Starting Again- Chapter 12: Calex the who?

14 2 0
                                    

Annica's POV

Psh. Grabe talaga tong lalaki na to. Ang kalat kalat tuloy dito.

Yung pinagbihisan niya, nandun sa sofa lahat.

Yung pinagkainan niyang chips, nakatambak lahat. Arggghhh! Pasaway talaga!

"Hoy Calex mahiya ka naman sa bahay KO. ang kalat daw ng mga gamit mo."

Sigaw ko sa kanya kasi busy sa paglalaro . Psh.

"Ge maya"

Maikling sagot niya.

Nababadtrip na talaga ako at kesa naman mabadtrip ng tuluyan ay ako na lang ang nag ayos ng gamit niya. Haaaiyyyy. Pasaway talaga.

"Dito muna ako tutuloy ahh."

Pambasag niya sa katahimikan. Na talagang nagpabasag.

"ANO??! BAKIT?! MAY NANGYARI BA? CALEX NAMAN ANO BA YUN? DUN KA NA SA CONDO MO TUMULOY. BAKIT KAILANGAN SAKIN PA HA??!"

Ayan. Sigaw ko.

Nasanay akong mag-isa sa bahay tapos makikituloy tong kumag na to sakin?!

"Psh."

Sagot niya at pagkatapos ay di na nagsalita.

Di na rin ako nagsalita kasi baka mabwisit na naman ako ng tuluyan.

Habang naglalaro siya ay naisip ko ng magluto. Hmmm. Ano kayang pwede??

Adobo?

Kare-kare?

Menudo?

Argghh

"Hoy Calex ano gusto mong ulam?"

Tinanong ko na lang siya kasi wala talaga akong maisip.

"Beef steak na lang. Tagal ko ng di nakakakain nun."

Sagot niya. Kaya chineck ko yung mga ingredients at fortunately kumpleto naman kaya nagluto na ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang may magdoorbell.

"Calex pabukas naman yung pinto."

Hindi siya sumagot pero narinig ko naman na tumayo siya at binuksan yung pinto.

"OH EM GI! CALEX BABY WWAAAAAAAAHHH. ANG GWAPO MO LALO WIIIEEEEEEEEEEHHHHHH!!!!!!"

O.O

Nandyan na sila. -_-

At si Angel yung sumigaw.

"Beessst!!!!!"

Psh. Ang ingay talaga.

Tiningnan ko yung niluluto ko at pansin kong luto naman na kaya lumabas ako sa sala para tingnan.

"Best ang gwapo gwapo talaga nitong kapatid mo. Yiiieeeeh."

Sabi ni Angel sabay pisil sa dalawang pisngi ni Calex.

Hahaha. Pustahan galit na mamaya yan.

"KAPATID????!!!!!!!!!?!?!?!?!"

nagulat naman ako nang sabay sabay na sabi nina Ethan, Aldrin, at Kirk.

Si Kirk?

Eh kilala naman talaga niya si Calex ah?

Isinawalang bahala ko na lang yun.

"Tara na guys. Seven na din. Dito na kayo magdinner. Nagluto ako ng beef steak."
Yaya ko sa kanila.

Starting AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon