7 - Mitch Ex

3 2 0
                                    

Keithryn POV

Ako lang mag-isa dito sa bahay, hindi pa kasi dumadating si Mitch. Saan na ba kase ang babaitang yun?

Sabi niya kasi na susunod kaagad siya. Aywan ko talaga sa babaeng yun,pinapaasa ako.

[doorbell rings]

I think nandito na ang gaga, mabuti naman ay pumayag siyang dito matulog sa bahay. Tumungo na ako sa sala at binuksan ang pintuan ng,

"Can I come in?"

Namilog ang aking mga mata at natuod ako sa aking kinatatayuan ng dahil sa taong bumungad sa aking harapan.

"H-how?" I uttered. Di ako makapaniwala na nakarating na siya, ilang buwan din siyang nawala.

"Hindi ka ba masaya na nandito ako ngayon?" malungkot niyang tanong.

"S-syempre masaya p-pero hindi mo n-naman sinabi na d-dadating ka para naman m-makapaghanda ako." putragis naman oh, nagkanda-utal utal na tuloy ako.

Bakit kase ngayon pa siya dumating? Eh hindi pa handa si Mitch na makita siya.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" tanong niya, nang lingonin ko ito ay nasa labas pa pala siya ng pinto.

"Pasok ka! Sorry ha kase medyo magulo itong bahay di kase ako nakapaglinis." iginiya ko siya sa may sofa.

Nakakahiya dahil marumi pa ang bahay ko.
As in!

"Kailan ka pa nakauwi dito sa pinas?" tanong ko , at pasimpleng kinukuha ang mga bra at damit ko na nagkalat sa sofa.

"Nung sabado pa." sagot niya at kita ko naman na pinasadahan niya ng mga tingin ang bawat sulok ng sala.

I nodded, "Ahh."

"May boyfriend na ba si Mitch?" he asked.

"Wala, kahit maharot yun." I pursed my lips.

I took a glance at him, he smile genuinely. I think he still love Mitch.

They are so sweet in each other before like a fairytale story but suddenly they broke up. I don't know what's the real reason of their break up.

I know that no one cheated, baka siguro merong hindi naging sapat at merong napagod kasi ganun naman yung ibang magkarelasyon.

Ang swerte nalang kase walang nagloko. Hindi tulad ng iba na panay ang panloloko eh hindi naman yun nakakagwapo o nakakaganda.

Did they think that it looks so cool? Anong merong utak ang nasa mga taong manloloko? Akala ba nila'y laro lang ang pakikipag-relasyon?

Pwes nagkakamali sila dahil sa bawat na panglolokong ginagawa nila may damdaming nasasaktan.

Kaya before we love somebody else we have to love our self first. Wag nating ibigay sa isang tao ang lahat ng pagmamahal natin kase sa pagdating ng panahon baka tayo'y iwanan ng biglaan so mas mabuti pang magtira tayo ng konti para sa ating sarili.

Kasi pag iniwan tayo ng lahat, sarili nalang natin ang matitira.

"Beh nandito na ako!" sigaw mula sa labas.

Patay, nandito na ang gaga!What I'm going to do?

"Woii magtago ka! Nandiyan na si Mitch,patay ako nito!" itinulak ko si Phayton sa likod ng sofa.

"What now?" takang tanong niya pero hindi ko na siya sinagot.

Inaayos ko pa ang mga kalat sa sala, at biglang bumukas ang pinto,

"Beh, I'm hereee!" iniluwa nito si Mitch.

Napatayo ako ng tuwid dahil sa gulat. Bakit ba naman kase ngayon pa?

"Oh, bakit parang gulat na gulat kang makita ako?" takang tanong niya pero hindi ako maka imik.

"Nagulat ka ba dahil sa kagandahan ko?" she waved her hair.

"H-hindi noh, tsaka napaka feeling mo naman!" sinubukan kong hindi ma-utal pero piste talaga itong bibig ko. Napakahirap magsinungaling.

"Hmp tampo na ako." umirap pa siya. Mabuti naman ay wala siyang napansin.

"Amoy perfume ng lalaki ah."sabi niya bago umupo.

"Pinagsasabi mo?" Mabuti nalang at hindi ako nautal.

"Iba lang kasi ang naamoy ko, parang amoy lalaki." kumunot ang noo niya, kita kong sumilip si Phayton at tumitig sa kaniya pero tumago  din ito ng dinilatan ko.

"Naalala mo pa ba si Phayton?" I asked.

"Paano ko naman makakalimutan ang pinaka-unang lalaki na minahal ko." she answered bitterly.

Siguro mahal pa niya si Phayton, hula ko lang.

"What if bumalik siya?"biglang tanong ko. Hindi ko alam, kung bakit biglang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.

Tumingala siya at ngumiti ng mapait, "Then good..... good for him."

"Handa ka na bang makita siya ulit?" tanong kong muli.

"Siguro handa na, pero hindi pa ako handang mahalin siya ulit." pain passes to her eyes.

Naiintindihan ko si Mitch, masakit din kasi yun. It was her first boyfriend and her first heartbreak.

"Bakit ka ba tanong ng tanong?" biglaan niyang tanong.

Napalunok ako ng aking laway, umiling nalang ako. Wala naman siguro siyang ibang napapansin.

"Nakapag-luto ka na ba ng ulam?" tanong niyang muli.

I just nodded.

Vegetable Salad and Crepe cake lang ang niluto ko.  I love sweets but I hate seeing couples cuddles.

Nakaka-irita kaya 'yun.

Ayaw ko talaga sa lahat yung may makikita akong mag-jowa sa gilid ng daan na nagyayakapan o kahit holding hands man lang.

Bitter na kung bitter pero para sa akin ang laswa at nakakasuka yun tingnan.

"Beh kain na tayo." pag-alok niya, at nauna ng tumungo sa kusina.

Kaagad din naman akong sumunod sa kaniya, I hope she will like the foods.

Umupo na ako at hinayaan siyang ihain ang mga niluto ko. Hindi ako mahilig kumain ng rice kaya't hindi ako mataba.

"Ang bango talaga ng crepe cake mo." pagpuri niya bago nilantakan ang isang plato ng pande krema.

"Hep,hep,hep! Beh pray first before we eat." ani ko, at pinigilan siyang lamunin ang isang kutsarang puno ng cake.

Nahihiyang ngumiti siya sa'kin bago nag-peace sign. Ako na ang nag-lead ng prayer baka kase hanggang sign of the cross lang siya ng dahil sa katakawan niya.

Basta pagkain talaga, palagi siyang nauuna. Lalo na nung sila pa ni Phayton, palagi niyang pinapabili ng pagkain ang lalaki.

Phayton is such a  'Perfect Ideal Boyfriend'. Well his rich, kind, handsome, loving and a caring man. Kumbaga nasa kaniya na ang lahat.

Mitch are so lucky because she got
Phayton's love. Even though they broke their hearts it won't keep them apart.

Kita ko sa mata ni Phayton kanina na nandiyan pa rin yung pagmamahal niya kay Mitch, at alam ko rin na may parte pa rin sa puso ni Mitch ang binata.

Magiging sila pa kaya ulit?

Loving the HeartbreakerWhere stories live. Discover now