CHAPTER 20: ---

11 0 0
                                    

JOSH POV:

Pumunta ako sa kwarto ni Jah at nakitang kong natutulog pa sya. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya.

"Sorry kung nagsuffer ka dahil samin...sorry kung hindi ako naging mabuting kuya sayo...alam mo na nung makita kitang umiiyak kanina para akong sinasaksak ng pa ulit ulit. Narealize ko na sobra na pala yung naiparamdam namin na sakit sayo..pangako ko babawi ako sayo..babawi kami sayo..thank you for being strong for us..thank you for sacrificing your happiness for us..thank you bunso"saad ko habang nakatingin kay Jah na mahimbing na natutulog. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa guilt na nararamdaman ko. Sana makabawi man lang ako para sayo Jah.

PABLO POV:

Bago kami pumasok ni Stell sa kwarto ni Jah ay nakita namin na lumabas si Josh mula sa kwarto ni Jah. Nakita nya kami kaya tumango lang sya. Pagpasok namin ay nakita naming tulog si Jah.

"Galit kaya sya satin"tanong ni Stell habang nakatingin sya kay Jah. "Ewan...nung makita ko syang umiyak kanina parang nasasaktan ako"saad ko. "Hindi lang naman ikaw ang nakaramdam nun eh..nagsisisi ako na nasaktan natin sya..narealize kong hindi ko pala kaya na makita syang umiyak"saad ni Stell.

"Wag kang mag alala babawi naman tayo sakanya..hindi man sapat yun pero gagawin natin ang lahat para kahit papano maging masaya bukas ang araw nya..kung maibabalik lang sana natin yung panahon na masaya tayo at nag eenjoy..kaso nga lang nagawa na natin eh..nasaktan na natin sya"saad ko.

KEN POV:  

Narinig kong may kumakatok sa pinto ko kaya agad akong tumayo para buksan. Pagbukas ko ay nakita ko si Jah. "Tara kain na raw"nakangiti nyang saad. Aalis na sana sya ng pigilan ko sya. "Jah pwede ba tayong mag usap saglit"saad ko tumango lang sya at pumasok.

"sorry"nakayuko kong saad. "Ok lang..tyaka sorry rin kung ng secret ako sainyo"saad ni Jah.

"Pwede bang ipangako mo na wag ka ng mag sisikreto ulit...wag ka na rin umiyak..nasasaktan ako nasasaktan kami na nakikita kang umiyak..ikaw yung bunso namin tandaan mo yan"nakangiti kong saad.

"Aye aye Kuya Ken"natatawang saad nya ay may pagsaludo pa kaya natawa na lang din ako. Ginulo ko ang buhok nya at tumayo. "Tara na nga kain na tayo"saad ko kaya tumayo na rin sya.

Pagbaba namin ay nakita namin na nakaupo na sila nag aantay. "Ang tagal nyong dalawa"naiinip na saad ni Pablo. "Eto kasi si Ken nagdadrama hahaha"saad ni Jah. Natawa na lang din kami.

"Akala nyo diko alam yung pinagsasabi nyo kagabi ah HAHAHAHA iniiyakan nyo pako di naman ako patay"tawang tawa na saad ni Justin na ikinagulat nila Josh. Napailing na lang ako.

"Ay kaya pala napansin kong parang nagpipigil kang ngumiti..totoong gising ka pala..ayos ka ah"saad ni Pablo.

"Talaga hahahah"tawang saad ni Jah.

"tawang tawa??happy?happy"nakangiting saad ni Stell at pinipisil ang pisngi ni Jah.

"Aray tama na HAHA"saad ni Jah at iniiwas ang mukha nya.

"Sana di mawala yang ngiting yan"nakangiting saad ni Josh. Napangiti rin kami.

"Lagi mong tatandaan na nandito kami palagi para sayo at ikaw at ikaw lang ang bunso namin."saad ni Pablo.

"yieee yuck haha joke"saad ni Jah.
"Group hug"saad nya kaya nagyakapan kami.

"picture tayo"saad ni Pablo kaya nag pic kami. "Teka post ko lang"saad nya.

 "Teka post ko lang"saad nya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SB19(imagination story)Where stories live. Discover now