Summer's POV
Sunday. 10am nandito na sina Bryan at Miko. As usual, tahimik nanaman si Miko. Paano naman siya makakapagcooperate kapag palagi siyang ganyan? Cute panaman siya. Hala. Hahahaha.
"Oh may bisita ka pala. Sensya na ah kakagising ko lang kasi." sabi ni Ash. Ayeeee. :">
"Guys si Ashley pala. Ah ano basta ayun. Hehehe." nahihiya kaya akong sabihin na nanliligaw siya.
"Boyfriend mo?" tanong ni Bryan.
"Ah hindi nanliligaw palang." si Ash na yung sumagot.
"Ah Bryan nga pala. Eto naman si Miko. Anti-social." tapos tumango si Ash at pumunta siya ng kusina para kumain ng almusal.
"About saan ba yung gagawin nating research?" tanong ko.
"About sa mga different kinds of Ants and their abilities." sabi ni Bryan.
"Wow, that's cool. Okay ba sayo yun Miko?" nakaharap lang siya sa laptop niya.
"Ah oo. May wifi ba kayo dito? Para makapagsimula na tayo. Magreresearch ako. Magresearch ka. Tapos pasali natin yung mga ideas na nakuha natin. Ok ba yun?" sbai ni Miko. Wow. Eto na ata yung pinakamahabang sentence na nabanggit niya. Grabe.
"Oo wait I'll turn it on. Tapos eto yung password. Summer1896."
"Sigurado ako birthday mo 18 tapos 1996 ka." sabat naman ni Bryan.
"Uhh, yes. Tara let's start."
Inumpisahan naman na namin yung research. Buti nagdala sila ng sarili nilang laptop. Kasi I only have one. Desktop na yung isa at nasa taas. Marami naman akong natutunan about sa mga ants. I saved all the information sa MS Word tapos binasa ko para maintindihan ko.
"Tapos kana ba? Sinong magttype?" wow. Nagsalita siya.
"Uhm actually binabasa ko pa. Pero while I'm reading this gusto niyo bang kumain?"
"Nakaramdam ka rin." sabi naman ni Bryan habang hawak yung tyan niya. Adik talaga tong si Bryan. Matalino tapos comedian. Haha :)))))
Pumunta naman ako sa kusina tapos nakita ko na tumutulong si Ashley kay Dad maghugas ng plato. Nakakahiya naman.
"Dad pwede mo po ba kaming pagluto ng Pancit Canton? Para sa mga classmates ko? Kung okay lang po."
"Oo naman anak. Sige iseserve ko nalang."
"Uhm Summer, pwede ba akong manuod sa ginagawa niyo?" tanong ni Ash.
"Baka mainip ka ah. Pero sige."
"Hindi no. Ikaw naman pinapanuod ko eh."
"Asus. Kadiri ka talaga. Tara na nga." tapos ayun tinapos ko na yung binabasa ko. SI Ahley naman nakatitig lang sakin. Tapos tumabi naman ako kay Miko para ma-discuss na namin yung laman ng research. Feeling ko naman hindi feel ni Ashley si Miko kasi ewan. Feel ko lang.
After naman namin mapag-usapan eh kumain na muna kami kasi kakalurkey. Magttype kapa tapos shempre hihimayin mo pa yung research kasi masyadong broad yung subject namin.
"Kahit anong gawin mo ang ganda mo parin." pabulong na sinabi ni Ashley. I pounded his shoulders. Kitang busy ako pinapakilig pa ako. :"">
Pagkatapos namin kumain eh nagcr si Miko tapos nakita kong magkausap sila ni Dad. Tapos nakita kong tumawa si Miko. Just.. Omg. First time ko ata siyang nakitang tumawa ano kayang pinag-uusapan nila?
After 5hours natapos na namin yung Report namin. Pero siguro kung girls kami eh matagal pa namin matapos. Kailangan nalang eh pag-aralan ng mabuti. Tapos bago naman sila umalis eh lumapit ulit si Miko sa Dad ko tapos nagsmile siya. Anyare?
"Bakit ganun yung Miko? Parang galit sa mundo? Pero nung kausap yung daddy mo parang biglang ok naman?" tanong ni Ashley.
"Hindi ko maintindihan yun eh. Sayang cute pa naman siya." tapos tinignan ako ng masama ni Ash. Hahaha tapos nagpeace sign naman ako. Hindi siya mabiro.
"Nako, aalis na din ako maya-maya. Nakakalungkot naman." sabi niya.
"Hay. Dito ka nalang samin. Kidnapin kita. Haha joke lang. Nakakalungkot. Babalik ka ba ulit?"
"Shempre. May resposibilidad ako dito. Responsibilidad na alagaan yung prinsesa ko." napangiti naman ako. Sino bang hindi?! Aber? <3
After naman namin magmerienda eh hinatid na namin si Ashley sa sakayan ng bus. Awww. :O
"Hoy ikaw ha magtext ka pag-uwi mo. Skype! Facebook! Wag kang magloko dun ah bubugbugin kita kala mo." sabi ko. Pero niyakap lang niya ako.
"Grabe kasama parin kita pero miss na miss na nga agad kita."
"Wag ka ngang ganyan, hindi mo bagay. Pero babalik ka ha?"
"Promise."
Tapos umalis na siya. Ako din umuwi na. Hindi naman ako ganun kalungkot. Kasi alam kong babalik siya. May responsibilidad nga siya dito diba? :")
"Si Ate kinikilig!" sabi ni Jet.
"Nako ikaw talaga." ginulo ko naman yung buhok niya.
"Pa, pwede ba tayong dumaan sa Mang Chaa? Sa bayan? Gusto ko kasi ng Milk tea eh. >___<"
"Sige anak."
Tapos pag-uwi naman namin eh natulog muna ako. Para paggising ko pag-aaralan ko na yung report namin. Ugh. Ants.
