19

3 1 0
                                    

Pagkatapos nang reception ay umuwi na kami ni fiona pagka umaga pati narin mga kaibigan niya at doon daw mag hohoney moon ang newly weds.

Pagkauwi namin ni Fiona ay hinatid ko muna siya sa bahay nila at umuwi na rin ako pagkatapos. Pagkauwi ko ay nag bihis na ako at may meeting kami ngayon sa  Company.

"Good morning Sir"

"Sir nasa loob na po yung mga Board Members"

"Sir, may proposal po ang M Company"

Bungad sa akin at iniisa isa ko naman itong trinabaho.

Pagkauwi ko ay naabutan ko si Mommy na nag luluto.

"Good evening mom"Bati ko at niyakap ito patalikod.

"Hayy..ang big boy ko may girlfriend na"sabi ni mommy at napangiti naman ako at umalis sa likuran niya at tumabi.

"My First ever girlfriend, ganito pala feeling nun mom"Nakangiting sabi ko.

"Oo, ngayon nararamdaman mo na kung ano ang nararamdaman nang mga kaibigan mo sa tuwing sinasabi nilang mahal na mahal nila ang gf nila"

"Oo mom, ramdam na ramdam ko na.. Dati kasi sinasabi kung napaka cringe nang mga sinasabi nila but look at me now.."

"Hmm.. Hayyy binata kana talaga. Oh sya magbihis kana at pagkababa mo ay kakain na tayo"Sabi niya at tumango naman ako at sinunod ang sinabi niya.

Pagkatapos namin kumain ni mom at dad ay kinuha ko na ang laptop ko at doon tumambay sa may swimming pool, dahil may parang cottage naman doon at maliwanag.

Habang nag titipa ako ay napatingin naman ako sa cellphone ko.

Diko pa pala natatawagan si fiona ngayong araw..

Kaya kinuha ko ito at pinindot doon ang messenger at pinindot doon ang video call.

Ilang ring pa ay sinagot niya.

"Hai love good evening.."Bati ko sa kanya kita ko naman itong kumakain.

Cute niya..

"Good evening din..dinner?"tanong niya.

"Done na, musta araw mo?"

"Ayun medyo hectic, daming mga undone pa na mga trabaho"sabi niya.

"Sila Ninang saan?"

"Wala ako kina Mommy, nandito ako sa bahay ko ngayon"

"Ahhh..okay ka lang ba dyan. Sinirado mo ba nang mabuti yang pintuan dyan, may security guard ba dyan?"tanong ko at natawa naman siya.

"Wag kang mag alala, kapitbahay ko yung isa sa mga kaibigan ko tsaka secure village naman tung tinitirhan ko"Sabi pa niya at tumango naman ako.

Naging tahimik naman ang pagitan sa amin at pinapanood ko siyang kumain.

"Ahmm...ikaw musta work?"tanong niya halata sa boses niya ang hiya dahil nga sa pinapanood ko siya.

"Ayun pagod but nawala narin nung nakita ko yang magandang mukha mo"Sabi ko at nakita ko naman itong napatigil sa pag subo.

"Alam mo ang corny mo"Sabi niya at ngumuso.

"Ang cute mo, sarap pisilin yang pisngi mo"Sabi ko at mas ngumuso pa ito.

"Si fiona ba yan?"Napalingon naman ako sa may pintuan at nakita ko namang ngumito si mommy. Tumango ako sa kanya at lumapit naman ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"Hi fiona"Masayang bati sa kanya ni mom at may pakaway pa.

"Hi po Tita, Musta po araw niyo? "Tanong niya at doon sila na ang nag uusap kaya tinuloy ko naman ang ginagawa ko kanina habang pinapakinggan sila.

"Oh siya iha,ibibigay ko na kay Prince ang cellphone at baka hinihintay na ako nang tito mo sa kwarto"Pagpapaalam ni Mom.

"Sige po tita, good night po"Sagot ni fiona at binigay ni mom ang phone niya at sinenyasan ako na matulog narin kaya tumango naman ako.

"Hello love"Tawag ko

"Hmm?.."

"Matutulog kana?"tanong ko

"Mamaya na, may tatapusin pa ako"sabi niya

"Same tayo, sige tapusin mo muna yan..wag masyadong mag pupuyat I love you"Sabi ko.

"Sige good night "bati niya at pinatay na ang tawag.

Napangiti nalang ako kasi alam kung kinikilig lang siya.




KINABUKASAN

Pagkagising ko ay tinext ko naman si fiona at sinabi sa kanya kung magpapasunod ba siya pero sinabi niyang may pupuntahan pa daw siya kaya dumiretso na ako sa kompanya at ganun parin ang bati nila sa akin, wala paring pinagbago.

Pagkatapos kung tapusin ang lahat nang tatapusin ay umalis na ako at pumunta sa coffee shop nang kaibigan ni Fiona para sunduin siya.

Pagkarating ko ay nakikita ko naman na parang pinapagalitan siya nang kaibigan niya.. Yung Girlfriend ni Lee.

Kita na kasi sila dito sa pwesto kasi nga glass kasi ang ding ding nito.

Pagkalabas ko ay kinuha ko naman ang bulaklak na binili ko kanina nung papunta ako dito.

Pagkapasok ko ay pumunta na ako sa pwesto nila Fiona.

"sinasabi ko sayo Fiona tigilan mo na yan!"Galit na sabi nung Gf ni Lee.

"Hai love"bati ko at natigil naman yung kaibigan niya sa sasabihin niya.

"Uyyy Love..nandito kana pala"Parang gulat na sabi ni fiona, tumayo siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Ahmm..love si Ace pala, hindi ko siya napakilala sayo nung kasal nila Austin"Sabi niya at kita ko naman ang pag seryoso ni Ace at iaabot ko na sana ang kamay ko nang kinuha niya ang bag niy at umalis.

"Anong nangyari?...nag away ba kayo?"Tanong ko habanh pinapanood si Fiona na sinusunod ang paningin sa kaibigan na kakalabas palang.

"Ahhh.. Wala medyo di lang kami nag kakaitindihan"Ngiting sabi nito.

"Saan ba tayo?"Tanong niya

"Ikaw ba?..saan mo gusto pumunta ngayon?"Pabalik kung tanong.

"Sa bahay nalang tayo, tsaka narinig ko kasi sa iba na magaling ka daw mag luto. So paglutuan mo ako pleasee" Nakangiting sabi pa nito at dahil ngumuso pa ito ay kinurot ko ang pisnge niya at mas lalo pa itong ngumiti.

"Sige ba"sagot ko kinuha niya sa akin ang bulaklak at kinuha ko rin ang bag niya. Paglabas namin ay inalalayan ko naman ito hanggang sa pag sakay sa sasakyan.

"Ahmm..love naiwan ko yung pouch ko na pink sa table"sabi niya nang hinahalungak at bag.

"Sige ako na kukuha"sabi ko habang pabalik ay napangiti naman ako dahil tinatawa na niya ako na Love.

Pagkalabas ko matapos kung kunin ang pouch niya ay napatigil naman ako na may humablot sa akin at dinala ako sa may di kita masyado.

Susuntukin ko na sana nang kaibigan pala ni Fiona ang humamblot sa akin.

"Ace?" takang tanong ko at seryoso naman ang mukha nito.

"Prince, Gusto ko lang sabihin sayo tu..Mag ingat ka kay Fiona"Sabi niya na ikina kunot nang noo ko.

"Mag ingat?..anong ibig mong sabihin"Sabi ko

"Si fiona parang rosas, maganda nga ang panglabas pero may mga tinik na siguradong masasaktan ang magmamahal sa kanya"Sabi niya.

"Nag away ba kayo?"Sabi ko at umiling naman ito.

"Paalala lang ko lang yan sayo Prince, mag ingat ka..Alam kung maiitindihan mo rin ang sasabihin ko balang araw pag nasaktan kana"Sabi niya at tinapik pa ang balikat ko at umalis na.

Anong ibig niyang sabihin?

Fiona Larrise (LS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon