3rd

4 0 0
                                    

AIVYLLIN

Di ko na alam kung ilang oras na akong nakatunganga dito sa kama ko. Nakatingin lang sa ceiling at nag-iisip-isip. 'That person' di parin ako pinapatulog ng mystery person na yan.

Di naman dapat ako nagtataka kasi marami naman talagang connections ang mga Graceo. Mula pa sa mga parents ng grandparents ko, successful na talaga kami sa business industry.

Pero hindi ko alam, something's not adding up. May mali. Ang Siren Corporation ay hindi basta-basta nadadala sa connections. Pag sinabi niyang someone recommended me, malamang trusted na talaga para sa kanya ang taong yun. That's the only possibility. Or else...

'That person' and Mr. Pablo reached a compromise.

Kung sakaling pumayag si Mr. Pablo na makipag-deal sa taong yun, that could only mean one thing.

'That person' is talented enough to get Mr. Pablo's acknowledgement.

Hindi lang yon, kung titignan sa enthusiasm niya kahapon, mukhang gustong-gusto niya ang taong yun. Gaano kaya siya ka-gifted to the point of leaving Mr. Pablo impressed as hell?!

Oh baka naman anak niya sa labas kaya may favoritism siya? Seriously, what's with me and illegitimate children?! Kasalanan to ni Vino. I love all illegitimate children, they deserve all love in the world, pwera lang dun sa halimaw na yun! Di ako papayag na kapatid na buo ko yun.

Just when I was about to try and force myself to sleep, may narinig akong malakas na kalabog sa kabilang kwarto. Dimitri?!? Don't tell me he did it again?!?!

Hindi na ko nag-abala na kumatok. Binuksan ko agad ang pinto pagdating ko sa kwarto niya. Sumalubong sakin ang isang natumbang cello at si Dimitri na nasa sahig. Mitri!!!

"Jusko!! Anong nangyari?! Ayos ka lang ba?! May masakit ba sayo??" sunod-sunod ang tanong ko habang tinutulungan siyang tumayo at inaayos ang cello nya. Mukhang nagpa-practice siya para sa intrams.

"I'm sorry. Did I wake you up, ate? Don't worry, it was just a slip of hand."

Hindi ako tanga.

"Was it about her again?" Paniguradong may naalala na naman siyang memory nung nagtry siya magplay ng cello. Ayos na siya noong mga nakaraang linggo, pero bumabalik na naman siya sa dati nowadays. Dahil na rin siguro malapit na yung anniversary ng araw na nawala siya.

Alam naming buhay pa siya. Kaya nga even after 6 years of searching, di parin kami sumusuko. And it looks like that won't happen anytime soon. Kahit saan pa siya nagtatago, hahanapin namin siya.

I don't care if it'll take me decades to find her. Basta ang sigurado ako, I'll bring her back. Di ko hahayaan na ganito na lang lagi kaming magkakapatid. I messed up once, I won't let it happen the second time.

= = = = = = = = = = = = = = = = =

"Let us all welcome, Dimitri Graceo!"

At dumating na ang araw ng performance ni Mitri. Mula nung gabing yun, napagpasyahan kong samahan si Dimitri everytime magpapractice siya. Hindi na naulit yung 'slip of hand' pero halatang may bumabagabag sa kanya.

"Di parin kumukupas ang galing ni kuya Dimitri, nakaka-inlove pa rin mga musical performance niya!" bulong nung isang student sa likod namin na hindi ko sure kung bulong ba talaga. Eh kahit si Dimitri ata na nasa stage, narinig pa yun eh. Well, nasa front row naman kasi kami kaya konti lang ang pagitan namin sa kanya.

"Kung napanood lang nila si Mitri nung nandiyan pa siya.. " rinig kong sabi ni Vino sa tabi ko. I can't agree more. May kung ano kasing nangyayari kay Dimitri everytime tutugtog sila ni Dee. Ang itinuturing na prodigy ng mga tao, may mas maibubuga pa sana kung nandyan lang siya.

Speaking of her, nanonood kaya siya?

Nilibot ko ang tingin sa buong gymnasium. Nagbabakasakali na makita siya sa crowd. Pero sa halip na bulto ng babae ang makita ko, nakita ko na naman siya.

Yung lalaki na nakita ko sa coffee shop.

He is now wearing a dual tone varsity jacket with abalone-colored long sleeves and navy blue naman sa torso. Printed with numbers 07 and badge na may logo ng Adamson University. Paired with an ash-gray shirt under the jacket and jet-black Adidas jagger pants. He is wearing multiple silver rings and may iilan ding piercing. At di nga ako nagkakamali, may branded na naman siyang suot. His shoes! What the hell is wrong with him?! Why would you bring a fucking Air Jordan 12 in an intramurals?!

Sa lahat ng details ng outfits niya, isa lang ang pinagtutuunan ko ng pansin.

That surname.

VILLAÑA

= = = = = = = = = = = = = = = = =

Kahit sa pag-uwi namin ng mansyon, di parin mawala sa isipan ko yung lalaking yun. Alam naman ng lahat na dalawa ang anak nina Penelope at Rahid Villaña. Kagaya nga ng topic lagi sa loob ng elites, hindi masyadong exposed ang bunsong Villaña sa business circle dahil mas pinili nitong mag-focus sa sports at ipaubaya ang pagmamanage sa tunay na tigapagmana. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko ito nakilala. I'm certain na ang younger Villaña ang nakita ko kanina at sa cafe. Dahil imposibleng makalimutan ko ang mukha ng kuya niya.

RONAN VILLAÑA

Graduated Summa Cum Laude in Business Administration from Polytechnic University of the Philippines. He studied at Far Eastern University during senior high school though. How did I know? It's normal to keep an eye at your rival, don't you think? Isa pa, hinding-hindi ko makakalimutan kung paano ako i-compare nila mom every time may achievement si Ronan. Di ko naman piniling maging updated noh. Sadyang natatak nalang sa isip ko.

Kung tutuusin, wala na akong balita sa mga Villañas. Busy na nga ako sa sarili naming fashion brand, busy pa ko sa paghahanap kay Dee. I planned to put everything aside and prioritize finding her first, pero kailangan nang magpapatakbo ng company para di makahalata sila dad na hinahanap pa rin namin siya.

Maybe it's time for me to check on the Villañas.

Kinuha ko yung Macbook ko at nagsearch sa google ng mga latest articles about Villañas. Nagsilabasan naman ang mga news reports about sa mga recent accomplishments ng pamilya nila. 'Wala naman akong makukuhang useful information dito' is what I was thinking, until I saw that article.

VILLAÑA FAMILY WITH THEIR COUSINS, THE FUENTES; CAUGHT CELEBRATING CHAMPIONSHIPS' VICTORY WITH JOVEN VILLAÑA'S ANONYMOUS FIANCEE.

Anonymous fiancee? So you're telling me, yung binatang nakita ko kanina is actually engaged with someone?! Is he not a minor?! Or at most in his early 20's?! Naunahan niya pa 26-year-old brother niya?! Well, I'm not one to talk kasi naunahan pa nga ako ni Vino magka-love life eh.

Nung pipindutin ko na sana yung article, bigla na lang itong nawala. Pati buong site is unavailable na! What the fuck?! What just happened?! Are you messing with me?! Tangina naman oh! Ewan ko ba kung bakit caught up ako sa news na yun. Feeling ko lang may something na nakatago sa article na yun. Something na kailangan kong malaman.

That article sure is suspicious.

Bakit naman yun buburahin after i-publish? Kailangan talaga idamay buong site?!

I wonder, ano kayang tinatago ng mga Villaña?

= = = = = = = = = = = = = = = = =

A/N: Natapos nanaman po natin ang isang episode!! Some thoughts about this chapter? Total word count natin is exactly 1200 words! Yes, slightly shorter compared sa usual pero bawi nalang ako next update! Coming up next... Chapter 4!!😍

SENDING VIRTUAL HUGS!!! <3

Graceo Station 1: Aivyllin GraceoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon