Starting Again- Chapter 4: Angel and Kirk

15 3 0
                                    

Chapter 4: Angel and Kirk

Kirk's POV:
Pagkatapos nang nangyari sa photo shoot, hinatid na ni Ethan si Annica sa kanila. It's almost 8 pm na kaya naisipan ko na din umuwi.
Habang nasa daan, traffic sa hi-way kaya naisipan kong dumaan sa ibang way para mas mapabilis sa pag-uwi.
"Tulong! Tulungan niyo ko!"
"Miss beautiful, walang makakarinig sayo dito. Walang nagdaraan. Hehehe."
Teka? Ano yun?
Mukhang hindi nila napansin ang pagdaan ng kotse ko. Sabagay, medyo malayo pa naman dun sa nangyayari kaya bumaba na ako at naglakad palapit dun.
"WAG PO!!! TULUNGAN NIYO KO!!!"
Hindi na ako nagdalawang isip at sinugod yung mga lalaki. 3 lalaki lang naman sila kaya nakaya ko silang patumbahin sa loob lang ng limang minuto.
Agad naman akong niyakap nung babae habang umiiyak.
"Salamat po. Kung hindi kayo dumating ay malamang narape na ko dun."
Agad kong hinubad yung jacket na suot ko at binigay dun sa babae dahil punit na yung dress na suot niya.
Pero, nang mapatingin ako sa babae, tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makilala ko kung sino ito.
"Angel?"
Halos di ako makapaniwala. Napatingin naman din sa akin si Angel at agad akong niyakap at umiyak ulit.
Inakay ko siya papasok sa kotse ko at ihahatid ko siya pauwi sa kanila.
Hindi ko na tinanong kung anong nangyari dahil alam kong hindi pa niya kayang magkuwento sa nangyari.
Tahimik lang ang buong biyahe namin at nang lingunin ko siya ay natutulog na pala ito.
Nang magising si Angel ay napansin niya ang daan na tinatahak namin papuntang bahay nila.
"T-teka Kirk. Wag muna sa bahay namin mo ko iuwi. Pwedeng sa inyo muna ako tumuloy?" - parang takot na sabi ni Angel. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Maaaring ayaw muna niya na malaman ng magulang niya ang nangyari sa kanya.
Nang makarating kami sa condo na tinutuluyan ko, nagpaalam si Angel na maligo muna kaya inabutan ko siya ng tuwalya. Agad din akong pumasok sa kwarto at kumuha ng maluwag kong tshirt at pajama para ipasuot ko kay Angel. Inilapag ko sa ibabaw ng kama yung mga damit at kinatok ko si Angel sa CR at sinabing inilapag ko nga yung damit sa kama. Pagkatapos ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina para magluto.

Nagluluto ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto. Nakita ko si Angel na tila wala pa sa sarili. Hindi ako sanay na ganito siya. Kilala kasi si Angel na masayahin at palangiting tao. Ibang iba sa Angel na kasama ko ngayon.
"Gutom ka na ba? Sandali lang at maluluto na to. Maupo ka muna dyan." Sabi ko at napaupo na nga si Angel sa may upuan sa kusina. "Nga pala. Naitawag ko na sa mga pulis yung nangyari kanina. At hinihintay na nga lang natin ang balita. Wag ka na mag alala Angel. O eto luto na. Kain ka na muna at magpahinga ka na." Pagpapatuloy ko. Nakita ko naman na tumingin sa kin si Angel at ngumiti sabay sabing "Salamat" at kumain na sa niluto ko.
Kumain na din ako at habang kumakain kami ay may kumatok sa pinto. Napatingin naman kami ni Angel at tumayo ako para pagbuksan sa kung sino mang bisita iyon.
"Kirk? Nasan na si Angel? Anong nangyari sa kanya? Ayos na ba siya? Nasan siya?" -ayan ang bungad sakin ni Annica pagkabukas ko ng pinto. Nagtaka naman ako kung pano nalaman ni Annica ang nangyari kay Angel pero nang makita ni Annica si Angel sa kusina ay agad niya itong niyakap at umiyak si Angel.

Annica's POV
Kasalukuyan akong nagpapahinga dahil kakauwi ko lang mula sa photo shoot kanina. Hinatid naman ako ni Ethan at kakauwi lang din daw niya. Maya maya ay may natanggap akong message.
From: Best Angel
Sis. Pwede puntahan mo ko sa condo ni Kirk? I need you. Kailangan ko ng karamay. Mamaya ko na sasabihin kung bakit. Please best. :(

Nagtaka naman ako kung bakit kaya agad akong nag ayos para puntahan si Angel.
Nakarating naman ako agad at nang pagbuksan ako ni Kirk ay taranta ko itong tinanong kung nasan si Angel. Nang makita ko ito sa kusina ay agad ko itong pinuntahan at niyakap ko siya at bigla siyang umiyak.
"Kirk?! Anong nangyari kay Angel? Anong ginawa mo sa kanya?? Bakit siya nagkakaganito? Ha? Sagutin mo ako!!!"
Pasigaw na tanong ko kay Kirk.
Sasagot sana si Kirk kaso naunahan siya ni Angel na ikinagulat ko.
"Muntik akong marape best. Buti na lang dumating si Kirk para iligtas ako."
Nagulat ako sa nangyari kaya niyakap ko pa ng mahigpit si Angel habang siya ay umiiyak.
Tinanong ko si Angel kung kaya niya na magkwento ngunit lalo lang siyang umiyak kaya hindi ko muna ito pinagsalita. Sinabihan ko si Angel na matulog muna sa kwarto ni Kirk.
Nang makatulog si Angel ay kinausap ako ni Kirk.
"Annica, kailangan ka ni Angel. Huwag mo siyang papabayaan. Natrauma siya sa nangyari kaya kailangan ka niya." Umiiyak na sabi ni Kirk. Ngayon lang niya nakitang umiyak si Kirk ng ganito. Halatang mahal na mahal siya ni Kirk. Bahagyang kumirot ang puso ko. Masakit. Oo. Kahit na alam ko naman na na mahal talaga ni Kirk si Angel, masakit pa din ang makitang umiiyak si Kirk para kay Angel. Hindi naman sa selfish siya at naiinggit siya pero masakit lang talaga.
"Kailangan ka din ni Angel, Kirk. Mas kailangan ka niya kaysa sakin." Umiiyak ko ding sabi.
"Hindi na ko aalis sa tabi ni Angel, Annica. Mahal na mahal ko siya at hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Angel. Mahal na mahal ko siya Annica. Mahal na mahal." Umiiyak pa ding sabi ni Kirk.
Hindi ko na kaya ang naririnig ko at agad na tumakbo palabas ng unit ni Kirk. Dahil sa malabong paningin ko dahil sa pag iyak, hindi ko na napansin na may nabunggo akong tao.
"Sorry po. Hindi ko kayo nakita pasensya na." Paghingi kong paumanhin sa nabunggo ko. Pero laking gulat ko ng bigla akong yakapin nito. At pamilyar na boses ang kumausap sakin.
"Celine."
Nang marinig ko ang boses na iyon ay lalo akong yumakap sa kaniya at umiyak.

"Ethan ang sakit sakit."

**
Parang ewan pa din. Huhu. Ethannica pa din sa huli ehh. </3

Ge. Sabaw again. Hahaha oh well.

How's it?


~ayemprincessdreamer :*

Starting AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon