JUSTIN POV:
Maagang umalis sina Pablo para manuod ng game ni Jexter. At maaga rin dumating ang handa na niluto ni Mommy. Tuloy tuloy rin ang pagdating ng mga cake at regalo ng mga nakakakilala sakin.
"Happy birthday to me"nakangiti kong saad. Anong gagawin ko dito? Maglive nalang ako.
"Uy Jah happy birthday"gulat ako ng biglang dumating ang mga staff at sina kuya Don.
"asan sila Stell?"takang tanong ni Xi nung makitang mag isa lang ako. "Nanuod lang sila saglit ng laro ni Jexter."saad ko. "Mag live na lang ako habang inaantay ko sila"saad ko sumang ayon naman sila.
fastforward...
"Kuya Don itago nyo po muna lahat ng toh sa tinutuluyan nyo bukas na lang namin kakainin yan. Bawasan nyo na rin po yan para di kayo nag aksaya ng oras nyo"saad ko kay Kuya Don. Wala pa kasi sila Pablo. Baka malate na sila ng uwi. Gabi na ngayon kaya baka nakakain na sila.
Nalagay na ni Kuya Don ang lahat ng cake at reagalo pati narin ang mga handa na niluto ni Mommy pero may natira pang dalawang cake. "Akala ko nakalimutan mo na"natatawang saad ko nang bumalik si Kuya Don at kinuha ang Cake saktong pagkaalis nya ay ang pagdating nila Stell. Aakyat na sana ako ng pigilan nila ako."Jah"pagtawag sakin ni Stell. "Bakit dimo sinabi na birthday mo pala?"saad ni Stell sakin. Humarap ako sakanya at mapait na ngumiti.
"Sorry akala ko kasi alam nyo eh..akala ko kasi may sorpresa kayo sakin..sorry umasa lang pala ako"saad ko. "Jah naman"malumanay na saad ni Stell.
"Jah galit kaba samin? Simula nung dumating si Jexter nagbago kana"takang saad ni Pablo.
"Ako ba talaga yung nagbago?"saad ko. "Jah kung may problema ka sabihin mo samin..hindi yung basta ka nalang iiwas"saad ni Ken
"Nagseselos ako kay Jexter..dahil parang mas mahalaga sya para sainyo..sorry kung iniisip nyong makasarili ako ha..tao rin kasi ako eh..nasasaktan rin ako"naiiyak na saad ko."Bakit dimo sinabi samin na ganyan na pala ang nararamdaman mo?"naluluhang saad ni Stell.
"Dahil mas pinili ko kayo kesa sa sarili ko...hindi ko sinabi yung nararamdaman ko kasi alam kong masaya kayo na kasama sya..mas pipiliin kong masaktan kesa makita kayong nalulungkot...mas pipiliin kong masaktan para sa kaligayahan nyo..mas pipiliin ko kayo kesa sa sarili ko"tuluyan ng bumagsak ang kanina ko pang pinipigilan na luha.
YOU ARE READING
SB19(imagination story)
FanfictionLimang lalaki na magkakaiba ang ugali at ang kinalakihang pamilya. Lalaking weird at bugnutin(John Paulo Nase) Lalaking maangas at may pagkamayabang(Josh Cullen Santos) Lalaking tahimik at lutang(Felip Jhon Suson) Lalaking emotional at funny(Stellve...