Ami's pov
Maaga akong pumasok sa opisina, wala pang mga dumadating na empleyado nung pumasok ako, kaya inumpisahan ko na agad ang mga papel na hindi ko natapos pirmahan kahapon, ngayung araw kase gusto kong dahil si Ry sa lugar kung saan niya ko dinala nung first date namin, at sinigurado ko na ngayun ko rin sisimulan ang mga kailangan kong gawin para mag tuloy tuloy na ang pag babalik na alaala ni Ry.
Habang tinatapos ko ang mga pinipirmahan ko naririnig ko na ang mga pasukan ng mga empleyado ko sa loob, hindi ko naman na ito pinansin at tinuloy tuloy ko lang ang pag babasa sa ibang papel at pinirmahan ko ang mga gusto ko lang.
Nang matapos agad ako lumabas sa loob ng opisina at hinanap ang lamesa ni ry, nakita ko naman agad si Ry pero kasama niya si Rein ang higad na babae.
Lumapit ako sa kanila na walang emosyon "bawal makipag landian sa oras ng trabaho" sabi ko pag kadating sa harap ng lamesa ni ry.
Agad naman silang dalawa tumingin sakin at yung babae ay tinarayan ako, "sorry po maam" agad na tumayo si Ry at yung si rein ay hinila pabalik si ry sa upuan at kiniss sa pisngi.
Kinuyom ko ang kamao ko para mapigilan pa ang selos na nararamdaman, at humiga ng malalim magsasalita sana ako ng maunahan ako ni Ry "umalis kana" pagpapaalis ni Ry kay rein.
"Babe naman ano mas importante ang trabaho mo kesa sakin?, eh kung isumbong kita kay nanay?, diba ayaw niya nga magtrabaho ka dito diba?" Sabi ni Rein na yumakap pa sa braso ni Ry.
"Umalis kana or mag papatawag pa ako ng guard para kaladkarin ka dito sa opisina namin?" Tinaasan ko siya ng kilay, at siya naman ay tumingin sakin ng masama.
"Aalis na ko, Babe Ryan, lumayo ka sa babaeng yan ah pag nakita kong magkasama kayo nyan!" Tumayo siya at tinuro turo pako.
Tinaasan ko siya ng kilay at nag cross arm pa, "matapang ka lang pala pag kasama ang mga kaibigan mong demonyo" bulong ko pa, at inirapan siya.
Lumapit siya sakin at may binulong "pag hindi mo pa nilayuan ang boyfriend ko, makikita mo si santanas" tas tumalikod na siya.
Pag alis ni Rein tumingin ako kay ryden na, nakatingin din pala saakin, tas bigla siyang tumayo "maam Ami Sorrý po" sabi ni Ryden saakin.
Ngumiti naman ako at tumango "Ami, sabi ko diba Ami nalang, call me ami" inulit ulit ko pa na sabi.
Tumango naman siya "Ami" banggit niya sa pangalan ko, para namang tambol ang puso ko ng marinig ang pangalan ko sa kanya, sa tagal tagal na panahon ngayun ko lang ulit narinig ang pangalan ko kay Ryden.
"Pwede ba tayo mag sabay ng lunch mamaya?" Putol ko sa katahimikan.
Nakatitig naman saakin si Ry kaya ngumiti ako, halo halo ang emosyon ko kase baka di siya pumayag, "hmm sure po maam, tapusin ko lang to" ngumiti siya saakin at inumpisahan na ang ginagawa niya.
Ako naman ay tumalikod na sa kanya at pumasok ulit sa loob ng office, pagkasara ko ng pinto umupo ako sa sofa at parang baliw na pinag papalo ang mga unan na nandoon, ganto ren ako dati tuwing inaayaya ako ni Ry na mag date kame tuwing gabi.
habang nababaliw ako sa pag papalo sa unan biglang may kumatok na ikinagulat ko naman kaya inayos ko agad ang ayos ng unan at inayos rin ang nagulo kong damit "pasok!" Sigaw ko ng maayos ko na ang sarili ko.
Pumasok dun ang secretarya ko at may ibinigay na mga papel saakin, "maam ayan po ang ibang clients na ikaw po ang pinapapili nilang mag design sa mga bahay nila" sabi ng secretarya ko habang inilapag ang mga papel sa maliit na lamesa na kaharap ko.
Tumango naman ako at yung secretarya ay hiniwalay hiwalay na ang designs sa lamesita, "yan lahat ang ginawa naming designs maam" habang tumitingin ako sa mga design may isang design ang nagpa amaze saakin.
YOU ARE READING
My boyfriend came back with no memories. [COMPLETED]
FantasyHalos matumba ako nang malaman kong naaksidente ang sinasakyang eroplano ng aking boyfriend.