BA

49 3 0
                                    

Bahid.

Hagulgol na umaalingawngaw sa paligid,
Punit na damit at dugong sa lupa'y bumahid.
Walang hininga at malamig na,
Katawan ng isang dalagita no'ng nadatnan namin siya.

Nang pagmasdan ko ang lugar ng krimen,
Nakita ko 'tong chapa ng pulis mula sa Lingayen.
Binalot ng dugo ang bawat sulok nito,
Isang manyak na hepe nga ba ang gumawa nito?

Akmang pupulutin ko na ito,
Ngunit naunahan ako ng isang kasamahan ko.
"Gusto mo bang mapagalitan ng dayo na hepe?" Bulong nito.
Sabay bulsa bigla sa chapa at biglang lumayo.

Napatitig ako sa putlang katawan ng biktima,
Sa gilid nito'y pamilya't kaibigan niyang nagsusimigaw ng hustisya.
Ganito ba talaga kapag may kapit sa politika?
Kahit anong gawing masama nila'y nasasawalang bahala na?

Pauwi na ko sa'king tahanan nang may sumalubong sa'kin,
"Liham para sa'yo," sambit niya bago maglaho sa hangin.
Kanino 'to galing ang tanong na bumagabag nang aking isipin,
"Duwag ka." Nagulat ako matapos ko itong basahin.

ISANG LIHAM MULA KAY ELIAS!
"ELIAS!" Ngalan niya'y aking binulalas.
Nagbabakasakali akong siya'y lalabas,
Ngunit paligid ay tanging nilamon ng hangin at talahib na humahampas.

Tinapunan ko ng tingin ang liham,
Binasa kong maigi ang kaniyang panayam,
Isang tulang tungkol sa kaninang panghaharas,
At ito ang sabi ni Elias:

SARILING PIRING

Ibinalot sa kanilang mga mata,
Nag-anyong mga bulag upang 'di makita ang bulok na sistema.
Piring na sumasakal sa kanilang mga mata,
Piring na nagpapanatili upang maging mangmang ka.

Mga matang hinihiyaw ang iba't ibang emosyon,
Mga mata nilang nakapiring kaya't wala pa ring aksyon.
Gising, mga makapangyarihan!
Mulat na kaming mga mamamayan.

Narito na kami upang ipaglaban aming karapatan,
At inaasahan naming kayo'y kabahan,
Pagkat 'di na kami papabulag sa katotohanan,
Kinalulugod kong sabihing pati kabataa'y gising na ang mga ginagawa niyong katiwalian.

Ipabasa mo 'to sa'yong pinuno, binibini.
Nais kong sabihing ang mga mata mo'y 'di kayang magkubli,
Namataan ko ang emosyon mo sa pangyayari ngayong gabi,
Ako si Elias, ang siyang nagpapasabi.

Sabi Ni EliasWhere stories live. Discover now