CHAPTER 8

3.1K 159 11
                                    


KNIGHT's POV

"Isinumpa 'yung hari ng mga mangkukulam, ang tanong bakit siya sinumpa?" lumipat ang tingin ko kay Sir Francis.

"Ibang kwento din 'yun, sabi nila masama ang hari o kaya may inggit ang mga mangkukulam kaya ganoon. Maraming side story kung bakit naman sinumpa 'yung hari."

"Lalabas din ba 'yun sa long quiz Sir?" Nagbikit balikat siya bilang tugon kay Daisy at ngumuso 'to ng parang bata.

"Bakit ko naman sayo sasabihin? Mas maganda eh reviewhin mo lahat ng tinalakay natin sa loob ng tatlong linggo." tumango na lang si Daisy at muling nagbasa-basa ng history book niya.

Kakatapos lang namin kumain at pahinga muna kami, ilang araw na din lumipas nung insidenteng nakita niya ko nung umaga.

Simula nun lagi ko na siyang nakikitang bumibili ng pandisal sa tapat namin pero iniintay ko siyang makaalis bago ako lumabas.

Buti hindi niya sinubukan pumunta sa bahay namin at mang-gulo mahirap na baka may makita pa siyang bagay na maaaring makalabas ng pagkatao ko.

Nilagay ko ang mga braso ko sa ilalim ng ulo ko at pumikit.

Yung hari sa Western Europe sa germany, bakit siya sinumpa? Kung hindi ba siya sinumpa hindi rin kami magiging ganito? hindi naman sa ayaw ko kung anong uri ako ng nilalang ngayon pero kailan ba ko magiging malaya sa sarili ko?

Gusto ko tumakbo gamit ang braso at mga binti ko, gusto ko umalulong ng buong buo ang boses ko at gusto kong kumain ng mga hayop na pinaghirapan kong hulihin gamit ang mga pangil ko.

Gusto ko din maranasan ulit 'yung mga gawain ko nung bata pa ko. 'yung bababa ako ng bundok para pumasok at makasama ang mga batang tiga nayon.

Sa taas ng bundok kasi kami nakatira kasama lahat ng tribo namin noon, masaya kami doon kahit kami-kami lang at nung mga panahon na 'yun malaya naming nagagawa ang lahat ng bagay na gusto namin sa gubat.

Kami ang tigabantay ng kalikasan.

Pero lahat 'yun nasira ng may isang tiga nayon ang napadpad doon, tinanggap namin siya ng buo at inalagaan, tinuruan mabuhay sa gubat at makisama samin.

Pero may aksidenteng nangyari, akala niya ay pumatay ang isa samin ng tao sa nayon at natakot siya sa pagpapalit anyo namin kaya ikinalat niya ang balita sa boong nayon.

Sunod-sunod na ang mga kamalasan na naranasan namin nun dahil hindi man nila napapatunayan kung totoo ang sinabi nung taong 'yun ay agad silang naniwala at wala ng ni isa samin ang kinausap nila, pagkamuhi, pandidiri at ibat iba pang masasamang tingin ang pinukol nila samin.

Nasira ang samahan namin ng mga taong tiga nayon at mga asong lobo na tiga bantay ng kagubatan. Kaya doon din nag simula ang away sa pagitan ng mga tao at lobo, naging mailap na kami sa kanila ang pamumuhay na normal kasama sila ay tuluyan ng nasira, lahat ng koneksyon sa kanila ay pinutol na at wala na ding tao ang nakapasok pa sa gubat.

Hanggang sa naubusan na sila ng pagkakakitaan at naghanap ng yaman sa kalikasan. Nag tayo sila ng mga grupo para sugpuin kami at doon na nag simula ang gulo sa lahi namin, nagkawatak watak kami at nag si alisan ang iba samin sa takot.

May namuhay ng patago sa dilim, may mga lumayo sa gulo at may naghimagsik at gumanti sa mga tao.

Kung babalik kaya ako doon ay may mababalikan pa ako? May mga kalahi pa kaya na nag sisilbing bantay sa kagubatan? Kamusta kaya sila doon?

"Knight pasok na ko." napabangon ako at kumaway kay Sir Francis na paalis na.

"Ikaw daisy? hindi ka pa ba sasabay?" Umiling siya at nagbabasa pa din.

"30minutes pa Sir, wala naman inuutos sa'kin sa faculty ngayon kasi may meeting 'yung mga teacher sa english dep." tumango na lang 'to .

"Osige una na ko." kumaway kaming dalawa ni Daisy sa kaniya at agad ding balik ni Daisy sa librong hawak niya.

Bukas kasi ay may long quiz sila, sunod nito at ang monthly exam nila at prelim. Kaya lahat ng istudyante ngayon ay tutok na tutok sa pag-aaral nila. Tumayo na ko sinuot ang sumbrelo ko.

"Knight alam mo ba ang isang 'to?" Lumapit ako sa kaniya ng kaunti para makita ang pahina ng libro kaso bigla siyang umurong.

Nagtaka naman ako, inulit niya na naman ang pag-urong niya papalayo sa'kin. Ilang araw ko ng napapansin ang pagkailang niya sa'kin tuwing lalapit ako sa kaniya.

"Hindi ko makita akin na 'yung libro." inabot niya naman 'to at napatingin ako sa kaniya, nakayuko lang siya at namumula ang tenga.

"Lahat ng sagot dito nasa page 98." inabot ko ang libro at lumabas na.

"Salamat," sabi niya at bumalik ulit sa sa pagbabasa.

Nakakapagtaka ang mga kilos niya, para siyang hiyang-hiya sa'kin samantalang nung lumipas na mga araw eh, maayos naman ang pakikitungo niya sa'kin.

Napailing na lang ako at diniligan ang mga bago kung punla na itinanim. Pagtapos nito wala na kong gaawin, hindi naman ako pwede pumasok bukas sa oras ni Sir dahil may exam sila at hindi ko naman kailangan kumuha noon.

Mabuti pa eh, tatapusin ko na lang din ang gawain ko bukas at agad nang umuwi para makapag pahinga, isa pa madadagdagan na naman ng isang taon ang buhay ko dito sa mundo. Paulit-ulit na lang tumatanda na ko ng hindi ko alam kung saan at kung ano ang gagawin ko sa buhay ko.

Kung bumalik kaya ako sa nayon? Tatanggapin kaya ako ng lahi namin?

Sino kaya ang bagong Alpha? May bago bang grupo na nabuo at 'yung mga kalaro ko dati andoon pa kaya sila?

Daming tanong sa nakaraan ko na hindi ko pa din mahanap ang sagot. Siguro sa susunod pag may pagkakataon susubukan kong bumisita doon.

"Knight pwede ba kong mag iwan ng gamit dito? Bukas ko din kukunin." napalingon ako sa kaniya na nakatayo sa pintuan ng warehouse.

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango nakita ko naman ang mabilis na pag angat ng gilid ng labi niya sabay talikod sa'kin.

"Sige salamat una na ko ingat." namadali siya maglakad dala-dala ang madami niyang gamit at libro.

Masipag si Daisy mag-aral, lahat na pagsasabay-sabay niya katulad ng pagbabantay sa nanay niya at pagtatrabaho sa cake shop. Kaya pag may free siyang oras ngayon ay subsob naman siya sa pagrereview ng mga lesson nila.

Nakakatulog at nakakakain pa kaya siya ng ayos? Nakakaawa siyang tignan minsan paghalatang pagod na siya pero panay pa din ang aral niya.

Kung pwede ko lang siya paupahin sa apartment namin eh bababaan ko ang singil kaso puno na ang bawat bahay doon.

Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa puno.

Hindi talaga pantay-pantay ang tao sa mundo, bakit kaya ginawang may mahirap at may mayaman? Bakit may mga nilalang na sagad sa swerte at may mga tao naman na mayaman sa kamalasan?

Napakamot ako sa batok ko, nag iisip na naman ako ng malalim mabuti pa eh isipin ko kung anong masarap na hayop ang kakainin ko bukas sa kaarawan ko.

Sawa na ko sa manok at baboy, siguro bibili na lang ako ng isda at karneng baka para maiba.

To Be Continued

His Wolf LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon