6.2 - Street Care

2 3 0
                                    

Braven POV

Ang akala ko talaga triplets sila, magkakapareho kase sila ng mukha at magkatangkaran lang. Patungo na kami sa Jollibee at kitang - kita ko sa kanilang mga mata ang saya.

Nag drive-thru nalang kami para mabilis lang, pagkatapos kong bumili ay tinanong ko kaagad sila kung saan ang direksyon ng bahay nila,

"Kiddo's pakituro nalang ng daan papunta sa bahay niyo, okay?" they nodded.

While I'm in the middle of driving, my phone rang.Nang tiningnan ko kung sino ang caller ay si Calvin lang pala.

Yayayain na naman ako nitong mag-inoman sa bar so I didn't bother to answer his calls.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay napamangha ako, kase kahit wala na silang mga magulang ay malinis ang paligid nito, halatang hindi pinapababayaan.

"Alright kiddo's, bumaba na tayo." I said bago bumaba sa driver's seat at pinagbuksan sila.

"Hinay-hinay lang baka madapa kayo." ani ko, sobrang excited nilang bumaba. Nag-uunahan pa silang buksan ang pinto ng bahay nila.

They're so brave and independent kase nakaya nilang buhayin ang mga sarili nila kahit wala na silang magulang.

I think they need foster parent to take care of them. Ang bata pa nila upang magpakahirap na ikayod ang mga buhay nila. I need to know them more, kasi pag nalaman ko na doon ko na siguro pwede magpakuha ng foster parent for them.

I feel so comfortable with them even it's our first interaction. Ang gaan ng loob ko sa kanila. It's kinda weird because I've felt this before. Siguro care lang ito at the same time awa na rin sa kanila because of there situation.

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila, simple pero maganda ang bahay nila. Medyo madumi nga lang pero madali lang naman to' malilinis kung merong maglilinis.

"Kuya pasensya na po kung medyo marumi yung bahay namin minsan lang po kase makapaglinis." sabi ni Sean.

I nodded,

"It's okay, I understand your situation naman. By the way , nasaan ba kusina ninyo? Kasi ihahanda ko na itong mga pagkain."

"Sundan mo po ako kuya." ani Shadow at mabilis na nagtungo sa kusina nila at kaagad naman akong sumunod.

"Ang linis naman ng kusina niyo." Mangha kong sabi. Totoo naman kaseng malinis ang kusina nila. Walang mga hugasin ang nakatambak sa lababo at yung mga kitchen utensils nakalagay ng maayos sa mga lagayan.

"Masaya naman kayo kahit kayo lang tatlo dito sa bahay?" I ask,

"Opo pero may kulang pa rin kuya. Wala na po yung papa at mama namin." Malungkot na sagot niya.

I feel him, masakit talaga mawalan ng magulang. Kagaya ko rin sila na nawalan na ng magulang, pero si mommy lang ang nawala sa akin kase si daddy nakikita at nakakasama ko pa kahit minsan lang.

Mas kawawa sila dahil yung mga parents nila hinding-hindi na babalik tsaka wala pang mga kamag-anak nila na nag-aalaga sa kanila.

Awang-awa ako sa sitwasyon nila pero kung titingnan ko sila sa kanilang mga mata nakikita ko na kahit may nakatagong lungkot nangingibabaw pa rin yung saya.

"Pwede ko ba akong kumuha ng pinggan?" I asked him.

"Oo naman kuya." He smile widely. Kumuha na kaagad ako ng plato at kutsara para ihanda itong dala ko.

Ilang sandali lang ay pumasok na ang dalawa — si Sean at Shander. Nagtatakbohan pang pumasok dito sa kusina.

"Maupo muna kayo diyan at hinahanda ko pa itong pagkain." saad ko at di na bumaling ng lingon.

Ang saya at ang gaan ng pakiramdam ko sa kanila. I wish I was there brother so I can take care of them.

"Pray muna tayo before kumain." sabi ko at inilagay ang mga pagkain sa mesa bago umupo.

"Ako na po ang mag-lead ng prayer." ani Shadow.

"Hindi Shadow dapat ako, diba ako ang kuya." singit naman ni Shander.

"Eh diba kuya ikaw naman yung nag lead ng pray kaninang umaga so ako naman po ngayon." giit ni Shadow.

Mukhang mag-aaway pa talaga itong magkapatid.

"Kiddo's ako na, kung pwede?" sabat ko.

"Oo naman kuya." they said in unison.

Mabuti naman at pumayag ang dalawang ito.

"Okay let us pray." sabi ko at nag-sign of the cross.

I pray that this children will be safe and healthy. At sana alagaan at bantayan nila ang isa't isa kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon nila.

Calvin pov

"Na-contact mo na ba siya apo?" Lolo asked.

I shook my head. Kanina ko pa kino-contact itong si Braven pero hindi ko siya ma reach out.

"Baka busy po doon sa nililigawan niyang babae." I said. At agad namang umangat ang tingin ni Lolo.

"Seryoso ba siya sa babaeng yun?" seryosong tanong niya.

"Hindi ko rin po alam Lo, baka maging isa rin siya sa koleksyon niya."

I hope that he will love that girl truly. Pero hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit siya ganyan. Dahil na siguro sa trauma niya sa Mommy niya at sa unang babaeng sineryoso niya.

I feel pity for him, I know he just want a girl who will truly love him. I hope she will find that girl.

Malalim ang binitiwang hininga ni Lolo at hindi ko nagustuhan ang kaniyang sunod na sinabi,"Hindi mabuti ang pagpapalaki ko sa kaniya apo, kase hinayaan ko siyang magtanim ng galit sa ina niya."

"Nagkakamali kayo diyan sa sinabi mo Lolo pinalaki niyo po siya ng mabuti , kung titingnan mo ang background niya its looks like napakasama niya pero deep inside soft hearted siya." pagkontra ko sa sinabi niya dahil iyon ang totoo.

Wala siyang kasalanan kung bakit naging ganiyan si Braven, nasa kay Braven na yun. Siguro nga'y hindi pa handa si Braven magpatawad sa ngayon pero alam kong dadating rin ang panahon para siya ay magpatawad sa mga taong may kasalanan sa kaniya.

"Pero hanggang ngayon galit pa rin siya sa Ina niya." mahinang ani ni Lolo.

"Lo nasa kay Braven na po yun, desisyon niya na po yun. Baka kasi di pa siya handa magpatawad. Malay niyo bukas pinatawad niya na si Tita." Masigla kong saad at matipid na ngumiti.

"Sana nga."  matamlay ang boses ni Lolo pero alam ko na umaasa pa rin siya katulad ko na patawarin ni Braven si Tita.

Diyos nga nagpapatawad , si Braven pa kaya. He became a Heartbreaker because her Mommy is the first woman who break's his heart into pieces.

Sana nga'y mapatawad niya si Tita, matagal-tagal na rin simula nung magkahiwalay ang Mommy at Daddy niya.

Napaka-tindi ng traumang idinulot nun sa kaniya. Ang diyos nalang ang bahala sa kaniya.

Loving the HeartbreakerWhere stories live. Discover now