TLM 8 - Pride

412 1 0
                                    

Syd's POV

O_________O Namumula yung pisngi niya. 

"S-sorry! Ikaw naman kasi!" pasigaw kong sabi.

"Wow. Ikaw pa may ganang magalit?" naiinis niyang sabi.

"Eh bakit mo kasi ginawa yun!? Bwiset!!!" MAS naiinis kong sabi.

"Eh inaasar mo ko eh, gumanti lang naman ako!" sabi niya sabay tingin sa salamin at hinimas-himas yung muka niya. Napakaarte!

"Whatever!" tapos bumaba akong sasakyan niya. Nakakabadtrip lang. Sinundan naman niya ko. 

"Syd! Sorry na. Kahit ikaw ang may kasalanan, sige ako na ang magsosorry" sabi niya. Ako ba ang may kasalanan!?!?!

"Ha! Ako ba may kasalanan!? Sino kaya tong nagtangkang i-rape ako!?!?!" sigaw ko sa kanya.

"R-rape!? Seriously, syd? Sa tingin mo magagawa ko sayo yun ha?" gulat niyang tanong. Pati tuloy ako nagulat sa sinabi ko. Grabe anong rape tong sinasabi ko!?? 

"O? Nagulat ka rin? Masyado ka kasing malisyosa" aba nambuwiset pa lalo. Di nalang ako kumibo at naglakad papunta sa bus stop. Naiinis ako.

"o? san ka pupunta?" di ko nalang pinansin, dire-diretso ko. At yun, bumalik siya sa kotse niya. Buwiset!! Bakit di niya ko hinabol!? Nakakainis!!!!

"Syd!" 

"ay hipon!" Lintek na lalaking to.

"Hipon?" tanong niya

Inirapan ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad. Napakalayo naman pala ng bus stop. Pero di papadaig pride ko diyan, tsss.

"Wag ka na ngang maarte! Ikaw na nga tong sinasakay, ayaw mo pa" sermonan ba naman ako!?

Bumaba siya ng sasakyan at hinila ako papasok ng sasakyan niya. Bastos talaga to!

Di nalang ako pumalag. Masakit na rin kasi paa ko. Tahimik lang kaming dalawa. Di ko alam kung san ako dadalhin netong lalaking to. Bahala na. -__-

Pero di ko mapigilan bibig ko.

"San ba tayo pupunta?"

"Uuwi na" na-disappoint naman ako. Kala ko pa naman magde-date kami!? Tsss. Hinatid niya lang ako sa bahay at umalis siya ng wala man lang isang salita. Topak!!!

Pag-pasok ko ng bahay.. natulala ako. Ang ate ko andito.

"Hey there lil sis. Gulat ka? No need. I'm staying here, for good" naka-ngiti niyang sabi. Plasitk talaga.

Too late, MISS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon