Chapter 5

43 1 6
                                    

Ami's  pov.

Dahil sa sobrang excited ko, maaga akong nagising at naligo dahil ngayung araw dadalhin ko si Ry sa pinagdalhan niya saakin noon first anniv namen, kung saan ibinigay niya saakin ang promise ring namin dati.

"Ayan yung promise ring niyo na binigay niya sayo noong first anniv niyo diba?, kinuwento mo pa nga saakin kung saan ka niya dinala" naalala ko ang binulong sakin ni Doctora Yumi kahapon.

"Asan nga pala? Bat di mo suot?" Tanong iyon ni Yumi kahapon habang paalis na kami ni Ry.

Hindi ko siya sinagot at ngumiti nalang ako sa kanya at nag paalam na kami, nang pagkatapos ko maligo humarap ako sa salamin ko na puno ng mga binigay ni Ry, nasa mismong condo pala ako ngayun dahil di pa naman napupunta si Ry dito sa condo kaya dito muna ako nag stay sa condo namin ni Ry.

At kinuha ko sa maliit na box ang kakopol na promise ring na suot ni Ry at isinuot iyon sa kamay ko, ngumiti ako at itinaas ang kamay ko kung saan kapantay lang ng salamin at tumingin sa salamin habang tinititigan ko ang daliri ko na kung saan ang singsing.

"Choco!" Tawag ko sa alaga namin na nakahiga sa kama agad naman itong lumapit saakin at tumalon.

"do you want to come baby?" Tanong ko kay choco, na parang naintindihan naman nito, dahil tumahol saakin, kaya napatawa nalang ako at kinuha ko ang damit ni choco at sinuotan ko rin siya ng damit.

"Yan, bagay sayo choco" sabi ko at binuhat na si choco palabas ng condo at sumakay na ako sa elevator

Naalala ko pa na regalo ni Ry si choco sakin dati ng birthday ko pero siya naman ang ka close ni choco kaya medyo may selos ako dati haha, natatawa tawa pa ako ng maalala ko ang pinagseselosan ko dati, kasi sakin binigay si choco pero mas close pa sila hays.

Pag kabukas ng elevator dumeretso ka agad ako sa sasakyan ko, at nilagay si choco sa likod bago umupo sa driver seat.

Pagkapark ko ng sasakyan ko sa parking lot ng building agad akong lumabas at kinuha si choco sa likod ng sasakyan at nilock ko na iyon, buhat buhat ko si choco hanggang sa makapasok kami sa elevator.

Nang bumukas ang elevator binaba ko na si choco at sabay kaming lumabas, dahil maaga pa nga dumeretso muna ako sa loob ng ipisina kasama si Choco.

Nanglilibang libang muna ako sa cellphone ko para di ako mabored, hanggang sa makatanggap ako ng message galing kay stella.

"Ate ami, when kaba bibisita dito? Boring dito wala akong kasama, chaka si ate siri naman palaging may mission daw, and i really miss you na po" sabi ni Stella ng inopen ko ang message niya.

Naawa naman ako kahit naman gusto ko siyang isama ay alam ko ang mangyayari sa kanya pag nakita niya ang kuya niya, parehas sila ng magiging reaction ni siri.

"do you want us to go to the movie tomorrow?" Reply ko sa message ni stella, agad naman itong nag reply saakin.

"Talaga ate? Sunduin mo po ako dito, at anong oras oh ba?" Naiimagine ko na ang excitement sa mukha ni stella kaya Napangiti ako.

"Uuwe si ate jan, later okay? Chaka may sasabihin si ate ami sayo mamaya, wag ka sanang magugulat ah?" Reply ko kay stella, gusto kong isama si Ry bukas, at alam ko maiintindihan naman ni stella siguro kung anong sasabihin ko malaki na rin naman siya eh.

"Sure ate, sige po ingat!" Reply ni stella sakin kaya ngumiti ako at may narinig na katok sa may labas, napalingon naman ako sa pinto ko "pasok!" Sabi ko sa kumakatok

Pumasok dun si Tina at si Cly, ngumiti ako ng umupo sila sa visitors chair ko, "anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko pag kaupo nila sa visitors chair.

"Kailangan mong mag ingat ngayun ate ami" sabi ni cly na Seryosong nakatingin sakin, hindi nako nagulat dahil alam kong isa sa secret agency ren si cly dahil na kwento na siya saakin ni Tina, bagong tao daw at pulis officer pa, ito ang kapartner ni siri sa pag popolice.

My boyfriend came back with no memories. [COMPLETED]Where stories live. Discover now