CHAPTER 9

3.1K 147 11
                                    

REIN's POV


Ano ba 'to ng ginagawa ko? Ilang araw na tumatakbo sa utak ko 'yung mukha niya. Araw-araw na lang para akong timang na patagong natutuwa pag nangiti siya. Tapos mahihiya ako pag nalapit siya, ano ba naman 'to baka ang maisagot ko sa exam bukas ay pangalan niya patay ako kay Sir Francis nito.

Napakamot ako sa ulo habang naglalakad sa hallway ng mabangga ako sa isang babae.

Pag angat ko ng ulo nakita ko si Maine classmate ko siya pero hindi kami close. Mataray at matalas din ang dila niya sa pang huhusga, medyo bully din siya at wala ni isa samin ang gustong kumausap sa kaniya. Mayaman sila at isa ang pamilya nila ang nag dodonate sa school na 'to kaya lahat takot din kalabanin siya.

"tignan mo nga ang dinadaanan mo! Low life." yumuko na lang ako at pinulot lahat ng librong hawak ko.

"Sorry." umirap lang siya at naglakad na paalis, sinundan ko siya ng tingin. Saan pupunta ang isang 'to eh time na?

Hindi ko na lang pinansin at inayos na ang gamit ko, kailan ko pang mag review sa mga natitirang oras ng break time namin dahil mamayang hayon dadaretsyo na ko sa trabaho ko.

Naupo na ko sa pwesto ko at inilagay ang ilang gamit ko sa upuan ni Knight, wala naman siya dito kaya pwede kong ilapag ang mga gamit ko.

Binuklat ko na ang libro ko at nag simulang tapusin ang kanina ko pa binabasa. Pero napatingin ako sa mga classmate kong nag tsitismisan at walang ginawa kung hindi ang magkwentuhan.

"Kaya nga siguro wala ding nakakatagal sa babaeng 'yun kasi ang yabang niya." alam kong masama ang nakikinig sa usapan ng iba pero hindi ko maiwasan dahil katapat ko lang din sila.

"Mayaman kasi at isa ang papa niya sa nag dodonate sa school na 'to kaya ganun, masyadong mataas ang lipad." mukhang kilala ko na ang pinag-uusapan nila.

"Mabuti na sa kaniya 'yun, isa pala siyang kabet tsk pormahang pabebe galawang higad." napatitig ako sa mga letra sa libro. Walang pumapasok sa utak ko kung hindi ang mga narinig ko. Totoo kaya iyon? Kabit siya?

Hinampas ko ang pisnge ko at tumitig ulit sa libro, mas okay pa atang si Knight ang nasa isip ko kesa 'yung narinig ko.

Kailangan kong mag focus dito kung hindi mahihirapan ako bukas, dapat 'tong lesson lang ang pumasok sa utak ko.

Dapat 'tong lesson lang.



30 minutes later


Ano kayang matibo niya bakit siya kumabet? Mukha naman siyang may pinag-aralan na tao at pinalaki ng magulang niya ng maayos pero pano niya naatim 'yun? Isa pa istudyante palang siya.

"Hey okay ka lang Rein? May bumabalot ng maitim na aura sayo." biro ni Jez katabi ko pero hindi rin kami close." Wala kasing na pasok sa utak ko." tumawa lang siya at umupo na.

"Start na ang next subject natin itabi mo na 'yan." napatingin ako sa oras at nang laki ang mga mata ko. Kalahating oras ang sinayang ko dahil lang sa pag-iisip sa bagay na 'yun? Eh dapat hindi ako na mamakialam sa problema ng ibang tao. Chismosa din ba ako?

Nasuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang mga daliri ko, parang nakakaramdam kasi ako ng awa kay Maine dahil sa pinag uusapan siya ng patalikod at isa pa parang may nag uudyok sa'kin na mamakialam sa sitwasyon niya.

Ay basta kailangan ko muna intindihin ang quiz bukas at iba pang exam kesa sa problema ng iba.


❦❦❦

His Wolf LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon