Starting Again- Chapter 13: Kirk and Annica

13 1 0
                                    

Pahinga muna sa Ethannica. Pagbigyan muna natin si Kirk. Iiyak na eh. XD

Kirk's POV

Psh. Pagkatapos akong suntukin ni Calex umalis na lang ako.

Nakakabwisit talaga yun. Halatang ayaw na ayaw sa kin eh. Psh.

Nung una hindi ko talaga siya naalala. Pero nang masamang tingnan ako ayun naalala ko na.

Noon pa lang ay ayaw niya talaga sakin.

Umuwi na lang ako sa condo ko.

Nang makarating ako ay agad akong humiga sa kama. Nilabas ko yung phone ko.

5 messages received.

3 mula kay Angel.

1 mula kay Annica.

1 mula sa manager ko.

Una kong chineck yung kay Angel.

Psh. Puro I love you. Tapos nagtataka bat ganun daw yung ginawa ko kanina. -_-

Next ay yung kay Annica.

Nagsorry sa nangyari. Hmp sarap pa naman ng labi nun. Bwisit lang talaga yung kapatid niya.

Next ay yung sa manager ko. Pinapasabi yung sa photoshoot bukas. Oo nga pala.

Agad akong nagtype ng message.

To: Annica KO

Ok lang . Sorry pala ah. Nadala lang ako sa nangyari. Btw remind ko lang yung photoshoot tomorrow okay? Sige good night.

Sent!

Makatulog na nga.

**

Annica's POV

Nang makaalis si Kirk ay kinausap ko si Calex pero iniwan lang ako at nagbalik sa sofa at natulog.

Somehow ay thankful ako kay Calex. Pano kung hindi siya dumating?

Baka iba na ang nangyari! >_

Nahiga na lang ako sa kama. Tinext ko na din si Kirk.

To: Kirk

Sorry sa nangyari ah. Ingat sa pag-uwi.

Sent!

Natulog na din ako. Maaga pa ko bukas.

*kinabukasan*

Nandito na kami ni Calex sa paggaganapan.

Paano pinilit sumama. Tsk.

Si Kirk ay hindi pa namin nakikita.

Maaga pa naman kasi. Malamang ay mamaya pa darating yun. Kaya nag ayos na muna ako ng mga gagamitin. Photographer ako.

Sa isang beach resort ang venue. Kumpara sa pinagbakasyunan namin, etong resort na to ay may mga cottage na pagtutuluyan namin. Two days and one night ang photoshoot. Siyempre iba ibang models at photographers. Hindi lang kami ni Kirk. Haha.

Si Calex naman ay nagpaalam na maglalakad lakad muna.

Nang maayos ko na lahat ng dapat kong ayusin, napansin ko na nagsisimula na pala yung iba. Si Kirk kasi yung kukuhanan ko. Mamaya pa namang 5 pm yun. Eh 11 am pa lang. -_-

Masyado kasing malayo itong lugar na to kaya 6 pa lang ay umalis na kami at ngayon nga ay 11 na. -_-

Pero kasi lahat dapat maaga pa lang nandito para if may mangyaring aberya, may papalit na photographer.

Starting AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon