayos ang mga pagkain.

Napatingin ako sa lumang uniform ko, ito pa 'yung suot ko kagabi ah. Inayos ko 'to at nilagay sa marumihang damit.

Naalala ko tuloy 'yung gabi na iyon, nataranta ako nung byumahe ako galing sa dati kung school may kalayuan sa lugar na 'to . Wala akong dalang kahit anong damit noon kaya iyon na lang din ang pinantulog ko at pinang dalaw ko sa hospital.

Sa sobrang kakaisip ko sa mga pang-yayari samin ay bumigay na ang utak at puso ko sa hirap na hindi ko na napigilang umiyak, nagugutom na din ako ng mga oras na 'yun at sobra pa ang lamig ng klima.

Hindi ko alam bakit ako pumunta sa lugar na 'yun pero doon ako dinala ng mga paa ko, tangging dala ko lang nun ay ang bag ko at sampung piso pamasahe pabalik ng hospital.

Buti na lang talaga may lalaking pumunta sa lugar na 'yun sa ganoon ding oras, buti hindi siya masamang tao at pinahiram niya pa ko ng pera. Tatanawin ko 'yung utang na loob kasi kung wala siya doon baka hindi ko na kinaya 'yung lamig at gutom at baka pati ako ay mahospital pa dagdag bayarin na naman kaya pangako ako pag nagkita ulit kami babawi ako sa kaniya.

Kaso hindi ko nakita ang mukha niya, tanging tindig lang katawan niya ang naaninag ko dahil sa blurred na ang mata ko kakaiyak at madilim na ng oras na 'yun.

Mahahanap ko pa kaya siya?

*tok tok*

"Rein? Tao po?" Naamoy ko na agad ang pakay ng babae sa likod ng pinto kaya dahan-dahan akong tumayo at binitbit ang bag ko.

Isiniksik ko ang payatot kong katawan sa loob ng cabinet namin sa kwarto para hindi niya ko makita. Masyado naman kasi siyang abusado samantalang nag bayad naman ako ng paunang bayad na sa kaniya at ngayon eh maniningil agad siya.

His Wolf LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon