**4**

14 2 0
                                    

Monday.       

After lunch na yung reporting namin. Shocks. I hate reporting. You know. Habang nasa bench ako, sa likod ng MCB bldg, may nakita akong guy sa damuhan.. His playing his guitar. Wow. My biggest frustration.         

Wala sina Sofia kasi pumunta ng 7Eleven kais matatakaw yung mga yun eh. Pinapatugtog naman niya eh yung Beauty and a beat yung kay Justin Bieber. Belieber pala tong guy nato?! Hahahahaha. Favorite ko yan eh. Kaso yung kina Alex Goot chaka Chrissy.       

Nung humarap yung guy nabigla naman ako kasi si Miko yun. Naririnig niya ata na sinasabayan ko yung kanta? Joke. Ang hina lang kaya ng boses ko. Tumayo naman siya tapos biglang papalapit saakin.          

"Uhm. Hi Miko. Hehe." ang awkward naman.      

"Ready kanaba mamaya?" tapos umupo siya sa tabi ko. May sakit yata tong si Miko? Kinakausap ako. Crush ko panaman to!!! Ughhh. Hoy Summer behave ka dyan.        

"Siguro? Napag-aralan ko naman mabuti. Nga pala, favorite ko yung tinutugtog mo kanina. Belieber kaba?" anong klasing tanong yan Summer!      

"Nako hindi no, tutugtugin kasi ng banda namin yung sa IT Days."      

"Wow ang galing naman, naiinggit naman ako. Marunong kang maggitara. Tapos may band din. siguro magaling kading kumanta no? Yung tipong rockstar hottie." 

"Ha? Hindi naman. Gusto mo turuan kita?"         

"A-ako?"        

"Sino pa ba? Wala namang ibang tao dito ah."        

"Osige ba. May gitara naman sa bahay namin. Papalitan ko nalang yung mga strings."        

"Diba malapit lang kayo sa may beach? Doon kasi ako palagi kapag gabi. Doon nalang kita tuturuan. Para hindi hassle."        

"Sure! Pero may excuse naman kapag busy sa school no?"        

"Yeah. No fuss. Tara na baka malate pa tayo."        

The reporting went well! Thank you po Lord. Buti nalang parang friend na yung turing saakin ni Miko kaya hindi hassle tyaka awkward. Sinabi naman ni Sir na magaling daw kaming magsalita pero sana mas malakas pa yung boses namin.        

Ang weird lang. Kapag maraming tao hindi ako masyadong pinapansin ni Miko. Hay bahala siya. Atleast nagprisinta siya na tuturuan niya ako. :>        

Pag-uwi naman eh ginawa ko yungmga homeworks namin. Keri lang. Copy paste! Hahaha. Tapos dumiretso nako sa may beach. Libre lang naman yung beach dito kaya okay na okay. Nakita ko naman siya sa may counter dun sa pinagbibilhan ng Milk Shake.        

"Game?"      

"Tara, doon tayo sa may cottage. May ilaw doon eh. 5pm na din kasi kaya didilim na mamayang konti." ang bait niya talaga kapag kami kami lang. O.o        

"Tuturo ko muna yung mga basics. Eto yung mga fret." Tapos tinuro niya naman yung mga pangalan ng mga strings. Pati yung mga major chords. Ang hirap naman nung B! Buti pa yung F may shortcut. HAHAHA.        

"Ang hirap naman ng B chord. Chaka lahat, ang hirap. Ang hirap abutin ng mga ibang strings."        

"Wag mo kasing isipin na mahirap. Motivate yourself. Be Optimistic. Oh dali ikaw naman."

Hindi ko masyadong makuha yung C chord kaya siya yung naglalagay ng mga daliri ko sa strings. Hindi ko alam kung bakit pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Oh yung tyan ko yun? Gutom nako? Hahahahahhaa joke lang guys. K di benta. /wrist          

"Sige strum ka lang ng strum. Try mong ilipat yung A sa D. Malapit lang naman. Habang ginagawa mo yan bibili muna ako ng makakain. Tumango lang ako. Seryoso kasi ako dito guys. Wag kayo. Hahaha. Pero kahit konting kilig meron. Sorry naman. Crush ko kasi -___- pero loyal ako kay Ash!      

*Achoo!* *Achoo!*      

Uy. Nakaramdam ata si Ash? Nagtext ata siya. Hihihihi :"">      

1 message received.      

Hi Summer. Sana okay ka dyan. Magskye naman tayo mamaya kung ok lang. Miss na kita eh. Ayeee kilig ka nanaman nyan! hehe =)))      

From: Ashley <3        

Nilagyan ko ng heart bakit ba? hahahahaha.      

Reply: Anong kilig. Kilabutan ka naman oy! Hahaha de joke lang sige magskype tayo latur. Hahahamwa. :)        

"Eto na oh. Alin gusto mo? Chocolate shake o Mango shake?"      

"Hm. Siguro mango shake nalang. Thankyou." tapos binigay niya din yung hotdog sandwich. Galante si kuya.      

Pagkatapos naming kumain eh tinuloy ko yung pagstrum strum ko. Ang sakit na ng daliri ko. Sabi pa niya mas maganda daw yun. Para magka kalyo ako. huhu my beautiful fingers. Haha.      

"Nga pala, kahapon anong pinag-uusapan niyo ni Daddy? Mukhang masaya ka nga eh. First time kitang nakitang tumawa." sabi ko.      

"Ah yun ba? Pinakita niya kasi yung picture mo nung bata ka. Nakakatawa kasi yung mukha mo dun eh. De joke lang. Natuwa lang ako sa daddy mo."        

"Bakit? Hindi kayo close ng Daddy mo?" hala. Personal ata tong tanong ko.      

"Ah he died when I was 12. Para kasing nakikita ko siya sa Daddy mo. Sorry ah."    

"I'm sorry to hear that. Naku okay lang yun. Mas maganda nga nakikita sayo yung palagi kang masaya. Kesa palagi kang tahimik." sabi ko naman.        

"Actually ngayon nga lang ako naka-kausap ng matagal sa babae eh. Kasi.. Wala wala. Kalimutan mo na yun." tapos napakamot siya sa ulo niya. Ano kayang dahilan kung bakit hindi siya makatagal sa pag-kausap sa babae?         

"Pero bakit saakin nakakatagal ka? Tinuturuan mo pa nga ako oh."      

"Hindi ko alam. Siguro kasi dahil na din sa daddy mo. Natuwa ako sakanya. Sabi niya tuturuan daw niya akong mag paint. Kaya okay lang na kausapin kita. Wala naman sigurong masama."      

"Oonga. Pero bakit sa school hindi moko masyadong pinapansin?"        

"Nahihiya ako kapag marami kang kausap. Anti-social nga ako diba. Sabi nila."          

"Sus. Wag mo silang paniwalaan. Ay 8pm na din. Ano ba yan ang slow ko talagang turuan. umabot patuloy tayo ng 3hours."          

"Ganun naman talaga. Sige tara ihahatid na kita. Walking distance lang naman eh."

Hinatid naman niya ako hanggang saamin. Nakakahiya. Siya nanga nagturo saakin tapos ihahatid pa ako. Kinumusta naman niya sandali si Daddy tapos umalis na din siya. Tuwang-tuwa naman din si Jet sakanya. Hala?        

Kumain naman na ako pagkatapos nun. Then dumiretso ako sa kwarto para makapagskype with my love. Anla? :"> Nag-usap naman kami tapos sabi niya sa Christmas Vacation dito daw siya magsstay. Mergggggg. May U.S trip kasi yung parents niya kaya ok lang daw. Tapos pakilig dito pakilig doon. Tapos goodnight na. :"""""""""""""">

Sweet DispositionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon