11

0 0 0
                                    

Sila na ba?

Girlfriend ba yan ni sir?

Ang ganda niya..

Wala na bes..may nauna na sa pila..

Ang sexy niya..my ideal body!

Siya pala yun..

Bagay sila ni sir...

Swerte ni girl..at siya ang first girlfriend ni sir prince..

Bulongan nang mga empleyado ni prince at napatingin naman ako kay prince na parang walang pake sa naririnig at nakangiti pa.

"Huyy..okay ka lang?"buling ko sa kanya na ikinaugong naman nang bulongan dahil sa pagbulong ko.

"Wala..ikaw maunang lumabas"sabi niya at tumango naman ako at sumunod naman siya.

Hmm..gentleman...

"Dito kana lang sa kotse ko"sabi niya.

"Pero paano yung kotse ko?"tanong ko.

"Ipapahatid ko nalang sa restaurant na kakainan natin"

"Sige"sagot ko at pinagbuksan naman niya ako at sinarado ito..pero bago pa siya pumasok sa driver's seat ay may kina usap naman siya at siguro yun yung driver niya.

"Saan ang susi mo?"tanong niya sa akin nang makapasok siya kaya kinuha ko naman ito sa bag ko at binigay sa kanya at binigay naman niya ito doon sa driver.

Pagkarating namin sa restaurant ay lumabas na ako at ayaw ko nang pagbuksan pa dahil may kamay at paa naman ako.

"Gusto mo ba dito?"tanong niya sa akin."Hmm.. Oo okay lang..dapat maubos yung pera ko dito ha?"biro ko at natawa naman siya.

Pagkapasok namin ay binati naman kami nang guard at iginiya kami sa vip.. Area.

"Anong gusto mong food?"tanong niya nang mabasa ang menu.

"Hmm..basta yung masarap..damihan mo ha.."sabi ko at tumango naman siya at tinawag ang waiter at sinabi dito ang inorder.

PAGKATAPOS kung sabihin sa waiter ang order namin ay parang nailang naman ako dahil nga naalala ko ang mga pinang gagawa ko kagabi.

"Kung naiilang ka dahil sa pinangagawa mo kagabi..puwede naman nating kalimutan yun"nakangiting sabi niya sa akin.

"Hmm..okay..nakakahiya lang kasi.."

"Tss...hindi nu sa totoo lang ang cute mo..tsaka ngayon lang ako nakita at nakilala nang lalaking nagbabybaby talk kapag lasing"Nakangiting sabi niya at namula naman ako sa hiya.

"Aishh..wag mo na nga ipaalala.."inis na sabi ko at natawa naman siya..nagkuwentuhan naman kami sa pangayayari sa buhay namin hanggang sa dumating ang pagkain namin.

"Ahmm..thank you sa treat..sa sunod ako naman ang manglilibre"sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

"So Friends"sabi niya sa akin at nilahad ang kamay nito at tinanggap ko naman.

"Friends"

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami dahil nahatid narin ang kotse niya ay hindi na siya sumabay pa sa akin kaya bumalik naman ako sa kompanya na may ngiti sa akin at hindi na pinansin pa ang mga empleyado kung nagtataka.

"Sir...ito nalang po ang naiwan na papeles na kailangan niyo pong permahan"

"Okay..pakilagay nalang dyan..tsaka nga pala kumain kana?"tanong ko at parang nabigla naman siya.

"ahmm..opo sir kakatapos ko lang pong kumain."

"Ahh..okay sa salamat"sabi ko at umupo sa upuan at sinimulan nang permahan ang mga papeles.

PAGKAUWI ko sa bahay ay sinalubong naman ako ni mommy.

"Hi baby, musta ang date?"nanunuksong tanong nito.

"Date..anong date mommy?"takang tanong ko at nilagay ang bag ko sa sofa at umupo.

"Tignan mo tu"sabi niya sa akin at binigay sa akin ang tablet niya kaya binasa ko naman ito at nagulat naman ako.

Mr.Tan dating Miss Gonzales.. Sila na ba?
Yan ang tinatanong nang mga taong nakakita sa kanilang dalawa habang sabay na lumabas sa isang restaurant..at makikita dito ang masayang mukha nang pinamayamang binata sa buong mundo.. Kasama ang nag-iisang anak nang mga Gonzales.

"Tss...ang mga media talaga"bored kung sabi at binigay kay mom ang tablet.

"Hmm..puwede mo bang sabihin sa akin kung anong nangyayari dito?"

"Mom..hindi po kami ni prince..may inutos lang si ninang sa akin at niyaya ko lang siyang kumain sa restaurant as a friend..so wag nyo na pong bigyan nang malisya yun"

"Kung yan ang sabi mo.. Sige akyat muna ako"sabi niya umalis.

Sumandal naman ako sa sofa at inilihig ang ulo ko.

Nakita na kaya niya?

Nakita na ba ni austin ang report?

Haystt..fiona umayos ka at ikakasal na ang tao.

Napabuntong hininga naman ako at tumayo..at kinuha ang bag ko at umakyat na.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nag ring naman ang phone ko kaya kinuha ko naman ito.

Ano naman ang kailangan nang mga tu at kailang pang mag group vc!

Inis ko namang sinagot ito at nakita ko naman ang pagmumukha nila na sabik sa chismis!

"Oh?!..anong nangyari sa mga mukha niyo?!"

"Huhuhu...fiona ikaw ha!..inaagaw mo sa akin si prince"

"Ewan ko sayo nicah"irap na sabi ko.

"Totoo ba yung sa balita lari?"tanong sa akin ni ara.

"Nope,niyaya ko lang si prince dahil may ipinahatid lang si ninang sa akin tsaka lunch na yung kaya sinabay ko nalang"sabi ko at parang hindi naman sila naniwala.

"Eh..hindi kami naniniwala..ikaw pa"si ace.

"Haystt..kung yan lang ang tinawag niyo at paniniwalaan niyo ay ipapatay ko na tung tawag!"

"Tsk!..aminin mo nga sa amin..may feelings ka pa parin ba kay austin?"tanong sa akin ni mayumi na ikinatigil ko.

Hindi ko naman ginawa yun para pag-usapan kami nang media at para ipaalam kay austin na naka move on na ako..kahit hindi pa.. Ginawa ko lang yun dahil gusto ko lang makipag kaibigan.

"Oo..pero hindi ko ginagamit si prince para maging rebound ko mayumi"Medyo galit na sabi ko.

"Pero fiona yun ang naki--"hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin niya at pinatay ko na ang tawag at sinilent naman yun at padabog na tinapon ang cellphone ko sa kama.

Oo inaamin kung hindi pa ako naka move on kay austin pero gamitin si prince bilang rebound ay isang malaking NO! Tsaka kaibigan ko na sya ngayon atsaka hindi naman niya ako gusto para magawa ko siyang rebound!.








Fiona Larrise (LS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon