16

2 1 0
                                    

Pagulong gulong ako ngayon sa kama dahil hindi ako makatulog sa narinig ko ngayon kay prince.

Nakakain ba yun nang magic sarap at ganun ang pinag sasabi nun?!

Sa tingin mo ba pinagtritripan ko yung feelings ko sayo?

Sa tingin mo ba pinagtritripan ko yung feelings ko sayo?

Sa tingin mo ba pinagtritripan ko yung feelings ko sayo?

Taena mehn!!!

Bat ayaw umalis sa utak ko wahhhh!

"Fiona,Matulog kana at may trabaho kapa bukas.Hayaan mo na yung lalaking yun at nahalikan lang yun nang prinsesang bakla sa kanto tsk!"Pag uusap ko sa sarili ko.

"Oh..mukhang naparami ang inom natin ah"Sabat ni daddy sa likuran ko.

"May problema kaba anak?"

"Wala naman daddy..umiinom lang ako..pampatulog lang"sagot ko.

Umupo naman siya sa tabi ko at kumuha nang isang can nang beer.

"About Sa Company ba yan or sa babae?"Tanong nito.

"hmm..sa tingin niyo dad?"

"Kung about sa company sigurado akong Nasa opisina ka ngayon at kumakain nang ice cream..pero alak yung tinitira mo ngayon kaya problema yan about sa babae"sagot niya at napangiti nalang ako.

Tatay ko nga talaga siya..

"Hmm...May nagugustuhan kasi ako ngayon"Panimula ko.

"So fiona ba yan?"nagulat naman ako at napalingon sa kanya.

"K-kilala mo siya dad?"tanong ko at natawa naman siya at inakbayan ako.

"Anak,Simula nung nakita ko ang balita tungkol sa inyo ay alam ko nang may pagtingin kana sa kanya"Saad nito.

Manong bola?

"Anak kilala kita,hindi ikaw yung tipong lalaki na mahilig sa babae. Naalala ko pa nga noon yung mga love letters na pinapatapon mo kay nila manang. Tapos nung anniversary nang school niyo, diba may babaeng gustong makipag kaibigan sayo pero anong ginawa mo,diba dimo pinansin at umalis ka lang"Mahabang sabi niya.

"Anong pinupunto mo dad?"

"Ang pinupunto ko ay iba ang trato mo kay fiona at sa mga babaeng nakikila mo,katulad kay seve"Sabi nito.

"Nagka gusto ako noon kay seve dad"

"Pero naiiba parin sa pagkagusto mo ngayon kay fiona"

Nakatitig ako kay dad nang sabihin niya yun.

Haysttt!

"Oh, natulala ka ata?..anak ligawan mo na yang si fiona at baka maagaw pa nang iba"sabi nito at tinapik ang balikat ko at tumayo.

"O siya ubusin mo na yan at matulog kana, at mukhang may susunduin ka bukas"sabi nito at umalis na.

Medyo bastos doon si dad... Di man lang nag sabi nang "good night" or "Sleep well"

KINABUKASAN...

Ring...Ring...Ring

"Hmmm"

Ring... Ring...Ring

"Hmpp"

Napamulat ako dahil sa ingay nang cellphone ko kaya kinuha ko naman ito sa table na nasa tabi ko at sinagot yun.

"Hai My fiona"Napatingin naman ako sa caller at Si Prince pala yung tumatawag.

"Anong My fiona?!"Napakunot noo kung tanong.

"Sus, umagang kay ganda ngayon tapos itong kausap kp ngayon nasa O kay gabi pa"

"Hoy prince, kung wala kalang rin namang importanteng sasabihin wag kang mang trip. Sinira mo pa tulog ko tsk!"Inis na sabi ko at pinatay ito at binalik ulit sa desk.

Hihiga na sana ako nang mag notif ito kaya inis ko naman itong kinuha.

Message from:Prince

Nasa sala nyo ako ngayon,hahahahaha cute mp pala nung baby ka nu HAHAHA

Received
7:25 am

Dahil sa nabasa ko ay dali dali naman akong bumangon at patakbong binuksan ang pintuan ko at bumaba sa hagdan at nandoon nga sya at tumatawa kasama si Mommy.

"Ang cute niya dito hahahahahah"Tawang saad niya kaya sa inis ko ay nilapitan ko ito at hinablot ang album.

"Morning My fiona"Nakangising saad nito sa sobrang ngisi niya nakikita ko na gilagid niya.

"Anong ginagawa mo dito ha?!"Inis na sabi ko.

"Sinusundo ka?"

"May sarili akong sasakyan kaya hindi mo na ako kailangan pang sunduin"

"Tsk, masyado kang clumsy kaya mahirap na"sagot nito.

"Anak, nakakahiya naman sa manliligaw mo na ganyan ang itsura mo jusporsyanto"Sabat ni mommy at naalala ko nga pala na di pa ako naka toothbrush at kahit suklay man lang kaya napatingin naman ako kay prince at nakangisi parin.

"Cute mo"sabi niya nang walang boses kaya dahil sa inis ko ay tinapon ko sa kanya ang album at padabog na umakyat.

Tskkk nakakahiya Myghadd!!!!

Napatawa naman ako nung umakyat si fiona.

Cute niya sobra!!!

"Hmpp..mukhang inlove na inlove ka talaga sa anak ko iho"Sabat ni ninang at napalingon naman ako.

"Ahm..nakakahiya pero opo hehehe...cute po kasi nang anak nyo"Saad ko at napangiti naman ito.

"Mukhang magiging panatag ako kung ikaw ang magiging asawa nang unica iha ko Prince"Seryosong saad nito.

"Sana, kayo ang magkatuluyan sa huli"Dagdag pa niya at napangiti namn ako.

"Opo ninang, matutupad po yan"Ngiting sagot ko.

"Oh siya maiwan muna kita dito at mag aayos na ako,may lakad pa kasi kami nang ninong mo"Sabi niya at tumango naman ako at nag pasalamat.

Habang hinihintay ko si fiona na bumaba ay nag titingin ako nang mga pictures na naka kabit sa wall nila.

At isa doon ay yung picture niya na kasama sila Seve.

Ang gaganda nila, pero syempre mas maganda si fiona.

"Huy,Prinsipeng palaka!"Tawag nito sa akin at napalingon naman ako.

Wow ganda niya shet!

"Tsk!,alam ko na maganda ako pero please tulungan mo ako dito"Inis niyang sabi kaya nagmadaling lumapit naman ako sa kanya at kinuha ang isang maleta.

"Bat may dala kang maleta?,Wag mong sabihin na makikipag tanan ka sa akin?"Sabi ko at tumaas naman ang kilay niya.

"FYI, Pinalaki ako nila mommy na disenteng babae at kung sayo lang rin naman ako tatanan,Huh! Manigas ka cheee!"sabi niya at binangga pa ako.

"Mommy,aalis na po ako!"sigaw niya kahit nasa dining lang si tita.

"Okay mag ingat kayo, susunod lang kami ni daddy mo doon"Sagot ni tita at napakunot naman ang noo ko.

Saan sila pupunta?

Pagkalabas namin ni fiona ay nilagay ko naman ang maleta niya sa likod nang kotse.

"Saan ba tayo pupunta?"Tanong ko nang makasakay ako.

"La Shaila Hotel"tipid niyang sagot.

"Eh?.. Anong gagawin natin doon?"

"Kasal nang kaibigan ko bukas"Sabi niya.

"Ahmmm..yung ex mo tsaka best friend mo?"

"Sino pa ba?"sungit niyang sagit kaya tumahimik nalang ako at sinimulan nang mag drive.










Fiona Larrise (LS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon