Keithryn POV
"Hey ,Ms. Nerdy can I sit with you?" He asked sweetly. Ang mapupungay niyang mga mata nakakabihag. Hindi pa rin mawala-wala ang mata ko sa kaniya.
"Y-yeah" I uttered. Bakit ba ako nauutal? He's nothing but a popular womanizer. Listen Keithryn wag kang tatanga-tanga.
Itinuon ko nalang ang aking sarili sa klase, pero kahit anong titig ko sa blackboard wala pa ring pumapasok sa utak ko na lesson. Lutang pa rin ang isip ko sa gwapong manloloko na nasa tabi ko.
Gwapo nga pero sayang dahil isa itong dakilang manloloko, walang ginawa kundi saktan ang puso ng mga babae. Bakit ba kase sila pumapatol dito? Ehh alam naman siguro nilang paglalaruan lang sila nito.
"Class ihanda niyo na ang inyong mga sarili dahil magsisimula na tayo sa ating quiz. Pag may nahuli akong nangongopya ay didiretso sa labas! Naiintindihan niyo ba?" Banta ni Prof. Floss sa buong klase.
"Opo Prof." sagot namin pabalik, tumango lamang si Prof. "I'm will give you fifteen minutes to finish the quiz." saad niya at tiningnan ang relo sa kaniyang kamay.
Bakit ang ikli lang ng oras? Dapat twenty minutes yun. Nagsisimula na ang mga kaklase ko pero ako hindi pa, wala pa akong naisasagot sa mga tanong dito sa hawak kong test paper. Heto ako ngayon sabog pa rin. Perl kailangan kong masagutan to' , ayaw ko pa namang bumagsak.
"You have only ten minutes left." putangina! ten minutes na lang. Ambilis ng oras.
I started writing even my mind is blocked. My brain is blown away but I'm still keeping answering the questions.
Bakit ba kase ako nahihirapan ngayon dito sa History? ehh alam na alam ko itong mga to' eh. Malas itong lalaking to' para sakin. Simula kase nung narinig ko ang pangalan niya, hindi na ako makapag-concentrate ng mabuti.
Gwapo lang naman siya yun lang pero bakit? Bakit ako nabibighani sa kaniya? Bakit palagi siyang sumasagi sa isipan ko?
"Last five minutes." saad ni Prof. habang naglilibot sa buong klase.
"Mukhang nahihirapan ka yata?" tanong ng tukmol na nasa tabi ko. Yawa kasalanan niya to'ehh.
"Pakialam mo." asik ko at nagpapatuloy pa rin sa pagsagot sa quiz. He just chuckled.
"Pakokopyahin kita, gusto mo?" papansin talaga itong lalaking to'.
"No need kase kaya ko naman." I reasoned out. Kahit obvious naman na nahihirapan ako ngayon.
"Sigurado ka bang kaya mo? Ehh apat pa nga ang nasasagutan mo." aniya at humahagikhik pa, hinablot ko naman kaagad ang papel sa kamay niya. Nakakainis!
"Wow, wala bang thank you jan, you're welcome pala." saad niya pero di ko nalang siya pinagtuonan ng pansin. Bahala na. Kakapalan ko na lang mukha ko ngayon. But I promised, hindi na to'mangyayari ulit.
Ilang minuto na lang, magpapasahan na ng quiz papers, buti nalang tapos na ako. Salamat sa mokong na to'. May pakinabang rin pala to'. Kahit may dala-dala siyang aircon.
"Times up, pass your papers here in the front now." Saad ni Prof. at muli na namang umingay ang klase.
"Prof. wait lang." sigaw nung isang lalaki. At dali-daling ibinigay kay Prof. ang papel. Dinumog ang table ni Prof.
Tumayo na ako at ibinigay ang papel ko kay Prof."We need to talk Ms. Elisardo, I'll call you later." anito at napatango nalang ako. Ano kayang pag-uusapan namin mamaya? Siguro importanteng bagay yun.
Bumalik na ako sa aking upuan at itong katabi kong lalaki ay nakangiting tumitingin sakin. May saltik ba ito?
"Wag ka ngang ngumiti para kang may saltik sa utak." asik ko. Para talaga siyang may saltik bigla nalang kase siyang ngingiti tapos seseryoso na naman.

YOU ARE READING
Loving the Heartbreaker
RomanceIntroduction "You're the famous casanova prince in this university.... Why I should trust my feelings to you?" - Keithryn Elisardo A casanova prince fall in love with a boyish nerdy girl like Keithryn. A nerd who never felt love, care and seek an at...