Chapter 42: Huling Mensahe

58 1 0
                                    

Vinxe's Point of View'

Habol ang hinga akong nakarating kung saan gaganapin ang araw kong kailan hahatawan na ng parusa si Aaron. Halos parang binuhusan ako ng sangkatirbang yelo sa katawan ng makita ko si Aaron na nakaupo at sa tabi niya ay ang isang Guillotine.

Guillotine is an apparatus designed for efficiently carrying out executions by beheading. The device consists of a tall, upright frame with a weighted and angled blade suspended at the top.

It is usually used when people who commit capital crimes get a death penalty. It is used in for killing criminals and to those people who has a great sins by cutting off their heads.

Halos hindi ako makahinga sa nasaksihan ko. Nabitawan ko rin ang laylayan ng bestida ko sa gulat at the same ay takot. Napatingin ako kay Ina na nagbigay na ng utos sa kawal na simulan na ang parusa.

I shook my head. No.. no no no!

Nagsimula na naman akong tumakbo papunta sa gawi ni Aaron. Nakita kong halos kumpleto rin ang lahat ng royal blood by rank na ngayon ay nagtataka sa kinikilos ko. Hindi ko nakita si Alessia at tanging Ina't Ama lang niya ang dumalo ngunit nakita ko si Nizari and si Z, maging si Harlow rin at ang kaniyang Ina't Ama.

Napatingin saakin si Aaron at para bang may sinasabi siya ngunit hindi ko mawari kung ano ito.

"Sandali! Pakiusap!" Sigaw ko at nagmamadaling tumakbo papunta kay Aaron. Kailangan kong malaman kung ano ang kaniyang gusto imungkahi. Ngunit pinigilan ako ng mga kawal nina Ina't Ama.

"Vinxe, ¿qué estás haciendo!?" Sigaw ng aking Ina. (Vinxe, what are you doing!?)

"¡Por favor! ¡Déjame hablar con él un segundo! Por favor, Ina!" Pakiusap ko saaking Ina. (Please! Let me talk to him for a sec! Please, Ina!)

Nag dadalawang isip akong tinignan ni Ina ngunit napailing iling lang siya saakin. Hindi makapaniwala saaking ginawa.

"¡Por favor!" Pakiusap ko. Hindi nako nakatiis at malakas na tinulak ang dalawang kawal na pumipigil saakin. "Aaron!"

"M-maging a..ler..to kayo." Nahihirapang usal niya. Napakunot ako ng noo. Ano ang kaniyang ibig sabihin. "It's her turn." Makahulugang sabi niya sakin bago napugutan ng ulo.

Nanghihinang napaupo ako at napatulala sa kawalan. Ano ang ibig niyang sabihin?

****

Ilang araw din ang nakalipas simula ng nanyari yun. Dahil din sa ginawa kong iyon ay pinarusahan ako ni Ina at Ama na tinanggap ko naman. Alam ko namang mali ang aking ginawa at hindi ko iyon itatanggi.

Kasalukuyan akong nakatulala sa kawalan habang nahahati ang isipan ko sa nanyari kay Celina at kay Aileen. Sinisisi ang aking sarili dahil wala na akong nagawa upang iligtas sila ngunit ng dahil sa mga sinabi ni Aaron saakin ay unti unti ko na namang natatanggap at napapakawalan ang sarili ko mula sa nakaraan ngunit may pagsisisi parin dahil sa nanyari kay Aileen.

Out of nowhere ay biglang may lumitaw na isang bola ng tubig sa harapan ko na ipinagtaka ko. I tried to reach it, but as soon as I lay my fingertips to the water ball ay bigla itong nag form into letters.

Pumatak ang mga luha ko dahil sa nabasa ko.

Minamahal kong Ate Vinxe,

Alam ko na ako'y naglaho na sa mga araw nato. Nakaya kong magawa to sa huling hininga ko. Alam ko na sisisihin mo ang iyong sarili sa paglaho ko kagaya ng iyong ginawa kay Ate Celina ngunit gusto kong sabihin saiyo na pakiusap huwag mong sisihin ang iyong sarili dahil ginawa mo ang lahat upang mailigtas ako at kami. Sa katunayan nga'y naging panatag at payapa ang loob ko ng dumating ka upang iligtas kami. Ang tanging hinihiling ko lang sa mga oras na yun ay ang kaligtasan ng aking nakakatandang kapatid. Gusto kong sabihin saiyo na huwag mo ng ikulong ang sarili mo sa pagsisisi dahil you did your best at ipinagmamalaki ko iyon. Thank you for everything. Alagaan mo sana ang iyong sarili at gusto kong maging masaya ka't may ngiti saiyong labi na napakalawak.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon