Chapter 6

27 1 3
                                    

Ami's pov

Nagising ako dahil kinalabit ako ni stella at binigay ang phone ko na nag iingay, "Hello?" Sabi ng inaantok na boses ko

"Goodmorning Ami!, asan ka?" Sabi ni Tina sa kabilang linya

"Asa bahay ako nila mommy bakit?" Nakapikit pa na sabi ko kay tina, kasi sobrang aga pa tumatawag na agad, naramdaman ko naman na yumakap saakin si stella kaya yinakap ko rin siya, tumabi siya matulog saakin kagabi dahil sobrang namiss niya daw ako, aww sweet.

"Alam mo ba-" hindi ko pinatuloy sa sasabihin si tina dahil alam kong chismiss lang iyon.

"Ang aga naman ng chismiss mo pwede bang mamaya na yan? Antok na antok pa ako" sabi ko kay tina

"Ano kaba! Hindi chismiss to, pinuntahan kalang naman ng mga tauhan ni kpr sa condo mo kagabe!" Pasigaw na sabi ni tina.

Nagulat naman ako kaya agad na bumukas ang mga mata ko at nawala ang antok ko "kagabe? Ano ginagawa nila jan? At pano nila nalaman kung nasaan ang condo ko?" Pabulong na sabi ko sa kausap dahil nakayakap lang saakin ang natutulog na si stella.

"Hindi ko rin alam pero buti nalang at nanjan ka, kundi siguro nakuha ka na nila" bumuntong hininga ako sa sinabi ni tina

"Ako mag papahuli? Mapapatay muna nila ako bago mahuli" narinig ko naman ang lalalim na buntong hininga ni tina.

"Ang gaga mo talaga, pag napatay ka na nila, di kana nila mahuhuli dahil patay ka na nga diba?" Sabi ni tina na pinapahalata ang kabobohan ko.

"Mag kaiba yun!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni tina sa kabilang linya "oh siya siya, kulang ka pa sa tulog sige na matulog ka pa ulet, kinamusta lang naman kita kase kala ko nakuha kana nila" sabi ni tina saakin

"Tsk kala mo naman di mo ko mahahanap agad" sabi ko kay tina at tumawa ng mahina

"Huh?" Agad na sagot ni tina saakin.

"Tanga! Nakita ko ang tracking device na nilagay mo sa bag ko" sabi ko na natatawa tawa pa

"Luhh, paano? Maliit lang yun ah, chaka nasa pinaka gilid baba yun!" Sabi ni tina.

"Syempre! Parang di mo ko naging partner noon ah, kilala na kita Tina mylabss" pang aasar ko pa sa pangalan ni tina

"Che! Basta wag mong tatanggalin yun ah?" Sabi ni tina saakin

"Yes po madam!" Sabi ko at nilagyan pa ng maarteng boses ang madam

"Sige na, matulog kana babylabs, goodnight Ami!" Sabi ni tina sa kabilang linya at pinatayan na ako ng tawag.

Aba anong nangyari dun? Naging mabait ata, tiningnan ko ang phone ko kung anong oras na, shet 3am?! Taena talaga nun ni Tina di nalang pinagbukas

Nagising pa tuloy si Stella, tiningnan ko ang natutulog na si stella habang hindi humihiwalay sa yakap ko, bago kami matulog kagabi sinabi ko na ang lahat kay stella, ang tungkol sa kuya niya at ang conditions ni Ry

Mukhang naintindihan naman ni stella, at sinabi ko rin sa kanya na wag siyang mag pahalata, and sabi ko pa parehas naming ishoshopping si Ry, halata ang excitement sa mukha ni stella kagabe.

Alam kong miss na miss niya na rin ishopping ang kuya niya dahil kami ang pumipili ng damit ni Ry noon pag sinasama niya kami ni stella sa pag shohopping niya.

NAGISING ako ng umaga at dahil nakita ko pang tulog si stella umalis ako sa kama, at tinali ko muna ang buhok ko, tapos lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina.

Nagluto ako ng sinagag na kanin at hotdog, bacon, and egg para sa agahan namin ni Stella, si siri kasi ay hindi na rin madalas nandito sa bahay dahil may condo na rin ito.

My boyfriend came back with no memories. [COMPLETED]Where stories live. Discover now