Starting Again- Chapter 2: Ethaniel Arvin Aguilar

22 3 0
                                    

Chapter 2: Ethaniel Arvin Aguilar

Annica's POV:
Nakarating na kami dito sa D' A's Bar at napakadaming tao nga.
Pero since ang mga kasama namin ang may-ari ng bar na to, diretso kami agad sa VIP Room.
"Guys ako na kukuha ng drinks natin. Juice na lang sa inyo girls." - pagvovolunteer ni Aldrin.
"Hmp. Ang KJ! Bakit juice lang sa amin ni Annica?"
- sabay pout ni Angel.
"Hindi kasi pwedeng malasing kayo. And besides, may photo shoot kami ni Annica bukas kaya hindi talaga pwede." - sabi naman ni Kirk.
"Talaga? Model na si Best?!? Waaaaaahhhh!!! So excited!!!" - tuwang tuwang sabi ni Angel. Psh.
"Nope. I prefer behind the camera." - ako. Yup. Mas gusto kong ako ang kumukuha ng picture. May mga nagsasabi nga na bagay din sakin mag model pero ayoko. Ayoko ng napapansin ako ng mga tao. Isa pa, photography and writing ang passion ko. Since I was a kid, eto talaga ang pangarap ko.
"Wooooohhh!! Inuman na!!!!!!!!!!" - sigaw ni George at nandito na nga si Aldrin dala ang mga drinks.
"Best! Kwento ka naman. 5 years kayong nawala. Ano bang nangyari?"- tanong ni best sa tabi ko.
"Wala naman best. Puro work ang inatupag namin. Tsaka may nakilala akong kaibigan naman. Mga models din.Kasundo ko sila." - sabi ko sabay lagok ng iniinom kong juice. Oo. Puro work lang kami. Ang akala ko sa 5 years naming magkasama ni Kirk sa Japan ay maiinlove siya sakin pero wala ehh. Inlove pa din siya kay Angel.
Speaking of Kirk, may kanya kanya silang usapan ng mga lalaki. Ang iingay nila. Haaaaaiiiiiiyyyyyy... Pagtawa pa lang ni Kirk nakakainlove na.
Napalingon ako sa kanya...

At...

Nakatingin siya sa akin.

Ethan...

*GULP*
Napalunok ako ng wala sa oras.
Paano ba naman, kahit na nag uusap silang mga lalaki, ang seryoso niyang makatingin sa akin.
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.
*FLASHBACK*
"Huwag kang magpakamartyr. Huwag mo na silang tingnan. Alam kong nasasaktan ka." - nagulat ako dahil biglang tumabi sa kin si Ethan at sinabi ito sa akin. How did he know na may feelings ako kay Kirk?

At ang mas kinagulat ko, hinawakan ni Ethan ang kamay ko.

Nasa hulihan kami kaya hindi kami nakikita ng mga kaibigan namin.

"May alam ka ba?"
- tanong ko kay Ethan. Ewan ko ba pero malakas ang kutob ko na may alam si Ethan sa nararamdaman ko para kay Kirk.
Pero sa halip na sagutin ako, hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at ngumiti.
*Dugdug.. Dugdug..*
Bakit tumitibok ng ganito tong puso ko?

"Bakit ka ba kasi sa kanya ka pa nainlove? Nandito naman ako ah?" - bulong niya pero rinig ko naman.
Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya ------ Nope. Nakatitig siya sa akin.
At lalo akong nawindang sa huli niyang sinabi.
"I like you Celine. Matagal na. And I'm serious about it."
*End of Flashback*
Kaya n
"Huwag kang magpakamartyr. Huwag mo na silang tingnan. Alam kong nasasaktan ka." - nagulat ako dahil biglang tumabi sa kin si Ethan at sinabi ito sa akin. How did he know na may feelings ako kay Kirk?

At ang mas kinagulat ko, hinawakan ni Ethan ang kamay ko.

Nasa hulihan kami kaya hindi kami nakikita ng mga kaibigan namin.

"May alam ka ba?"
- tanong ko kay Ethan. Ewan ko ba pero malakas ang kutob ko na may alam si Ethan sa nararamdaman ko para kay Kirk.
Pero sa halip na sagutin ako, hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at ngumiti.
*Dugdug.. Dugdug..*
Bakit tumitibok ng ganito tong puso ko?

"Bakit ka ba kasi sa kanya ka pa nainlove? Nandito naman ako ah?" - bulong niya pero rinig ko naman.
Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya ------ Nope. Nakatitig siya sa akin.
At lalo akong nawindang sa huli niyang sinabi.
"I like you Celine. Matagal na. And I'm serious about it." gayon, sobrang awkward makasama si Ethan. And worse, mas awkward na makita siyang nakatitig sa akin.
"Earth to Annica! Yuhooo? Are you still there? Huuuy!!!"
- napabalik ako sa realidad nang mapansin ang kamay ni Angel na winawagayway sa mukha ko. -______-
"O ano bang nangyari dyan Angel? Baka pagod na si Annica. Tara uwi na tayo kaya? Maaga pa naman din kami bukas." - sabi ni Kirk.
"Hmmm. Oo nga. Pero pano yan Kirky? Wala kaming sasakyan ni best! Nagcommute lang kasi ako kanina papuntang airport." - problemadong sabi ni Angel. -________________________-
"Hmmmm ganito na lang. Kirk tsaka Angel sabay kayo sa akin tutal madadaanan ko naman mga bahay niyo." - sabi ni George. Pero teka? Paano naman ako?
"Oo nga. Mabuti pa. Tara na!" - tuwang tuwang sabi ni Angel. Aiiiissshhh.
"Eh pano naman ako?" - sabi ko sabay pout.
"Sabay ka na--------------"
"Sakin ka na sumabay." - putol ni Ethan sa sasabihin ni Aldrin.
T-teka? Si E-ethan?! Iniiwasan ko nga siya diba?! -________________-
"Chill bro! Hahaha napaghahalataan eh." - akbay na sabi ni Aldrin kay Ethan.
"Tumigil ka pre." - inis na sabi ni Ethan kay Aldrin pero sakin nakatingin -_______-
"O okay na ahh. Tara na. Kailangan ko din kasi pumuntang studio bukas ng maaga. And it's already 12 midnight." - humihikab na sabi ni Angel.
Wala na akong nagawa para umarte pa na kay Aldrin na lang sumabay kasi kailangan namin maaga pa bukas. Aiiissssh. No choice!
"Halika na Celine." - sabay hawak ----- no. Hila sakin ni Ethan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinasakay sa tabi ng driver's seat. At pumasok na siya.
Habang biyahe ang tahimik. Walang nagsasalita. Malamang! Awkward nga diba? -____________-
"Celine"
Napatingin naman ako sa kanya kasi tinawag niya ko.
"About what I said earlier, seryoso talaga ako dun. Elementary pa lang tayo crush na kita. Yeah. Until nung high school tayo. Pero nung nangyari yung nakidnap ka, f*ck! Dun ko narealize na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman ko. Mahal na kita nun."
Yup. Nakidnap ako nung high school and thank God na dumating si Ethan para iligtas ako.
Ayoko na maalala yung nangyari na yun kasi halos one year bago ako makamove on sa pagkatrauma ko.
"Celine?"
Napalingon ako ulit kay Ethan.
"Mahal talaga kita."
Hindi ako makapagsalita kaya yumuko na lang ako.
"Hindi kita pinipilit na mahalin din ako Celine. Sinabi ko lang yung nararamdaman ko kasi gusto ko lang magpakatotoo sayo at sa sarili ko."
Pagkatapos ng sinabi na iyan ni Ethan, hindi na siya nagsalita hanggang makarating na kami sa tinutuluyan ko.
Mag isa lang akong nakatira dito. Ang parents ko nasa Laguna while yung kuya ko nasa America para pamunuan yung branch ng business namin dun. Kaya ayun dito lang ako.
"We're here." - sabi ni Ethan at pinagbuksan ako ng pinto. Past 1 am na at 8 ang start ng photo shoot. Wow. Just wow. -_____-

"Salamat sa paghatid." - pasalamat ko kay Ethan at papasok na sa bahay ngunit tinawag ako ulit ni Ethan kaya napalingon ako.
"Good night. Ihahatid na kita bukas sa venue niyo whether you like it or not. Sige na pasok na. Sweet dreams, Celine. Dream of me." - sabay halik ni Ethan sa noo ko.
Ako? Napatulala sa ginawa niya.
I heard him chuckle kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit ka tumatawa?" - pagsusungit ko. Ayoko naman kasi na mahalata niyang namumula ako dahil sa paghalik niya sa noo ko.
"You're blushing. And you're so cute." - sabi niya at tawa pa din ng tawa.
Mas lalo yata akong namula sa sinabi niya.
"Kasi naman Ethan eh!" - sabi ko sabay pout. Mas lalo lang kasi akong namumula sa ginawa niyang pagsabi kahit obvious naman na namumula talaga ako.
"Don't pout Celine. Nakakatempt halikan yang labi mo." - cool na sabi ni Ethan pero mas lalo lang ata akong namula!
Kaya itinulak ko na si Ethan pasakay sa kotse niya samantalang siya, tawa ng tawa.
"Haha. Good night Celine. Pumasok ka na. By 7 am nandito na ko. Pano? Alis na ko ah." - sabay ngiti ni Ethan.
"Good night. Ingat Ethan." - nginitian ko na din siya sabay umalis na siya.
Ako naman pumasok na sa bahay. Dumiretso muna ako ng CR at nagbabad sa shower.
Ang sarap. Woooh. Nakakapagod tong araw na to. Pero ang saya.
Lumabas na ko ng CR at dumiretso sa kwarto. Pagkahiga ko sa kama ay saktong nagring ang phone ko at binasa ang message.
From: +63915*******
Good night. Nakauwi na ko Celine. Kita na lang tayo mamaya.
P.S. Save my number.
Your Prince Ethan ;)
Natawa naman ako sa text ni Ethan at sinave ko na din ang number niya. Hindi ko na siya nireplyan at pumikit na pero nagring na naman ang phone ko at may message na naman.
From: Ethan Pasaway
Hey. Tulog ka na ba? I miss you.

Ha? Kanina lang naman kami nagkasama pero miss niya na ko agad?
My phone rings again. -________-
From: Ethan Pasaway
Hmp! Tulog na nga. Good night na My Princess Celine. I love you.
Siguro naman hindi na to magtetext noh?
Pero ibababa ko pa lang sa kama ang phone ko ay nagring na naman ito. -___________-
Calling: Ethan Pasaway...
Luh?! Sinagot ko na yung tawag.
(Hello-------)
"Ethan, matulog ka na. Matutulog na din ako. Past 3 am na oh! Good night."
Binababa ko na yung phone at hindi na siya pinaghintay na magsalita.
Pero maya maya ay nagring na naman ang phone ko at sinagot ko agad.
"Ethan pwede ba? Matulog na tayo ok"
Ibababa ko na sana yung phone nang magsalita ang tumawag sakin.
(Annica. It's me Kirk. I just want to know if nakauwi ka na and also to remind you for our photo shoot tomorrow. But mukhang ibang tao naman pala ang akala mo. Sige Annica. Good night. Kita na lang tayo mamaya.)
Tooot toot toot.
Wooah? Si Kirk pala yung tumawag. Argh!!! Galit ba siya? Kasi naman ehh!
Tinext ko na lang si Kirk.
To: Kirk
Heyy sorry I thought si Ethan ka kasi naman kinukulit ako kanina ni Ethan. Wag ka na magtampo best. :'> Good night. Kita tayo mamaya. J
**
Sent!
After nun, binaba ko na yung phone at nagwish na sana wala ng iistorbo pero wala pang 1 minute, nagring ang phone ko at may text.
From: Ethan Pasaway
Good night. Haha opo tulog na ko. J

-__________________________-
Ethaniel Arvin Aguilar! Bakit ang pasaway mo?
Then natulog na ko. At last! Sleeping time na!!! :">

**

So eto na po. Chapter 2. Ayan na si Ethan.

Kinilig po ba kayo? Haha sorry kung failed. :3

Comment po.

~ayemprincessdreamer :*

Starting AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon