8th

0 0 0
                                    

AIVYLLIN

"Ansaya mo ata ngayon?" nagtataka kong tanong dito kay Trina.

Kanina pa kasi siya ngiti nang ngiti. Alam ko namang baliw-baliw to si Trina, pero normal naman siya lalo na pag nasa loob kami ng school. Eto pa ang himala, nag-aya siya kumain sa Vikings tapos libre niya daw. Mayaman naman kami pareho kaya wala lang samin ang manlibre kahit Vikings pa yan, pero hindi basta-basta nanlilibre toh at hanggang aya lang siya.

"Let me guess, nagkabalikan na kayo ni Seph noh?" hula ko kaya napatingin siya sakin bigla.

"Woahh Aivy, genius ka talaga. Pano mo nalaman?"

As if naman mahirap hulaan. Ungot kasi siya ng ungot na sana magkabalikan na daw sila ni 'papi' Joseph niya. Queen of manifestation talaga toh. Bakit laging nasasagot ang dasal niya? Favorite yarn?

"Ganto kasi yun, nagkita kami..." panimula niya. Pero di ko na siya pinatapos at baka abutin pa kami ng gabi dito.

"Oo na!! Lagi naman kayong nagkakabalikan eh. Same old story. Nagkita nanaman kayo sa bar dahil pareho kayong nagluluksa about sa break-up niyo, tapos narealize niyo na mahal niyo parin pala ang isa't-isa kaya napagdesisyunan niyong magbalikan nalang." Ako na ang nagkwento para naka summarize na. Pag siya kasi, andami niya pang dagdag at ang detailed. Ew.

"Wow, pano mo talaga nalalaman?"

"Ganun naman kayo lagi eh!!!"

No offense, mahal ko si Trina kahit medjo di siya normal sa pag-iisip. Pero that doesn't mean I'll tolerate her too-sweet love life updates. Magkaka-diabetes na ko dahil sa kanya.

"Nga pala, magm-meet kami ngayon ni Seph. Tinanong niya kasi kung anong oras end ng class ko para masundo niya daw ako. So excited!!!"

Oh sige, isampal mo pa sa'king single ako.

"Edi mauuna na ko. Ililigtas ko ang sarili ko dahil single lives matter."

Napaka-bitter mo naman Aivyllin. Wake up, this is not you.

"Hoy para kang tanga, friend mo na rin naman yun si Seph, parang minsan nga ako pa ang nagthi-third-wheel sa inyo eh." sagot naman niya. Kung plano niya pagaanin ang loob ko, then its not working.

When our class ended an eternity later, diretso agad kami sa exit dahil I want to leave this place as soon as I can. Mas pipiliin ko pang makinig sa bangayan ni Vino at Dimitri about sa kung sinong favorite kuya ni Dee kaysa manatili sa school.

"Luv!!" sigaw ng kung sino mang may jowa dun sa may end ng hallway.

Ewan na!! Gusto ko nalang umuwi. Nakakababa ng mood yung mga mag-jowa. Joke lang. Ano ba problema ko?! Wala namang ampalaya ang sinigang ha?! Loko to si Vino, baka dinagdagan niya ng ampalaya yung plato ko kagabi kaya ganto ko ka-bitter.

"Luv!!! Tara na Aivy." biglang sigaw naman netong katabi ko.

"Kailangan talaga kasama ako? Baka sabihin kabit pa ko eh." sagot ko kaya tinawanan nalang ako ni Trina.

"Ano ba sinasabi mo? Di ka naman mag-isa anjan si Ronron oh."

Ano daw? Who?

"Sinong..." di ko na natapos sasabihin ko dahil sinalubong na kami nina Seph.

Ahhhh siya pala.


Si Ronan.

"Hi luv!! Namiss kita!! Hi Aivy! Musta class niyo kanina?" tanong ni Seph samin ni Trina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Graceo Station 1: Aivyllin GraceoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon