5th

2 0 0
                                    

AIVYLLIN

Congratulatory party.


Nanalo ang shs ng Far Eastern University sa ginanap na science quiz bee at natanggap din lahat ng entries namin for research defense & symposium. Because of that, nagpaparty naman agad ang mga elites na nasa FEU.


"Ano bang ganap mo dyan?! Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?! You should relax for a bit, Aivy!"


Gaga talaga to si Trina. Basta party, siya talaga nangunguna. Kaya nga hindi ko to pinapakilala sa kambal kasi baka kung anu-ano ituro nya dun, lalo na kay Dee. Bet na bet niya pa naman si Haidee, kesyo ang sarap daw bihisan kasi mukhang barbie. Totoo naman, kaso as if naman papayag yung kapatid ko na yun. Kahit nga ako, rarely ko lang siyang maayusan, sapilitan pa.


"Tangina mo, subukan mo lang magpakalasing nanaman, iiwan na talaga kita mag-isa!" Ako naman kasi laging tiga-ayos ng mga gulo nito ni Trina.


Di na ako magtataka. Kasi yung first time nga kaming nagkita, ginamit niya ko. Sinabi niya ba naman dun sa manliligaw niya na lesbian daw siya, sabay turo sakin at pinakilala pa ko as girlfriend niya!
Kaloka! Wala na naman akong nagawa kasi baka mapahiya siya kapag tinanggi ko siya. Sabi niya, ako lang daw kasi yung magandang nadaan nun, kaya ako lang yung convincing magtake nung girlfriend role. Na-issue pa nga kami nun eh. Pero na clear niya naman yung rumors.


"KJ mo naman! Balak ko pa naman magpakalasing ngayon. Sobrang napagod kaya ako mag-alaga nung mga rat samples natin, tapos namatay lang din kinabukasan." angal niya. Wala naman akong masasabi dun since napakahirap naman talaga nung experimentation.


"Worth it naman kasi na-accept proposal natin, Trina. Pero grabe sana wala na nun pag nasa Ateneo na ako."


I'm planning to take Bachelor of Arts in Political Science at Ateneo De Manila University. Then Bachelor of laws after graduating from AB PolSci. Kung sakali mang may research study parin dun, ipagdasal nyo nalang ako.


"Kahit na!! Naabuso ang aking mental, physical, emotional, lahat na ng al health!! mabuti nalang at inaccept nila, kundi baka nagdrop nalang ako from FEU." OA talaga nitong lokaret na to. "By the way, nakita mo na ba si papi na nagpanalo ng quiz bee natin?! Gosh, ready na ata ako mag-asawa. Papayag kaya siya pag inaya ko siyang magtanan?"


"Itigil mo nga yan, Trina! Nakakacringe ka puta! Paano mo nasasabi yan?!"


"Eto naman! Ikaw ba? Wala ka pang balak magjowa? Puro reject nalang ba gagawin natin? Dinaig mo pa X-Factor judges eh. Bagay kang panelist sa research."


Wala naman talaga kasi akong balak. Wala ding napasa sa standards ko. Tsaka family oriented kasi akong tao. Ready na kaya akong tumandang dalaga.


"Not interested."


Graceo Station 1: Aivyllin GraceoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon