2nd

3 0 0
                                    

AIVYLLIN

My head freaking hurts.

What the fuck?! Sabi ko three glasses lang maximum ko eh. Nagoyo nanaman ako nila Trina. Anong oras na ba?

I immediately searched for my phone in my beige Saint Laurent bag. Putcha!! 2:45 AM na!! Patay na naman ako nito kila mom. Kung mamalasin nga naman oh! Nasakto pa sa scheduled flight nila mom and dad pauwi ng Philippines. Base sa narinig ko kay Georgia na secretary ni dad, baka mga 3:30 daw nandito na sila.

Sa sobrang pag-aalala ko, ngayon ko lang narealize na nasa kotse pa pala ako. Aba! Buti naman na-isipan akong ihatid nitong bruhang to after nya ko lasingin!

"Aray bitch! Kita mong nagd-drive ako eh. Ibunggo ko kaya tong million-peso car mo para madala ka!"

Maka-bitch naman toh! Mahina lang naman yung kurot ko. Tsaka desurv nya naman, ginago nya ko kanina sa club eh. Na-scam ako ng shot-puno nya! Sabi nya broken hearted daw siya ngayon kaya nakakahiya naman tanggihan.

"DESERVE!! Tsaka subukan mo lang ibunggo tong baby ko! Sasabihin ko kay Joseph na you want him back!!"

"Uy!! Wala namang ganun, eto na nga eh, iniingatan na nga po yung 'baby' nyo, madam."

Trina Lacson. My best friend ever since senior high. To say na nagsasawa na ko sa mukha niya is an understatement. Jusko! Ang wild ng babaeng yan! Dinadamay pa talaga ko! Friendship goals daw! Aba pota, kung ganun lang din, wag na lang!

Nung nakarating na kami sa gate ng village, pina-uwi ko na si Trina dahil 3:00 narin naman. Since sober na rin naman ako, nasa katinuan na ko magdrive. Malapit lang naman. Wala pa naman siguro sina mom right?

Pag-pasok ko sa gate ng bahay, nagulat ako nung bukas pa ang ilaw sa first floor ng mansyon! Shit!! Bakit andito na agad sila?!

While overthinking my situation, narinig ko nalang na bumukas yung passenger seat next to me. Nakita ko si Haidee na naka jacket at nakacap. Ano namang ginagawa niya sa gitna ng gabi?! Ba't di pa siya tulog?! Patay kami nito eh.

"Chillax, ate Aivy. I can hear your brain working from here. As you probably realized by now, anjan na ang mga tandang Graceo." at nakapagbiro pa talaga siya sa mga oras na toh ha! Alam kong rebelde siya, pero grabe!! Unbothered queen si ate girl!

"Nakatawa ka pa talaga ha. Ikaw Haidee, saan ka galing bata ka?! Gabi na ha! At wala ka naman sinabi samin na aalis ka. Edi sana sinundo ka namin." sabi ko sabay batok sa kanya. Antigas ng ulo! Nahawa na ata kay Vino!

"Exactly." She said with a wink.

Ano daw?!

KNOCK! KNOCK!

Ay pusang gala! Di ko na natanong si Dee dahil nakita ko ang parents namin na nakatok na sa window ng driver seat. Pano na to shocks?!?!

"Open the window, Aivyllin."

Teka! Di ko pa nasusulat last will ko puta!!

Nagulat ako nung may naramdaman akong dumampi sa balat ko. Hinawakan ni Dee ang kamay ko.

"I got this, ate Aivy."

Bumuntong hininga nalang ako at hinayaang siya buksan ang window sa side ko. Ramdam na ramdam ko yung galit ng parents namin. I fought the urge to close the windows again. Okay lang, Aivyllin! The sooner you face this, the better. Di ko man alam kung saan galing si Dee, I'm planning to say na pinilit ko nalang siyang sumama sakin. Pero bago pa ko makapagsalita, nauna na si Haidee.

Graceo Station 1: Aivyllin GraceoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon