Siri's pov.
Nagising ako dahil sa ingay na nang gagaling sa phone ko kaya kinuha ko ito sa bed side table ko, kahit inaantok pa, di ko tiningnan ang caller, dahil agad ko itong sinagot.
"Hello?" Sabi ng inaantok pa na boses ko.
"Siri? Where's stella? Okay lang ba sya? Si Ami? Anong nangyari? Nabalitaan ko napa away daw si ami, pero di naman ako naniniwala dahil alam kong di pala away si ami" sunod sunod na tanong ni mommy sa call.
Agad kong naimulat ang mga inaantok kong mata dahil sa sinabi ni mommy, pano niya nalaman yun?, alam kaya niyang nasa hospital si ate ami at wala pang malay? Habang iniisip ko ang mga yun nakalimutan ko ng sagutin si mommy kaya nag salita ulit ito.
"Siri Answer me." Sabi ng seryosong boses ni mommy sa kabilang linya, hindi ko pwedeng sabihin dahil baka biglang umuwe si mommy sayang naman ang bakasyon niya kung uuwe agad siya.
"Mommy, ate Ami is Fine." Sabi ko na medyo may kaba.
"Fine?, kung totoo bat di ko siya matawagan?, siri ano ba talaga ang nangyari?" Sa pag kakataong ito nagaalala na ulet ang boses ni mommy.
"Baka tulog pa si ate ami kaya di mo matawagan, and mommy wala ako sa house asa condo ako" pagsisinungaling ko kay mommy.
"Oh sya sige, mag iingat kayo jan, puntahan mo si Ami ah, kinakabahan ako e" sabi pa ni mommy.
"Yes mommy sige po ingat ka jan" sabi ko at nauna ng pinatay ang tawag.
Huminga ako ng malalim at ibinagsak ang phone ko sa kama at tumingin sa kisame bigla naman nag sink in saakin ang mga maling nagawa ko kagabe.
"Ibaba mo yan siri, kung ayaw mo mawala ate ami mo" sabi ni iya saakin.
Tinapat ko ang baril kay iya at tumingin sa knya ng deretso kahit na nanginginig pako dahil sa mga nakita kong ginawa nila kay ate Ami.
"Wag Siri!" Sigaw ni ate Ami, kaya nilingon ko siya, nakita ko ang pag tagas ng dugo sa ulo ni Ami, dahil idiniin ni Rein ang baril na hawak niya sa ulo ni Ate ami.
Nanlaki ang mga mata ko at ng lumingon ako kay iya, nasa harap ko na siya ngayun at nakuha niya ang baril sa kamay ko hanggang sa nahawakan niya na ren ako.
Sa kalagitnaan ng pag iisip ko di ko na namalayan na may luha ng bumagsak sa pisngi ko kung hindi pa pinunasan ni stella.
"Ate wala kang kasalanan sa nangyari kay ate Ami" sabi ni stella at niyakap ako.
Di ko ren namalayan ang pag pasok niya.
"Hmm.. namimiss ko na agad siya, ang hirap pala pag wala siya dito" sabi ko.
"Yeh, me too ate, gigising pa naman si ate ami e di niya tayo iiwan, btw ate punta na tayo ngayun sa hospital gusto ko na makita si ate Ami" sabi ni stella at tumingin saakin.
"Pero di kapa nag aalmusal" sabi ko at sinalubong yung tingin niya.
"Bili nalang tayo sa labas tas bilhan na rin natin si kuya Ry baka di pa nakakakain yun" sabi ni stella at tumayo na sa kama ko "bili na ate! Tayo na jan ah? Mag bibihis na ako" dagdag pa ni stella at lumabas na ng kwarto ko.
Pag kalabas niya tumayo narin ako at dumeretso sa banyo, pagkatapos ko mag banyo narinig ko ang pag tunog ulit ng ringtone ko.
Kinuha ko ang phone ko at sinagot na iyon, dahil di naman ako mahilig mag tingin ng caller kaya ni loudspeaker ko at humarap ako sa salamin para ayusin ang itsura ko.
Ilang minuto pa bago may nagsalita, "hello Goodmorning siri, free kaba this lunch?" Boses iyon ni Cly
Agad naman akong napangiti, kaya nakita ko ang reflection ko sa salamin na kaharap ko ang kilig sa mukha.
YOU ARE READING
My boyfriend came back with no memories. [COMPLETED]
FantasyHalos matumba ako nang malaman kong naaksidente ang sinasakyang eroplano ng aking boyfriend.