Starting Again- Chapter 8: Officially On

11 2 0
                                    

Annica's POV

Maaga kaming lahat nagising para paghandaan ang gagawing pagpunta sa beach.

Wiieeeh! So excited!

Wala na si Angel sa kwarto nang magising ako. Aba mas maaga pa itong nagising kaysa sa akin ahh.

Agad naman akong pumunta ng C.R. para maligo at mag ayos. After 30 minutes ay lumabas na ako. Nagsuot lang ako ng blouse at maong shorts then bumaba na.

Pagdating sa baba ay nakita kong busy silang lahat. Well hindi pala lahat.

Si George at si Aldrin ay inaayos yung mga pagkain na dadalhin namin.
Si Kirk naman ay inaayos na yung mga gamit na dadalhin.
Si Angel naman ay nanonood. -_-

Si Ethan?

Nawawala.

Palinga linga ako sa paligid nang mapansin ako ni Angel.

"Lumabas si Ethan , best. Nagjogging. Kumain ka na dun sa kusina. May pandesal pa." Sabi ni Angel sabay balik ang tingin sa tv.

Nagulat naman ako nang may biglang umakbay sa akin.

"Good morning Ica!!" Napalingon ako. Oo nga pala. Kasama namin si Ivan dito. Nakalimutan ko. -_-

"Good morning Ivan. Sige kain lang ako sandali ahh. Gutom na ko ehh." Ayun lang at iniwan ko na si Ivan at diretso sa kusina.

Tamang tama gutom na ko. Nakita ko naman na may 10 pandesal sa lamesa na may mga palaman na at hot choco na mainit pa. Napansin ko din na may note na nakasulat.

This is for Celine only.
If you're not Celine, then make your own breakfast.

Hey Celine. Good morning. Lumabas lang ako sandali kasi may bibilhin. Don't worry babalik din ako sa piling mo. ;)

Yan yung nakasulat sa note. Agad naman akong pinamulahan sa nabasa ko at nagsimula ng kumain. Ang sarap ng timpla niya ng hot choco. ^_^

After kumain ay lumabas na ako at napanganga ako sa nakita.

Si Angel at si Kirk ay naglalandian.
Si George ay ginugulpi si Aldrin.
Si Ivan ay kumakanta.
Si Ethan ay nagbabasa.
Pero nang mapansin siguro ni Ethan na may nakatingin sa kanya ay binaba niya yung hawak niyang libro at nginitian ako.

Wow lang. Ang lakas ng pandama nito ahh. -_-

Tiningnan ko yung phone ko para malaman yung oras. It's almost 8 in the morning. Tsk.
"Hey guys, wala pa ba kayong balak umalis?" Tanong ko sa kanila.

Agad lumapit si Angel sakin.
"Hey best, ikaw na lang po kaya hinihintay namin."
Napatingin ako sa kanilang lahat. O.o

Oo nga. Handa na sila. -_-

Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto para mag-ayos.

Waaaaaahh. Nakakahiya lang. >_

Agad kong nilagay sa bag yung mga dadalhin ko.

Napapaisip ako. After nitong bakasyon na to, busy na naman kami sa mga work namin.
Kaya dapat enjoyin to. ^_^

**
Nang makarating kami sa beach, walang tao. -_-

Yun pala ay private ito. Wala nga lang rest house na pwedeng tuluyan kaya ayun. At napag alaman ko din na kina Angel tong beach na to.

Agad na nagset up sina George at Aldrin ng grill at inayos naman ni Ethan ang barbecue.

Si Ivan naman ay inayos yung mga bench na pwedeng upuan namin.

Nilapitan ko si Ivan.

"Ui Ivan. Pwede tumulong? Wala kasi akong magawa eh." Tanong ko kay Ivan at tila nagulat ito nang mapansin ako.
"Naku Ica wag na. Maupo ka na lang diyan tapos na rin naman." Sabay ngiti sakin ni Ivan. Naupo naman ako at umupo din si Ivan nang matapos siya.
Napatingin ako kina Aldrin na kinukulit na naman si George. Bahagya akong napatawa.
"Ang saya saya nila kasama Ica. Sana kabilang na lang ako sa barkada niyo." napatingin naman ako kay Ivan at napangiti.
"Oo naman Ivan. Kabilang ka na sa barkada. Hindi man halata pero gusto ka din naman nila eh." Napatingin naman sina Aldrin dito at dali daling tumakbo si Aldrin papunta dito.
"HOY IVAN WAG MO SOLOHIN SI BEBE ANNICA KO!! LUMAYO KA! SHOOOO!!!"
Napatawa naman kami sa kakulitan ni Aldrin. Sumunod naman sina George at si Ethan. *gulp*

Ang sama ng tingin ni Ethan kay Ivan. >_

Naupo naman si Aldrin sa tabi ko. Bale gumitna siya samin ni Ivan. -_-

Nang makarating naman sina Ethan ay ganito na ang pwesto.

Ako-Ethan-Aldrin-Ivan-George

Si Aldrin ayun haha nagmamaktol. Pano sumingit din si Ethan sa gitna namin. Hahaha pasaway kasi.

After ng ilang minuto ay kwentuhan kami ng kung anu-ano. Tungkol saan saan.

Nang biglang.
"Guys, nakita niyo si Kirk? Kanina pa yun wala ah? Pati si Angel." Tanong ni Aldrin.
Oo nga noh. Mula ng dumating kami ay nawala na sila.
Napag-isipan naming hanapin sila ng biglang.

"Guys good news! Wooooh kami na!"

Napalingon kaming lahat at nakita silang dalawa.

Sila na.

Masakit pala talaga na ang mahal mo, may ibang mahal.
Bakit ikaw pa?

Si Kirk at Angel. Mula sa kung saan ay lumabas sila magkahawak kamay.

Bahagyang kumirot ang puso ko at nakaramdam ng nagbabadyang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.

Agad na lumapit si Aldrin kay Kirk at binatukan ito habang tumatawa.                                                                    
"Wow pareng Kirk galing. Buti ka pa. Tsk. Ako kaya kailan sasagutin ni Annica beybeh?"
"Tsk. Asa ka dude. Akin lang to."
Narinig kong bulong ni Ethan sa tabi ko. Bigla naman akong nakaramdam ng kung ano.
Napatingin ako kay Angel na nakatingin pala sa akin kaya I mouthed her "Congratulations" sabay smile.
Napangiti din si Angel at itinuon ang atensyon kay Aldrin na kinukulit si Kirk.
"Don't cry Celine. Nandito pa ako. I'll never love anyone but you." Bulong ni Ethan sabay hawak sa kamay ko.

Don't cry. Be brave Annica. Nandyan si Ethan. Tama.

Smile Annica.

**

Ayun. Sina Kirk at Angel pala

Well alam ko di na yun surprise. Hahaha.

Awkward Annica. Awkward. Hahaha

So? Next update ewan ko pa . XD

~ayemprincessdreamer

Starting AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon