Chapter 3

37 1 14
                                    

Amie's pov

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko, inabot ko ang cellphone ko sa katabing table ng higaan ko ng dahan dahan dahil nasa tabi ko parin si stella.

"Hello?" Sabi ko sa caller ng hindi tinitingnan ang caller.

"Hi! Goodmorning bebs!, ayos na ang katabing condo mo, ikaw nalang ang mag ayos sa loob at nasa akin ang keycard pupuntahan nalang kita jan sa bahay niyo, otw na ko kaya mag bihis kana!" Sunod sunod na sabi no tina sa call

Imbes na sumagot pa, pinatay ko na agad ang call at dahan dahang tumayo sa tabi ni stella at pumasok na ng banyo.

Nag suot lang ako ng longsleeve at plain na jeans at medyo may kataasang heels, pag kalabas ko ng banyo sakto naman na gising na si stella at nandon narin pala si Tina, nginitian ko sila at dumeretso ako sa make table ko at nag hair dryer, at binun ko ang medyo may kahabaan kong buhok.

"Wala kang dadalhin na damit?" Tanong pa ni Tina saakin.

"Wala, marami akong damit sa condo" sabi ko at bumaling kay stella, at lumapit.

"Magpaka bait ka dito ah?, bibisitahin ka naman ni ate eh, or tawagan mo ako pag may problema ah?" Tumango naman si Stella at niyakap ako.

"Para naman di kana babalik Ami" sabat ni Tina "sige na stella bye mauna na kami" sabi ni tina na nauna ng lumabas ng kwarto ko.

Humiwalay na ko sa pag kakayakap kay stella at nag wave na rin, shaka sumunod kay Tina.

"Yung keycard?" Tanong ko kay tina ng makalabas kami sa bahay, may iniabot naman siya saaking keycard.

"Dala mo ren siguro ang keycard ng mismong condo niyo no?" Sabi ni tina saakin, tumango naman ako.

"Oo dun nalang ako kukuha ng damit namin" -Ami

"Damit niyo?, ano dun mo na ren papatirahin si Ryden?!" Gulat na sabi ni Tina.

"Hindi, ang ibig kong sabihin ipapaalam ko sa kanya ang condong yun para dun niya ko pupuntahan pag wala ako sa opisina" tumango naman si tina na parang naintindihan "at lalagyan ko rin siya ng damit dun para pag ginabi siya dun may pampalit siya" dag dag ko pang sabi.

Tumango si tina "sasama paba ako?" Tanong ni tina, nagtatakang bumaling naman ako sa kanya.

"Oo bakit may pupuntahan ka pa ba?" Umiling naman to at ngumiti sakin at binuksan na niya ang sasakyan niya.

"Dun nalang tayo mag kita" sabi ko kay tina na binuksan na rin ang pinto ng sasakyan, bago pumasok nakita kong tumango na si tina at pinaandar na ang sasakyan niya.

Nang nauna na siya sumunod na ako sa kanya, nang makarating kami sabay kaming bumaba sa sasakyan at naglakad papasok sa building kung saan ang condo namin, sabay kaming pumasok ni tina sa elevator.

"Kamusta na pala si choco?" Tanong ko kay tina habang pataas ang elevator, sa dulo ang condo namin tatlong pinto lang ang nandun at si tina at isang babae ang nandun, pero dahil pinaalis ko kay tina ang babaeng nasa isang condo ako na ang titira doon.

"Okay naman, I'm sure miss na miss niya na kayo, bago natin linisin yung isang condo, bisitahin mo muna si choco sa condo ko" sabi ni tina, nakita ko naman na nakita niya ang pag tango ko kaya di na kami nagsalita parehas hanggang sa dumating ang elevator sa dulo.

"Buti nalang magkatabi tayo ng condo" sabi ko, pagkalabas ng elevator.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Tina, "ikaw kaya ang ayaw humiwalay sakin" dumeretso si tina sa harap ng condo niya at iniharap dun ang keycard niya, tiningnan ko muna ang pinto ng condo ko na di ko na nabalikan dati, at ang isang pinto ng condo na gusto kong gamitin.

My boyfriend came back with no memories. [COMPLETED]Where stories live. Discover now