09

0 0 0
                                    

"Huy!.. Fiona okay kalang?"tanong sa akin ni clea nang makarating kami sa bahay ko ihahatid kasi kami ni ace at ako naman ang naunang naihatid niya.

"Wala pagod lang siguro.. Sige ingat"sabi ko at bumaba na.

Bumusina muna si ace bago umalis at hinintay ko naman na makalayo sila bago ako pumasok.

"Oh.. Nandito kana pala..sumabay kanalang sa amin kumain"Tawag sa akin ni mommy.

"Mauna nalang po kayo mom.. Busog pa po ako"sabi ko at dumiretso na sa kwarto at pagkapasok ko ay tinapon ko lang sa gilid ang bag ko at binili ko at dumiretso higa sa kama.

Hindi nama ako ganito nung nag shopping ako..pero nung makita ko ang mga wedding gowns na pinapakita sa amin ni azellea napapaisip rin ako na ako sana yun.

"Siguro..kung naging good girl ako..hindi ba ganito ang mangyayari sa akin"tanong ko sa kawalan.

Hindi ko rin kasi maisip kung bakit nauwi kami sa ganito ni austin..kung sa tutuusin lang sobrang okay ang relasyon namin..maliban lang sa pamilya niya na ayaw sa akin.

"Hayystt..bat pa kasi ako kinuhang maid of honor.. Ano yun papainggitin ako"Inis na sabi ko at bumangon at pumasok sa banyo upang maligo.

"MABUTI at nandito kana..kanina pa naiinip si clyde"Sabi ni Nathan nang makapasok ako sa bar.

"Tss..may dinaanan lang"sabi ko at umupo sa tabi ni clyde.

"Musta pang"bati ko kay clyde at tango lang ang sagot niya.

"Anong nangyari dito?"tanong ko na walang boses kay nathan.

"Eh ano pa ba?...edi naiinis"

"Bakit naman?"

"Habulin Kasi siya nang mga chicks kaya naiinis siya"

"Chicks?"

"Chicks yung anak nang manok"Sagot niya at inis ko naman siyang tinignan at tumawa naman ito.

Baliw!

"Tss..ano bang problema clyde?"tanong ko kay clyde na tinititigan lang ang basong hawak nito.

Hinihintay niya bang matunaw ang ice?

"Naiinis kasi ako sa babaeng yun!..nung highschool pa siya nag papadala nang letters tsaka chocolates!,Creepy!"Inis na sumbong niya sa amin.

Alam ko na ang kinaiinisan nito..nung highschool namin marami nang naglalagay nang nga lettera at chocolates sa locker namin..minsan pa nga binibigay na diretso sa amin at naiitindahan ko naman yun dahil nga sikat kami da ti sa campus..pero ang kakaiba kay clyde ay literal na stalker talaga dahil minemessage siya nito sa mga social media accounts niya pati ang bahay nila at cellphone number niya at umabot yung hanggang collage.

"Nagpaparamdam nanaman siya?..kung ako sayo bro ipaembistiga mo na yan at baka iba na yan"sabi ko.

"Oo nga clyde..baka malay mo.."

"Malay mo ano?"tanong  sa kaniya ni clyde at napangiti naman si nathan.

"Wala,Uminom nalang tayo..Cheers!"

"Anak, Hindi ka pa kakain?..lalamig na tung niluto ko"tanong ni mommy mula sa labas nang pinto.

"Mamaya na po mommy..bababa lang po ako mamaya"Sabi ko.

"O sige..matutulog na kami nang dad mo..good night baby"Sabi niya at umalis na kaya napahiga ulit ako.

Huy! Tyan hindi ka pa ba gutom?..nagdidiet ka ba?

Napabuntong hininga naman ako at lumingon sa cellphone ko na nagriring kaya kinuha ko naman ito at sinagot.

"Hello?"

Fiona Larrise (LS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon