CHAPTER 4

5.1K 211 26
                                    

KNIGHT's POV



Sinabon ko ang plato na ginamit niya at ang baunan ko sa maliit na lababo dito sa loob ng warehouse namin, parang maliit na bahay at pahingahan na din ang lugar na ito, may papag at maliit na lamesa na sa loob nito. Pero maraming nakatambak na mga gamit pang hardin at medyo maalikabok na din dito, ngayong umaga ako ang nakaduty dito at mamayang hapon naman ay ang mag asawang si mang Ding at ate Mercy.

"May lababo naman pala d'yan dito mo pa ko pinaghugas sa labas." reklamo niya saka pinunas ang kamay niya sa pants niya.

"So ito pala ang part time job mo? Hardinero ka dito? kailan pa?" Pinagpag ko ang kamay ko at inayos ang mga gamit.

"Magtatatlong taon na." lumaki ang mata niya at napatitig sakin.

"Eh? Ilang taon ka na ba?" Masyado na siyang madaldal at padami ng padami ang mga tanong niya.

"19," maikli kong sagot.

"Wow baby face, teka bakit ngayon mo lang na isipan mag-aral?" hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ako sanay makipag-usap sa ibang tao naiilang na ko.

"Knight, anak kumain kana?" Napatingin ako sa biglang pumasok na si Sir Francis at halata din sa mukha niya ang pagkabigla ng makita niya na kasama ko ang istudyante niya.

"Ms. Sanchez?" Tumayo 'yung babae at nagbow kay Sir.

"Hi sir, nakikipagkaibigan lang po kay Knight hehe." nakita ko naman ang pagkabigla ni Sir Francis at ang gumuguhit na mapang-asar niyang ngiti.

"Ow I See, kumain na ba kayo?" Tumango kami pareho.

"So late ako, ang dami ko pa kasing inasikaso akala ko wala ng makakasabay si Knight kumain but I'm wrong mayroon na pala haha." napayuko na lang ako sa mga pinagsasabi ni Sir eh.

"Okay then kakain na muna ako dito habang nagkekwentuhan kayo ni Ms.Sanchez." nakangiti niyang tingin sa babae.

"Daisy na lang po." Daisy pala ang pangalan niya? hindi ko na tandaan.

"Okay sabi mo eh, ngayon matanong kita bakit si Knight ang na pili mong samahan? Dahil ba sa binigyan ka niya ng skyflakes? Hahaha." nakita kong namula ang tenga niya.

"Hehe, siya lang po kasi talaga ang pumansin sakin kanina sa room, trinay ko po kasing kausapin 'yung mga babae pero dinedma lang nila ako."

"Oh grabe naman sila haha, buti na lang talaga mabait 'tong anak kong si Knight." nanlaki na naman ang mata niya.

"So anak niyo po pala si Knight?" ngumiti si Sir at tumango sa kaniya.

"Eh, ba't pa po siya naghahardinero kung kaya niyo naman po siya pag-aralin?" tumingin sakin si Sir na parang nagtatanong na kung ikukwento niya na ba ang tungkol sakin?

Nagbikit balikat na lang ako at binuklat ang notebook ko.

"Hindi ko siya totoong anak, anak-anak lang dito sa school at isa pa hindi siya nag-aaral dito, isa talaga siyang hardinero ija." nagtaka siya at umayos ng upo.


"Eh ba't po siya na pasok?"


"Gusto niya lang, saka sa subject ko lang naman 'yan na pasok eh tinatapos niya muna lahat ng gawain niya sa umaga at pag off niya na napasok siya sa klase ko." napapalakpak siya sa hindi namin alam na dahilan.

"Ang sipag mo naman, grabe siguro alam mo na lahat ng lesson na tinuturo ni Sir." sabay kaming tumango ni Sir.

"Wow edi pwede na ko magpaturo sayo para may back ground na ko sa mga susunod na topics hehe," napatingin sakin si Sir at napatawa.

His Wolf LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon