Chapter 8

25 1 4
                                    

Rein's  pov

"Rein! Gumising kana jan, pupuntahan pa natin ang mga bata" sabi ni Iya habang niyuyug yog ako.

Kaya tumayo nako at timitig sa knya "anong oras naba?" Tanong ko kay iya

Tumingin naman ito sa relo niya "6am" sabi ni iya saakin

"Oh maaga pa naman pala eh, matutulog muna ako" tas umakting na mahihiga ulit.

"Tsk rein halika na kung gusto mo maagang mamatay si Ami mamaya tumayo kana jan!" Sabi ni iya at hinihila ako patayo.

Dahil di ko na rin napigilan si iya, tumayo na ko at pumasok sa banyo, at nag mumog at humarap sa salamin.

This is it rein, pagkausap ko sa sarili ko, kaya mo to, mananalo ka sa laban na to ngumiti pako sa salamin, bago pumasok sa shower.

Pagkalabas ko ng banyo nakahanda na agad si iya, "let's go?" Sabi ni iya saakin at nauna na siyang lumabas.

Kinuha ko muna ang phone ko at sumunod na kay iya, nakapasok na si iya ng sasakyan kaya pumasok na rin ako sa passenger seat, nagseatbelt muna ako.

Nang paandarin na ni iya ang sasakyan, binuksan ko ang phone ko at tiningnan ang inbox kung may message na ba saakin si Ry.

Pero hanggang ngayun wala parin siyang message saakin, arghh! Ano kayang ginagawa ng dalawang yun?!

Napansin siguro ni iya ang pag iba ng mukha ko "oh anong nangyari sayo?, aga aga mukhang pinagsakluban ka agad ng langit at lupa ah" sabi ni iya sa tabi ko.

Kaya tinitigan ko siya ng masama "tumigil ka jan, naiinis ako ngayun dahil wala man lang reply saakin si Ry" sabi ko kay iya at nag cross arm.

"Owh, pano kaya kung magkasa-" hindi nayuloy ni iya ang sasabihin niya dahil sumigaw ako.

"Iya! Wag mo ko ipag overthink! Argh lalo mo lang pinapasama mood ko eh!" Sabi ko kay iya na ikinatawa lang ng tukmol.

"Hayaan mo na, diba sabi mo nga huling gabi na ni ami" sabi ni iya at pinaharurot agad ang sasakyan.

Kaya hindi nako nakapagsalita pa sa sinabi niya dahil todo hawak ako sa seatbelt ko.

Nang pumasok na sa lumang building ang sasakyan ni iya ay pumarada na ito sabay kaming bumaba ng sasakyan at naglakad, sa medyo may kadiliman at sa dulo nun ay may kaunting ilaw.

At ng malapit na kami ni iya may naaninag akong dalawang babaeng nakatali sa poste, at nakapiring at may panyo sa bibig para hindi mag ingay.

Nang makarating kami sa kanila sinalubong kami ng limang tauhan nila iya, at ngumiti

"Ito na po ang mga babae maam iya, at maam rein" sabi ng lalaking palaging nasa gitna nila

Tumango kami ni iya at tiningnan ang dalawang babaeng nakatali, lumapit sa kanila si iya at tinanggal ni iya ang mga panyo na nasa bibig nila.

Biglang sumigaw ang parang bata "sino kayo!, anong kailangan niyo samin?!" Sigaw ng bata pagkatanggal ng panyo sa bibig

"Di kayo kailangan namin, pero dahil ayaw mag pakuha ng kailangan namin, kakailanganin namin kayo" sabi ni iya na nakatingin sa mga bata

Kumuha ng phone si iya at may tinatawagan doon, pinalapit niya rin ako sa kanya nakailang ring pa ang phone ni iya bago may sumagot doon

"Hello?" Sabi ng boses ni Ami, Napatingin naman ako kay iya.

"Sure ka gantong oras? Sobrang aga pa?" Nagtatakang sabi ko kay Iya

Pero hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagkausap kay Ami "hi ami, magandang umaga" sabi ni iya, bigla naman nagsigawan ang mga bata na nakatali at umiiyak na

My boyfriend came back with no memories. [COMPLETED]Where stories live. Discover now