10

3 1 0
                                    


"Takot ka pala bakit ka pa sumunod" Sabi pa nito, diba ako yung nililigawan? Bat parang ako pa yung nanunuyo hmmp!.

"Ano bang problema please tell me?" Napahinto ito ng mahawankan ko ang dulo ng damit nito, hindi ito lumingon.

"Please mag usap tayo ayoko ng ganto" pumunta ako sa harap nya, ako talaga yung nangsusuyo imbis ako yung sinusuyo. Umigting ang panga nito sa sobrang galit at ginulo nito ang buhok na parang prostrated.

"Sabi ko sa sarili ko kokontrolin ko ang sarili ko ayokong kamuhian mo ko dahil sa sobrang possessive ko sayo, pero hindi ko mapigilang hindi magalit pag nakikita kang may kasamang lalaki o kaya may lumalapit sayo" nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Hey, satingin mo ba bakit kita kasama ngayon kung ayaw ko sa ugali mo at sa tingin mo bakit kita nagustuhan kung nasasakal ako sa ugali mo?hindi nababase ang kagustuhan mong mahalin ang isang tao dahil lamang sa ugali nila" naging maayos na ang mukha nito kaysa kanina na parang papatay na bigla nalang ako nito niyakap at siniksik ang mukha sa aking leeg.

"Sorry baby, nag selos lang ako kasi ang sweet mo sa Jake nayun muka namang unggoy" natawa naman ako kaya pala.

"Nako ikaw masiyado kang seloso, tinulungan kasi kami nila jake para matayo yung tent at nag pasalamat lang ako" paliwanag ko dito pero ayaw nitong maniwala.

"Really? may pag punas pa" nakasimangot parin ito at naiinis

"Madumi kasi kamay niya wag kana mag selos alam mo naman na mabait ako kahit kayla nic diba ganyon naman talaga ako"

"Basta pag naging tayo na hindi na pwede yung ganyon" final na sabi nito at hinapit ako sa bewang.

"Ok po baby damulag ko" napangiti naman ito.

"Pakiss muna" chansing natong lalaking to.

"Ikaw ang hilig mo sa kiss" naiinis kong sabi dito napatingin ako sa paligid ko puro puno.

"Raiden nasan naba tayo?" Kinakabahan kong sabi ayoko maligaw.

"Gusto mo makakita ng falls may nakita akong ilog dito" na exicite naman ako.

"Talaga nasaan?" Hila ko dito.

"Kiss muna" Wala nakong nagawa nanaman dahil gusto ko talaga makita mahilig ako sa nature.

"Oh nasan na raiden bilisan mo babatukan kita Jan!" Naiiling nalang ito bago hawakan ang kamay ko.

"Malayo paba?" Tanong ko dito.

"Malapit na, ayun" turo nito at nakita kona ang falls maraming bato dito at mga bulaklak. Bumaba pa kami para maka upo sa bato.

"Wow, ang ganda!" Nilabas ko ang cellphone ko at pinicturan ko ang ito.

"Raiden picture tayo bili" hinarap ko ang camera sa amin inakbayan ako ni raiden sa pangalawang picture namin ay kinisan ako nito sa pisngi kaya namula ako kahit madalas ginagawa ni raiden ang pag halik sa aking pisngi nakakaramdam padin ako ng hiya at parang naiilang ako.

Pinost ko sa aking Instagram ang picture ng falls at picture ni raiden na nakatalikod at naka harap sa falls with caption na "wonderful! Thanks for bringing me here my baby.." . Mamaya kona ipopost ang iba naming picture.

"Baby come here" inabot ko ang kamay nitong nakalahad niyakap ako nito sa likod at pinatong ang baba sa aking balikat.

"Ang ganda dito no" parang nasa isa kang magical place

"Sobrang ganda" Sabi nito habang naka tingin sakin.

"Nakakainis bawal tayo maligo, di mo manlang ako sinabihan na meron palang ganto dito!" Kainis gusto ko talaga mag swimming.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Chances Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon