KNIGHT's POV
Dumampi sa balat ko ang malamig na hangin, naririnig ko ang mga kadena ng duyan na nagkakalampagan at ang mga dahon na tinatangay dahil sa lakas ng hangin.
Habang ako, nakaupo dito sa dulo ng padulasan at naghihintay ng hindi ko alam.
Nakapikit lang ang mata ko pero ramdam ko ang pang-yayari sa paligid ko, araw-araw na lang ganito ang senaryo na mayroon ako.
Pagkatapos nito maglalakad ako papunta sa isang grocery store at bibili ng karne at iba pang pagkain saka dadaretsyo sa bahay at kakain. Ayos na sana ang buhay ko eh, kung hindi lang ako iba sa kanila.
Dinilat ko na ang mata ko at tumingala sa langit.
"Madaming bituin." bulong ko sa sarili ko at nagsimula nang maglakad papuntang grocery store.
"350.75 iho ." kinapa ko ang bulsa ko at ibinigay ang pera sa tindera.
"Ito ang sukli mo, balik ka bukas." ngumiti ako sa kaniya at lumabas na ng walang kasalita salita.
Nilagay ko ang kanang kamay ko sa bulsa ko samantalang ang isa naman ay bitbit ang supot na pinamili ko.
Malamig na ngayon pero parang wala lang sa balat ko.
Patuloy akong naglakad hanggang nakarating na ko sa bahay ng namayapang tiyahin ko.
"Andito na ko." bati ko sa mga litratong nakadisplay sa bahay.
Inilapag ko ang mga pinamili ko at sinimulang kainin ang karne ng hilaw.
To Be Continued
AN:Una sa lahat maraming salamat sa AMA dahil nakapagtype pa ko.
Pangalawa salamat sa mga nagbabasa kung meron man at pangatlo Thank You Thank You dahil binabasa mo 'to.
Share ko lang, masyado pong malalim ang pagkakasulat ko dito kaya pagpasensyahan niyo na XD
Yung nasa image po pala ay si Takeru Sato po yan as Knight. :3
Thank You GOD BLESS
Love Ate Venn

BINABASA MO ANG
His Wolf Life
WerewolfHindi ba normal na mahalin kita? Sinong nagsabing bawal mahalin ang katulad mo? Hindi mo naman pwedeng utusan ang puso kung sino ang nais nitong mahalin hindi ba? Anong gagawin ko kung isang katulad mo ang hinahanap ng puso ko? All right reserved 2...