TLM 2 - The Stalker

232 2 0
                                    

" shut the FUCK UP "

Psh! Ang taray ng lalaking yun ah. Di siya nabighani sa ganda kong to!? HMP!

Sinalaksak ko nalang yung earphones ko sa aking precious ears. Nakakaasar lang.

Ayun, lipat lipat ng songs, slide slide, next, ffw, wtf.. O____O

Naramdaman kong bumigat yun kanang braso ko. Napatingin ako, malamang. Yung lalaking masungit, nakatulog sa braso ko. WOW, unan lang ako noh!?

Di ko ginising, mabait ako eh. Pinagmasdan ko lang siya, may itsura rin naman, naka eye-glasses pa nga siya eh. Matangos ang ilong, makinis ang balat, di siya kaitiman, di rin kaputian. Tama lang. Yung height niya? 'Di ko masabi eh, pero sa tingin ko mga 5'11 or 5'10. Yung pilik-mata niya, gosh, dinaig ang pilikmata ko. Naka-curl! But this one is natural. Kainggit psssh! Yung mata naman niya e, hindi singkit, di rin dilat na as in luluwa na yung mata. Tama lang. Naka-clean cut siya. Malinis tingnan tuloy. 

Napadapo ang tingin ko sa labi niya. Ma-pink ito na ma-red. In short, kissable. Di maliit, di rin malaki. Tama lang. Nakakatempt tuloy i-kiss. 

Lumingon muna ko sa bintana. Ayokong matukso. HAHAHAHAHAHA.

Di ko mapigilang di siya tingnan.

Then yun, humarap ako uli sa kanya.

Pagharap ko, dilat na siya. Nakatingin sakin. Nagulat ako, pero di ko maalis yung tingin ko sa kanya.

"Alam kong gwapo ako, wag ka ngang tumitig, nakakaurat yang tingin mo eh" Sabi niya ng makaangat na ang ulo niya mula sa pagkahiga sa braso ko. Nasabi ko na yun di ba? Gaya-gaya. Walang originality!!!!!

"Lul. Ginaya mo lang sinabi ko sayo kanina eh. At tsaka kita mo patay na patay ka agad sakin, kunyaring tulog ka pa, gusto mo lang naman humiga sa braso ko!" sagot ko. BWAHAHAHA

.

"Oo nga eh.. Patay na patay na agad ako sayo" titig na titig niyang sabi sakin. 'Uh? =|

"Okay" sabi ko sabay tayo, lilipat ako ng upuan.

"Stay" sabi niya. Ano ko aso? 

"ulul. Aalis ako kung gusto ko, okay?" sabi ko sabay sipa sa paa nyang nakaharang sa daan ko

.

"Aa! Grabe babae ka ba talaga? o kabayo?" Kabayo? HAHAHAHAHAHA.

"Okay" pigil tawa kong alis. 

Kaso, sa dulo na yung upuan, dito kasi kami sa bandang gitna eh, ayun umupo tuloy ako don, alangan bumalik ako, nakakahiya yun hahaha. 2 seats to, so yeah ako sa bintana, wala akong katabi kaya comfortable ako. Again, I burried my earphones and started listening to my favorite song, grow old with you by Adam Sandler.

Oh, may nagtext sakin, nagpause kasi yung kanta.

"Syd nasaan ka na ba?" oh, my mom. Anong oras na ba? 7pm. 10:30 am natapos ang exams kanina, wow. Ang tagal ko ring naglakwatsa. :)) Infairness kay mudra, nag-aalala hahaha!

"Otw home na" I replied, I bet hindi niya maiintindihan yang reply ko.

"Anong otw? umuwi ka na! Ke babae mong tao nagpapagabi ka sa daan!" She replied in just 45 sec. Haha sabi sainyo eh.

"On the way home na po." PO. Wow, srsly, PO? Haha! Bababa muna ko ng jollibee, on the way naman. Para mag-trike nalang ako malapit na kasi samin 'yun.

"Sa tabi lang po" sabi ko sa konduktor. Tinigil naman at bumaba na ko. Ibibili ko lang ng burger and fries ang mudra ko para hindi mainit ang ulo mamaya pag-uwi ko.

Too late, MISS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon