Pakilala.
Sa 'di kilalang baryo,
Malayo sa siyudad at tila nakalimutan ng gobyerno,
Isinilang si Elias sa baryong impyerno,
Puno ng katiwalian, kasinungalingan, at kapalpakan kanilang gobyerno rito.Elias, sa ilalim ng 'yong maskara,
Mulat na mata'y aming makikita,
Sa'yong boses binuhay aming pag-asa,
Pinadinig sa bawat isa ang hinaing ng mga dalita.Sabi ni Elias, "Boses ay ipadinig,
Sa katotohana'y imulat at dapat manaig.
Tanong ko'y 'di ka pa ba nasusuka?
Dahil itong mga may kapangharihan ay namimihasa na?"Sa nag-aalab na damdamin ni Elias,
Maraming umaasang makita ang maunlad na bukas.
Ngunit sino nga ba si Elias?
Ang bagong bayaning sa kamalia'y taliwas.
YOU ARE READING
Sabi Ni Elias
PoetryIsang istoryang isinulat ng patula, Patungkol sa mga hinanakit at mga pandaraya. Saksihan kung paano sila lumaban, Samahan si Elias sa pagbangon mula sa kahirapan. Hindi bulag at hindi rin pipi, Mga makapangyarihang tumatakas sa hinaing ng mga api. ...