KNIGHT's POV
Alas kwatro na ng madaling araw nang magising ako, napakamot ako sa batok ko at inilibot ang mata ko.
Anong oras ba ko na tulog?
Tumayo ako at pumunta sa kusina, nakita ko ang pinamili kong karne kagabi sa ibabaw ng lamesa at walang bawas.
Nakatulog ako nung hapon at kakagising ko lang ngayong alas kwatro ng madaling araw?
Napailing na lang ako at naghilamos na, agad akong nagpakulo ng tubig at inilagay ang mga karne doon. Papakuluan ko lang ang mga ito saka kakainin.
Nagtimpla ako ng kape habang nag iintay na kumulo ang tubig, napatitig ako sa bahay ko ang lungkot pala tignan nito. Kung andito pa sana si tiya Laura medyo maingay pa at puno ng halakhak niya.
O kaya kung andito si mama at papa siguro malinis at maaliwalas tignan ito dahil malinis si mama sa bahay at si papa naman ay mitikoloso din sa mga gamit.
Magiging masaya siguro kung kumpleto kami at magkakasama tumira sa bahay na ito.
Napayuko na lang ako inayos ang ibang hibla ng buhok ko na tumutusok sa batok ko, nakapa ko ang buhok ko at napansin na mahaba at makapal na pala ito.
Nung nakaraang buwan pa ito ginupitan ni Sir Francis at unting tabas lang ang ginawa niya dito at ito na naman siya humahaba na naman.
Napabuntong hininga na lang ako, ano kayang pwedeng gawin ngayong araw na 'to? Pagtapos kong pumasok ay daretsyo uwi na lang ba ako?
Paulit-ulit na lang nakakasawa na.
Tumayo na lang ako at hinango na ang karne saka ito pinalamig kaunti at kinain na lang ng ganoon, hindi ako marunong magluto ng ano mang putahe kung hindi prito at laga dahil nung bata naman ako ay si tita Laura na ang nagluluto ng pagkain namin at madalas mas gusto pa namin ang hilaw na pagkain kesa sa luto.
Mas ramdam namin ang sarap paghilaw na karne ang kinakain namin.
Nang matapos akong kumain ay na ligo na ko at lumabas para tignan ang mga halaman ko sa labas. Kumuha ako ng gunting at inalis ang mga tuyong dahon dito.
"Knight ang aga mo naman ata," bati sa'kin ni aling Ising, isang matandang nangungupahan sa apartment na ito. Kasama niya ang anak niya na kasalukuyang nagbubuntis.
"Napaaga po ang gising." tugon ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa'kin. Lumapit siya para makita ang ginagawa ko.
"Ang galing mo talaga mag alaga ng mga halaman, tignan mo ang ganda ng bulaklak na 'yan parang bulaklak na Daisy kaso kulay dilaw iyan." natitig ako sa bulaklak, hindi ko alam ang pangalan nito pero hawig nga ito sa bulaklak na Daisy isang uri ng iba't ibang kulay ng bulaklak na tumutubo sa malalamig na lugar.
"Kaya nga po." diniligan ko ang mga bulaklak.
"O'sya sige pasok na ko ijo masyado pang malamig eh, hindi ka ba nilalamig?" Umiling ako at ngumiti.
"O'sige mauna na ko sayo Knight." tumango ako at sinundan ng tingin ang matanda.
Matagal na silang nangungupahan dito at napanood niya na din ang paglaki ko, siya minsan ang tumitingin sa'kin sa bahay pag ginagabi ng uwi si tiya at natatandaan ko pa nga dati na sabi niya sana apo niya na lang ako. Pero ngayon magkakaroon na siya ng apo ang nais niya na sa'kin ngayon ay intayin ko daw ang apo niya at pakasalanan ko.
Natatawa na lang ako sa kaniya at hinahayaan na lang siya kung saan siya masaya isa pa hindi ko pa na iisip ang mga ganung bagay.
Baka mahirapan lang ako pag may minahal ako at hindi pa niya matanggap kung ano ako, kaya mananatili na lang ako sa ganitong buhay paulit ulit lang ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
His Wolf Life
WerewolfHindi ba normal na mahalin kita? Sinong nagsabing bawal mahalin ang katulad mo? Hindi mo naman pwedeng utusan ang puso kung sino ang nais nitong mahalin hindi ba? Anong gagawin ko kung isang katulad mo ang hinahanap ng puso ko? All right reserved 2...