15

1 0 0
                                    

Pagkarating namin sa Restaurant kung saan pagmamay ari nang kaibigan niya.

"Ayusin mo muna sarili mo bago tayo papasok"Sabi ko at tumango naman siya at may kinuhang pouch sa bag niya.

Kikay kit..

"Pasensya nga pala Prince ha.. Sobrang nasaktan lang talaga ako kanina."Sabi niya habang may nilalagay na powder sa mukha niya.

"Okay lang naiitindihan ko.."

"Hmm...done na let's go"ngiting sabi niya kaya lumabas naman ako pinagbuksan siya nang pinto.

Pagpasok namin ay nasa amin na agad ang Spotlight.

Paparazzi!!!

"Wait..."pagpapatigil niya sa akin at dumiretso sa counter.

"Saan si Sabrina?"tanong niya medyo malakas yun kaya napalingon sa kanya ang mga tao.

"Ahmm..may pinuntahan lang po Miss fiona"magalang na sagot sa kanya nung cashier.

"Ahh.. Sige yung usually kung ino order dito bali dalawa thanks"saad niya at nang makalapit sa akin ay hinatak naman niya ako papunta second floor at mas maraming bakante doon kaysa sa baba.

"Akala ko ba restaurant tu??"tanong ko sa kanya.

The way kasi siya mag order kanina parang nasa Karinderya lang kami.

"Nakakatamad kasing tumawag nang waiter kaya straight to the point nalang"

"Ano bang inorder mo?"

"Hmm..Casseilapinata"sagot niya na ikina noot nang noo ko.

Cassei?!!! What...

Pagkain ba yun?!!!

"Ano ba yun?"

"Isdang prinito na may dahon-dahon sa plato na may kunting sauce"seryosong sagot niya.

Para yun lang?!...

"Tsk..akala ko naman pagkain nang Hari at Reyna yung inorder mo..mas sosyal pa siya sa pangalan ko"

"Hahahaha...ewan ko sayo.. Syempre galing yan sa kanunuan nila dati nga cassei palang tawag niyan tapos nung si Sab na yung humawak nang recipe na yun ayun mas pinasosyal pa niya"mahabang explanation niya na kahit isa wala akong naitindihan dahil sa bilis nang pananalita niya.

"Ahhh.. Gets ko na"ngiting sabi ko kahit hindi ko naman naitindihan yun.

Pagkarating nang inorder niya ay akala ko ay iisang putahe lang ang inorder niya pero diko inaasahan na madami pala yun.

"A-akala ko casseiblahblah yung inorder mo b-bat ang dami?!"takang tanong ko at tumawa naman siya.

"Ito nga yun Casseilapinata..sari saring seafood family bundle"Nakangiting saad niya.

"Don't tell me na di mo nakuha yung joke ko?"natatawang saad niya.

Ehh?.. Haysttt mga babae nga naman.

"Ahhh..yeah diko nga na gets hehehe... Let's eat na"Sabi ko at natawa nalang siya.

NAKAKA bigla yung mga pangyayari ngayong araw,umiyak ako sa harap ni Prince tas ngayon tumatawa ako sa harap niya.

Baka nababaliwan natu siya akin myghadddd...

"Alam mo mas bagay sayo yung ngumingiti parati"biglang saad niya na ikinatigil ko.

"Hmm..yun nga sabi ni Tita sa akin but.. Ewan hahhaa"diko alam ang sasabihin ko.

"Always smile larri mas gumaganda ka kapag nakangiti"Nakangiting saad niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya at masayang tinapos ang pagkain.

"Pasok ka muna Prince,Gusto ka rin makita nila mommy"saad ko sa kanya nang makababa ako sa kotse niya.Hinatid na kasi niya ako at parang ang pangit naman na kung di ko siya papasukin.

Ayaw mo lang talaga masermonan nang mommy at daddy mo dahil wala ka kanina sa office Larrise.

"Sige,Park ko muna tu"sabi niya at ngumiti naman ako at umunang pumasok.

Pagkapasok ko ay nakita ko naman si Mommy at Daddy na busy sa paghaharot sa isa't isa.

Respeto naman sa single!!!!!!!

"Mom..Dad.. I'm home"tawag pansin ko sa kanila pero parang wala lang sila narinig.

"Pumasok na ako"Pagkapasok ni Prince ay doon na sila lumingon sa kinatatayuan ko.

Wow?!...bulong lang ni prince narinig nila eh yung sa akin wala wow..

"Ohh,Anak..Prince nandyan pala kayo"Nakangiting sabi ni daddy at tumayo at lumapit sa amin at niyakap ako pati Si Prince.

Aba!

"Saan si Mommy Iza mo Prince"Bati ni mommy sa kaniya at nakibeso pa.

"Ahh...nasa bahay po"magalang na sabi ni Prince.

"Ohh..kumain na ba kayo may niluto akong Chicken Curry doon"Sabi ni mommy.

"Ahh..okay na po mommy kumain na po kami"sabi ko at tumango naman si mommy.

Pinaupo ko muna si Prince sa Sala kasama sila Mommy at iniwan muna sila doon para makabihis ako.

Pagkababa ko ay narinig ko naman tawanan nila.

"Naku iho,dalas dalasin mo na punta mo dito at para may kasama ako sa mga hobbies"Sabi ni dad.

"Okay po tito no problem"rinig ko ring sagot ni Prince.

Nang makababa ako ay lumapit agad ako sa kanila at tumabi kay Prince at nagulat naman ako na inakbayan niya ako.

"Ehemm...hindi naman sa pinapakialaman ko ang buhay pag ibig mo fiona.Pero matanong lang kita kayo na ba ni Prince?"nabigla ako sa tanong ni Daddy at sasagot na sana ako nang unahan ako ni Prince.

"Nililigawan palang po"Kung may ininom lang ako na tubig nailuwa ko na ito.

Tinignan ko siya na nagtataka at sinesenyas sa kanya na bawiin niya ang sinabi niya.

"Pasensya lang po kung hindi ako naka pag paalam sa inyo,pero seryoso po ako sa anak niyo"seryosong sabi niya na ikinanganga ko.

Bwisit na Prinsipe tu!!!!

"Hmm..buto na kami Sayo Prince,Mabuti naman at may nakilala na si fiona na matino"Saad ni daddy gusto ko sanang bawiin lahat nang pinagsasabi niya pero diniin naman ni Prince ang pag akbay sa akin.

"Sige po tito..tita uwi na po ako baka hinahanap na ako ni mommy"pagpapaalam ni Prince at kating kati na akong hatakin ang lalaking tu

"Sige iho,aasahan ko ang pagpupunta mo dito"

At may binulong pa ito sa kanya.

"Sige po tito..mukhang araw-araw akong bibisita dito"nakangiting saad naman ni Prince.

Nang matapos na itong mag paalam ay hinatak ko naman ito palabas at piningot ang tenga.

"Aray!!!...fiona ang sakit"Pag daing nito sa pagpingot ko.

"Nahihibang ka ba?!...ano ba yung pinagsasabi mo kay nila dad ha?!..kung wala kang trip please...wag sila mommy pagtripan mo!"Galit na sabi ko.

"Sa tingin mo ba pinagtritripan ko yung feelings ko sayo?"Seryoso niyang sabi na ikinatigil ko.


Fiona Larrise (LS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon