Ryden's pov
Maaga akong pumasok sa opisina dahil para maibalik ko na rin ang sasakyan ni Ami, pero hanggang sa mag 11 na ng umaga ay wala pa rin si Ami, tatawagan ko na sana siya ng may biglang dumating na lalaki.
"Where is ami?" Tanong saakin ng lalaking kararating lang, namumukhaan ko siya, oo siya nga ang kasabay ni Ami sa pag labas ng elevator kahapon.
"Di pa siya pumapasok sir" sabi ko at tinitigan ang lalaki ng masama
"Pwede bang pakitawagan siya? May importanteng sasabihin lang kase ako sa kanya" sabi ng lalaki, kahit na medyo galit ako sa lalaki na kaharap ko tinawagan ko na rin si Ami sa phone na ibinili niya saakin kagahapon.
Ilang rings pa bago ito nasagot ni ami "Hello? who is this?" Tanong ni Ami sa kabilang linya, pero ang boses niya ay halatang kagigising lang at pagod, bat ganto boses niya? Anyare sa kanya? Tanong ko sa isip ko.
"Hi, goodmorning ami si Ry ito, may naghahanap sayo dito" sabi ko kay Ami.
"Sino daw?" Tanong ni Ami sa kabilang linya, lumingon ako sa lalaki na nakatayo sa harapan ko.
"Ano oh ang pangalan niyo?" Sabi ko sa lalaki na nasa harapan ko
"Cly" simpleng sagot ng lalaki saakin.
"Cly daw ami" sabi ko kay ami sa kabilang linya, ilang minuto pa siya natahimik bago ang salita.
"Ohh, okay pwede bang papuntahin mo nalang siya dito sa condo? Medyo masama kasi ang pakiramdam ko okay lang ba?" Sa sinabi ni ami biglang nag dilim ang mukha ko kaya pinatay ko ang call at tumingin sa lalaki.
"Bukas nalang daw, hindi siya makakapasok ngayun" sabi ko sa lalaki at tumayo, kinuha ko ang susi ni Ami at pumunta sa elevator.
Pagkabukas ng elevator agad kong pinuntahan ang sasakyang naka park at pinaandar iyon,
Napunta ako kung nasaan ang building ni Ami, at pinark ang sasakyan niya at sumakay na sa elevator pataas.
Pagkabukas ng elevator agad akong kumatok sa kwartong pinasukan ni Ami kagabe, kahit alam kong hindi iyon ang condo namin ni Ami.
Hindi ko alam kung bakit nandito siya sa katabing condo namin, kaya kagabe ay nagtaka ako, kaya agad kong iniwan si Ami dahil naisip ko na baka ayaw pa ni Ami na makaalala ako kaya ganun ang ginawa niya.
Nang buksan na ni Ami ang pintuan nakita ko sa mga mata niya ang gulat kung bakit nandito ako sa condo niya, tiningnan ko pa ang itsura niya at pinipigilan ang matawa.
Dahil halata sa mukha niyang bagong gising lang siya at mukhang katatayo lang dala dala niya pa kasi ang kumot at nakatabi pa iyon sa buong katawan niya at magulo pa ang buhok niya.
"A-anong ginagawa mo dito?" Halata parin ang gulat sa mukha ni Ami.
"Di na ba ako welco- i mean di mo muna ba ako papapasukin?" Sabi ko dahil muntik nako madulas.
"Okay pumasok kana" inilahad niya pa ang kamay niya paloob, pumasok naman agad ako
Naramdaman ko naman na sinara niya na ang pinto at ako naman ay dumeretso na sa sofa ng living room ni Ami, naramdaman ko rin ang pag upo ni Ami sa tabi ko.
"So, bakit ka andito?" Tanong ni Ami at tumingin saakin.
"Sabi mo masama pakiramdam mo diba? Kumain kana ba?" Sabi ko at inilagay ang likod ng palad ko sa ulo ni Ami na alam ko naman na ikinagulat niya.
"Ang init mo" sabi ko at bigla bigla ko naman pinangko si Ami papunta sa isang kwarto at inihiga ko siya doon, walang imik si Ami na nakatitig lang saakin.
YOU ARE READING
My boyfriend came back with no memories. [COMPLETED]
FantasyHalos matumba ako nang malaman kong naaksidente ang sinasakyang eroplano ng aking boyfriend.