E

16 2 4
                                    

Elisi.

Pag-aalinlanga'y 'di ko makubli,
Pangambang ako naman ang mapahamak sa huli.
Paggawa ng tama'y bakit kay hirap mapili?
Marahil dahil takot sa 'ti'y gumagapi.

Tulala sa kawalan,
Nakaupo sa tulay at ninanamnam aking kalayaan,
Nilalamon ng konsensya at mga iniisip na tila walang hangganan,
"Pa'no ko nasisikmurang tumalima sa kasamaan?"

Sa paghalik ng hangin sa 'king pisngi,
Isang bata ang kumalabit sa 'king binti.
"Ate, para raw sa iyo..."
Sambit nito at tumakbo palayo.

Isang liham na naman aking natanggap,
Isang tao lamang ang sigurado kong sa 'kin ay gustong kumausap.
"Binibini..." saad nitong sulat,
Kaya't patuloy kong sinipat.

"Konsensya mo man ay hinahabol ka,
'Wag kang mag-alala dahil ako sa 'yo'y may magandang balita.
Ang hepe at iba pa'y nahuli na,
'Pagkamatay ng pamilya'y may hustisya na.

Marahil tinatanong mo kung paano?
Bakit nakulong bagaman makapangyarihan 'to?
Kaya't 'yan ang pinagpapasalamat namin sa 'yo,
'Di mo man alam, ngunit malaki ang tulong mo sa kilusan naming ito.

Binibini, ang buhay ay parang elisi,
Taas baba at paulit-ulit na 'di magsasalisi.
Hindi maaaring sa tuktok ka lamang manatili,
Datapwat mayroong kailangang umangat upang takbo'y gumana muli.

Noong bata ako'y nais kong pigilin itong tumatakbong elisi,
Bagaman nang gawin ko ito'y sa huli'y ako'y nagsisi.
'Pagkat sa talim ng elisi nasugatan ang musmos kong sarili,
Puno ng iyak at sakit tanging gumuhit sa 'king mga labi.

Sinabi ko ito 'pagkat gan 'to rin ang nangyari ngayon sa hepe,
Inakalang ang pagpigil ng takbo ng buhay ay libre,
Ngunit ngayo'y pinagbabayaran niya ng pagsisisi at sakit,
'Wag kang mag-alala, Binibini 'pagkat ang hustisya'y 'di na muli pipikit.

Nagmamahal,
Elias."

Tinik sa 'king dibdib ay tuluyang natanggal,
Salamat nama'y nabawasan na ng mga opisyal na hangal.
Ngunit pagtataka ko'y tila ayaw lumisan,
"Paano ako nakatulong nang 'di ako tumulong noong imbestigahan?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sabi Ni EliasWhere stories live. Discover now