Karapatan.
"Kalokohan, hindi nila tayo kayang mapatumba!"
Nagtawanan ang mga makapangyarihan matapos mabasa ang mensahe para sa kanila.
"Ang kabataa'y mananatiling bata at mangmang, kaya't bakit tayo mangangamba?"
Napapikit na lamang ako sa mga sinasambit nila."Mauuna na ho ako," pagpapaalam ko,
"Sige't umalis ka na at ibigay sa'min ang susunod na liham mula sa dukhang 'to."
Sa'king paglabas ay may kirot sa'king puso,
Lapastangang makakapangyarihan, mamalasin din kayo.Sa'king paglalakad ay may bumunggo sa'kin,
"Binibini..." dinig kong tawag nito kaya't ako'y napatingin.
Ngunit sa pagmulat ko'y humalo na siya sa lupon ng tao sa paligid,
Posible bang si Elias ang sa aki'y umaaligid?Hakbang ko'y napigil ng isang liham sa sahig,
"Liham ni Elias," sambit ng aking tinig.
Dito napako ang aking titig,
'Tong mga sabi ni Elias sinimulan kong basahin sa isang liblib.PLUMANG WALANG TINTA
Sa pagsusulat ng kasaysayan,
Tayong mamamayan ang may kapangyarihan.
Diringgin nga ba ang taong bayan?
O magbubulagbulagan at magbibingi-bingihan?Gamitin ang karapatan sa tamang paraan,
Dahil d'yan nakasalalay ang pag-unlad na inaasahan.
Kung nais mong makaahon mula sa kahirapan,
Huwag kang magpauto o maging bayaran.Ang plumang walang tinta ay tila karapatang walang boses at tindig,
Kung magpapakaduwag ka'y pag-unlad ay 'di mananaig.
Suriing mabuti itong mga politiko,
Tanungin ang 'yong sarili kung tama nga ba ito?Para saan pa ang pluma kung wala namang tinta?
Ituturing lang 'tong walang kwenta, 'di ba?
Kaya't bago pa mawalan ng tinta 'tong ating mga pluma,
Siguraduhin nating nakapaglimbag ito ng makasaysayang pagbabago sa ating historya.Binibini, 'di man kami kasing kapangyarihan o yaman ng iba,
Ngunit may nag-aalab kaming damdamin 'di 'gaya ng nila.
Huwag kang papauto sa mga kampanteng iyong pinuno,
'Pagkat mas makapangyarihan ang mamamayang may panindigang nabuo.Hindi mangmang ang kabataan, binibini.
Ito'y mula kay Elias, hanggang sa muli.
YOU ARE READING
Sabi Ni Elias
PoetryIsang istoryang isinulat ng patula, Patungkol sa mga hinanakit at mga pandaraya. Saksihan kung paano sila lumaban, Samahan si Elias sa pagbangon mula sa kahirapan. Hindi bulag at hindi rin pipi, Mga makapangyarihang tumatakas sa hinaing ng mga api. ...