06

1 0 0
                                    

AWKWARD yan ang nararamdaman namin nitong katabi ko kakatapos lang namin kumain at pagkatapos ay dito na kami dumiretso sa garden nila ninang at busy na sila sa pagchichika ngayon..samantalang kami nitong katabi ko ay tahimik lang at nakikinig sa kanila.

"Gusto mo ice cream?"tanong ni prince sa akin at tumango lang ako..kaya tumayo naman siya at pumasok sa loob.

Haystt!!!..boringgg gusto ko nang umuwi at matulog!.

"Cookies and cream ice cream for you"nakangiting sabi ni prince at inalok sa akin ang isang bowl na may lamang ice cream kaya kinuha ko naman ito dahil natatakam naman ako sa itsura.

"Hmm..sarap talaga!"sabi ko nang matikman ko ito.

"Saan mo tu nabili?"tanong ko at bibili ako pag-uwi namin mamaya.

"Ahh..ako ang gumawa niyan"nahihiyang sabi niya at kumamot pa nang batok.

Eh?..siya gumawa nito?!..

"Really?"gulat na tanong ko.

"A-ang sarap.. Tsaka naiiba yung lasa niya sa mga ice cream na same ang flavour na nakain ko"dagdag ko at lihim naman siya napangiti pero nakita ko parin.

"Tinuruan kasi ako ni lola"sagot at tumango naman ako at nagpatuloy sa pagkain.

KILIG yan ang nararamdaman ko nang sabihin yun ni fiona.. Ewan ko ba marami na nag sasabi sa akin na masarap daw yung ice cream na ginagawa ko at niluluto ko pero naiiba talaga katulad nung kanina.

Flashback....

"Wow..ninang ang sarap po nang luto niyo"tuwang sabi ni fiona at napangiti naman ako dahil akala niya si mommy ang nagluto nang mga ito.

"Hahaha..iha hindi ako nag luto nito kundi yang katabi mo"Tawang sabi ni mommy.

Okay lang ba siya?

"As in?..ikaw nagluto nito prince?"Hindi makapaniwalang tanong ni tita at pahiyang tumango.

"Mmm.. Sarap nang luto mo"Nakangiting sabi sa akin ni fiona at parang natunawa naman ako sa ngiting yun.

Hoy!.. Prince umayos ka!

"Ahh..ehh salamat"

End of flashback...

Ngiting tinignan ko lang siya habang kumakain nang ice cream.

Para siyang bata

"May dumi ba ako sa mukha?"tanong niya at di namalayan na humarap na pala siya.

Sh*t Nahuli ako!

"Ahh..w-wala sige kumain ka pa..m-may ice cream pa doon"nauutal na sabi ko at umiwas na.

Nang maghapon na ay nagpaalam na sila tita at fiona na uuwi na dahil malapit nang gumabi..pinigilan pa nga sila ni mommy na dito nalang kumain pero hindi na pumayag si tita dahil baka daw magalit si tita at naitindihan naman ni mommy at dahil nahihiya parin ako kay fiona ay hindi na ako sumama kay mommy sa paghatid sa kanila sa labas at pumunta nalang ako sa kwarto.

PAGKAUWI namin ni mommy ay dumiretso na ako sa kwarto at isinalampak ang sarili sa kama dahil sa pagod.

Nakakapagod ngayon araw na tu...tss matawagan nga si ace.

Kaya kinuha ko naman ang cellphone ko sa sling bag ko habang nakadapa parin at di nial ang number ni ace.

"Hello?!"

"Tss..galit agad ace?"

"Tch!..bat ka tumawag?"inis na tanong niya.

"Libre ka ba ngayon?"tanong ko at tumahimik muna saglit sa kabilang linya.

"Hindi..duty ko ngayon bukas pa ang off ko bakit?"sagot niya.

"Ahh wala.. Akala ko kasi off mo dyan sana ako matutulog sa bahay mo"

"Sa ibang girls kana lang baka hindi sila busy"sabi niya at pinatayan ako nang cellphone.

Bastos ah!

Kung kay Severine ako..may duty naman siya sa hospital kung kay skye ay may bagong palabas siya ngayon na ishoshoot kaya busy siya..si zenn naman ay nasa paris..at ang iba ay busy..tss saan kaya ako..nabuburyong na ako dito sa bahay!..wait si clea tama!

Kaya di-nial ko naman ang number ni clea at hindi pa nakakaabot nang apat na ring ay sumagot na ito.

"Hey..fiona napatawag ka?"

"Nasaan ka ngayon?"

"Hmm..nasa bahay bakit?"

"Ahh..puwede dyan muna ako  matutulog..nabuburyong na ako dito sa bahay eh"

"Puwede naman"

"True!!!...yes thank you cley..sige tetext nalang sayo bye!"dahil sa excitement ko ay dali-daling naligo naman ako at nag impake nang kunting damit at yung nga kailangan ko katulad nang charger..powerbank..mga make up kits ko..colognes and basta lahat nang mga kailangan ko.

Tok!.. Tok!... Tok!

"ANAK?"Napalingon naman ako sa pintuan ko nang kumatok si mommy at nakasilip na na ngayon.

"May ginagawa ka pa?"nakangiting tanong niya at tinuro ang mga papeles ko sa mesa.

"Wala na po.. Bakit?"tanong ko at inaayos ang mga papel.. Dahil sa kilig ko ay natapos ko ang mga papeles na na tinamaran ko kanina.

"Puwede mo ba akong samahan na mag shopping"Nakangiting sabi niya at parang pinipilit akong umuoo kaya napatawa naman ako at tumango kaya pumalakpak naman siya sa saya at niyakap ako.

"O siya mag-ayos kana at mag-aayos narin ako"sabi niya at humalik muna siya sa pisngi ko at tumakbi palabas.

Parang bata...

NANG makarating ako sa bahay ni clea ay pinapasok naman ako nang guard nila at nang makapasok ako ay nadatnan ko naman si clea na sumisigaw kaharap ang laptop niya.

"Wahhhh...Dale I love you!!!!!"

"Ang galing mo!"

"Anakan mo na ako!!!"

"Wahhh.yeah..yeah.. Baby i'm here for youuuu!!!!! Wahhh ang gwapo mo talaga!! "

Mga sigaw niya at napatakip naman ako nang tenga at dahan-dahang lumapit sa likuran niya at parang hindi naman niya naramdaman ang presence ko!.

At nakita ko naman ang pinapanood niya at si Dale naman ang pinapanood.

"Huy!..kung makasigaw ka dyan akala mo maririnig ka"inis na sabi ko gulat naman itong lumingon sa akin.

"Ano ba?!..fiona ginugulat mo naman ako!"inis na sabi niya at hininaan ang volume tsaka tumayo kaya nilapag ko naman ang bag ko sa sofa nila at umupo.

"Tsaka..kahit di niya ako naririnig..ramdam naman niya ang pagmamahal ko nu"nakangusong sabi niya at inirapan ko naman ito.

"Kumain kana?"tanong niya at umuling naman ako.

"Sige mag papaluto nalang ako kay nila manang"sabi niya at pinause muna ang video at dumiretso sa kusina habang ako naman ay kinuha ang cellphone ko.

To be continued...

Wahhhh...may solo na si nayeon!!!!

Excited na ako!!!

Pero wala akong perang pambili nang album!!!
Hmppp!!!!

Fiona Larrise (LS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon