02

5 0 0
                                    

"Wahhh! nandyan na si Fiona!!"sigaw ni Mayumi nang makapasok ako sa bahay nila Austin, medyo nagbago narin

"I miss you Larrise"tuwang sabi ni mayumi at niyakap ako nang mahigpit kaya napangiti naman ako at niyakap rin siya pabalik at nakiyakap narin yung iba.

"Alam mo mas lalo kang pumanget ngayon"seryosong saad ni ace kaya sinamaan ko naman siya nang tingin at ngumiti nalang ito at umupo sa tabi ni Zenni.

Umupo ako sa tabi ni mayumi at sinabi nila sa akin ang plano ni Austin at puro tango lang ang binigay ko sa kanila at daling dali naman namin ginawa ang mga props at ang iba ay nagdedesign nang kung ano-ano nang matapos kami ay sabay naman kaming umupo sa sofa.

"Wohhh..nakakapagod!"Sigaw ni mayumi at pinalo naman siya ni Seve sa braso dahil sa pagsigaw nito.

"Uyy..girls nag text na si Austin pauwi na sila"sabi nito kaya daling dali naman nag ayos ang iba at kinuha ang mga kalat. Pero bago pa kami makalabas ay narinig naman namin na may pumasok kaya kinabahan nang sobra ang mga lola niyo.

"H-hi?"Nahihiyang sabi ni Nice kasama rin nito ang asawa."Ahh, hi Nice paalis narin kami..tsaka natapos naman namin"si Nicah ang nagsalita kaya tumango naman si Nice at pumasok kaya nag paalam naman kami na lalabas na at baka mabuking pa.

Pagkalabas namin ay dumiretso kami sa puting van ni Zenni at doon nagsiksikan.

"Wohh..ang sikip naman hindi ba kayo nagdiediet?"birong sabi ni Mayumi at tinignan naman siya nang masama nang iba ako ay nakaupo malapit sa bintana kaya kita ko kung nandynan na sila Azelle.

"Mabuti na park ko yung kotse ko sa may kanto"Sabi ko.

"Kami rin nu yung iba sa kabilang kanto pa"sabat ni mayumi.

"Uyy.. Si Skye ba yun"sabi ni Nicah kaya tinignan naman namin yung tinuro niya at nakita naman naming dahan-dahang naglalakad si Skye na para bang magnanakaw.

"Kita nyo naman yan oh.. Ang ganda-ganda pero parang walang utak"Si Nicah.

"Oo nga at bat ganyan yan maglakad"Sabat rin ni mayumi.

"Tumigil nga kayo dyan at tawagin niyo dahil baka makita pa yan ni Azelle at mabuking pa!"inis na sabi ni ace kaya tinawagan naman ni zenni at tinignan naman namin si Skye na kinuha ang cellphone at sinagot ito.

"Huy!Bat nandyan ka? ahh tapos na kami Ang late mo kasi, Pumasok ka dito sa van!"Sabi ni zen at napatingin naman si Skye sa van at tumakbo papunta dito habang hawak ang dress nitong hanggang paa at pumasok.

"Ano ba! Ang sikip-sikip na eh!"reklamo ni Clea dahil doon nakisiksik si Skye.

"Uyy maawa naman kayo sa bata oh.."pang-aasar ni Mayumi sa height ni clea eh katulad naman rin sila nang height.

"Nagsalita rin ang pandak"bulong ko.

"Anong sabi mo larrise?"inis na tanong nito pero ngitian ko lang.

"Mabuti at walang nakakita sayo...kundi baka hinabol kana nang mga fans mo at mabuking pa tayo"sabi ni zenni sa kanya.

"Mabuti na rin nga dahil nakakapagod mag takbo nang naka heels at naka dress nang mahaba"sabi niya.

"Eh sino bang nagsabi sayo na mag dress at mag heheels ka aber?"saad naman ni Ace.

"Eh..kasi diko naman alam na makakatakbo ako ngayong araw!"inis na sabi ni skye.

"Ayy bahala na,basta kay Azellea"Singit naman ni clea at sumang-ayon naman kami.

Mga ilang minuto rin kami nag hintay nang dumating na ang kotse ni Austin at parang may sumipa naman sa puso ko nang makita itong bumaba, mas lalong gumwapo sya ngayon at kita mo sa mukha niya na masaya siya at binuksan naman niya ang kabilang pinto at lumabas naman si Azelle na may dalang bugkos ng bulaklak at nakangiti naman ito kay austin inakabayan naman siya ni austin at pumasok kay inalis ko naman ang paningin ko at nalipat sa harap pero yun naman ang mga tingin nang kaibigan ko ay parang naawa naman sila kaya pinilit kung ngumiti.

"Girls bat ganyan kayo makatingin, nagagandahan ba kayo?"birong tanong ko pero hindi naman sila nagpadala doon.

"Fiona, kung hindi mo ka--"pinutol ko si mayumi sa sasabihin niya at nag thumbs up lang ako at ngumiti.

"Magtetext lang ba si Austin?"tanong ko.

"Hindi pa,mamaya pa mga five Kaya pumunta muna tayo sa coffee shop ni Clea at maglilibre ka"sagot ni Ace at sumigaw naman ang iba dahil ililibre ko daw, tsaka hindi naman ako puwedeng humindi dahil baka palayasin ako sa van tumango naman ako kaya sinimulan na ni Ace ang mag drive.

Nang makarating kami sa coffee shop ay pina face mask naman namin sila Skye at Ara dahil nga artista baka dumugin pa sila.

Naunang bumaba si Ace at Zenni na nasa harapan bago kami at pinagtitinginan naman kami dahil nga sa magaganda kami ay agaw pansin rin ang mga balat naming halatang anak mayaman.

Pagkapasok namin ay pumunta agad kami sa VIP area at umupo.

"Clea, Alam mo naman yung mga favorites namin kaya yun nalang"sabi ni Seve sa kanya at tumango naman si Clea at lumabas.

"Ayysst, Excited na ako dahil libre nanaman"ngiting wika ni Mayumi at wala namang pumansin.

"Ayy nga pala kamusta na si Ravi?"tanong ko last kasi naming pagkikita namin ni Ravi ay nung sinabayan niya ako sa mansyon nila Austin.

"Hindi namin alam pero nakipagkita naman siya kay nila Austin at Azelle kaya siguradong okay na yun"sagot ni Seve kaya tumango nalang ako at hinintay ang order namin.

"Oh.. Nagkita ulit tayo miss ganda"Sabi nang nasa gilid ko at at inip na nilingon ko naman ito at ito yung lalaking nagpakilala sa akin sa cake shop.

"Hanggang dito ba ay sinusundan mo ako?!"inis na sabi ko.

"Ayyy, wag kang assuming miss ganda hindi ba puwede nagkataon lang"sabi niya na ikinainis ko dahil nga medyo nahiya rin ako. Tinignan naman ako nang mga girls na parang nagtataka.

"Uyy.. Prince doon yung table natin"sigaw nung nga kasamahan nitong lalaki at umalis naman yun.

Fiona Larrise (LS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon