Starting Again- Chapter 5: The Plan

15 2 0
                                    

Annica's POV:
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.
Uuurrgh. Ano bang nangyari sa kin kagabi?
Pinilit kong alalahanin.
"Ethan"
Agad akong tumayo dahil noon ko lang napansin na wala ako sa sarili kong kwarto. Nasaan ako??

"Gising ka na pala. Halika na sa kusina. Nakaluto na ko ng almusal. Pasensya ka na at hindi na kita nahatid sa inyo kagabi. Pagod na din kasi ako tsaka late na para magdrive pa. " napatingin ako at nakita ko si Ethan na nakatayo sa may pinto at nakangiti sakin.
Ang gwapo nya.
Aiyy erase erase.
Narinig kong tumawa siya bago nagsalita. "Kung tapos ka ng tumitig sakin, pwedeng kumain na tayo? Gutom na kasi ako." Tsaka siya ngumiti ng sobrang laki.
Agad akong pinamulahan at patakbong lumapit sa kaniya at hinampas hampas siya ng pabiro samantalang siya ay tawa ng tawa.
Agad namang natapos ang hampasan ng.
*kruuuuu kruuuuuu* (huhu sorry kunwari tiyan na kumukulo yang tunog. ^^,V)
"Gutom ka na pala. Haha halika na. Kain na tayo."
Nakakahiya. Narinig niya yung tiyan ko. Huhu. Ano pa bang kahihiyan ko ang makikita ni Ethan?

After ng ilang minutes, kumain na din kami at nang matapos ay nagpaalam ako na maliligo muna. Buti naman ay may dala akong mga damit dahil ang unang plano ko kasi ay makikitulog ako kasama si Angel. Kung di lang nangyari yung nangyari.
Haaaiiiyy. Naalala ko na naman. Agad kumirot ang puso ko pero agad ko din namang pinalis iyon at naligo na lang.

Ethan's POV

Ang sayang kasama ni Celine. Grabe lang. Lahat ng imperfections niya. Ang cute niya lalo.
Nang mapansin kong nakatitig siya akin kanina, hindi ko maiwasang masayahan. Ang gwapo ko talaga. (Author: yabang!)
Siyempre noh. Nagsasabi lang ako ng totoo. At nung hinahampas hampas niya ako at tumunog ang tiyan niya, lalo siyang naging cute nung namula siya. Inlove talaga ako sa kaniya.
Ngayon ay nasa shower room si Celine at naliligo nang magvibrate ang phone ko, indicating na may nagtext.

*beep*
From: Pareng Aldrin
Ui pre. San ka na? Pakisundo na din si Annica. Dito sa condo ko ang venue. Dalian niyo. Kayo na lang ang wala.

Kumunot ang noo ko sa nabasa kong text. Ano daw? Ano namang meron dun. Nagreply ako.

To: Pareng Aldrin
Anong meron?

*sent*

Wala pang ilang minuto ay tumunog na.

*beep*

From: Pareng Aldrin
Nakalimutan mo? Ngayon yung pagplano sa bakasyon natin. Dalian niyo na ok? Ge last text pre wala na kong load. Haha labyu. Ingats ka baby ko. Muah muah tsup tsup. I'm waiting :*

Lakas talaga ng trip nitong si Aldrin eh.
"Ui Ethan, ayos ka lang? Tumatawa ka ng mag-isa dyan eh."
Napatingin naman ako sa likod ko at nakitang bagong ligo si Celine. Hmmmm ang bango niya.
"Ethan bunganga mo isara mo. Pasukan yan ng langaw. Hahaha" natigilan ako. Ang gandang tumawa ni Celine.
Napabalik ako sa ulirat nang magring ang phone ko.

Pareng George Calling...
Agad kong sinagot ang tawag.
"Hello?"
(Pare nasan kana? Yung text ko di ka na nagreply. Hmp kakatampo ka ah. Ayheytyu na baby ko. Kiss mo ko pagdating niyo dito. Hmp)
Si Aldrin pala. Mukhang nakihiram ng phone para tawagan ako.
"Oo na pre. Sige. Papunta na kami. Ge."
At binaba ko na at hindi ko na hinintay pang sumagot si Aldrin. Baka kung ano pang kalokohan ang sabihin.
Niyaya ko na si Celine at takang taka naman ito.
"San tayo pupunta?"
"Sa condo ni Aldrin. Basta mamaya ko na ieexplain."

Natahimik na si Celine at ako naman ay nagmadali na sa pagddrive.

Pagdating namin dun ay agad na sinalubong kami ng barkada.

"Beeeeeeeestttttt!"

Annica's POV

"Beeeeeeeestttttt!"
Napatingin ako at kita ko si Angel na sobrang ngiti. Nasa likod naman niya si Kirk.
"Huhu sorry best ahh. Natulog ako kagabi. San ka ba nagpunta?"
Napalingon ako kay Kirk at nakatingin din siya sakin. Hindi ko na alam ang sasabihin ko nang bigla akong akbayan ni Ethan.
"Sa condo ko siya natulog."
Napanganga kaming lahat sa sinabi ni Ethan.
"Ttalaga Best? Hehehehe." Awkward na sabi ni Angel.
Namula naman ako at buti na lang ay niyaya na kami ni Aldrin sa sala.

Ayun agad naman kaming pumunta dun at nag-usap usap.

"Swimming"
"Camping"
"Road trip"

Hmp ang gulo nila.
"Ganito. Botohan na lang." Buti naman at naisip ni George.
Ayun nga. Botohan. Sa road trip, si Kirk lang. Sa camping, si Aldrin lang. Sa swimming. Woooh! Ako, si Angel, George at si Ethan.

Swimming naaa yes!

"Boracay"
"Palawan"
"Resort"
Ayan na naman po sila. -_-
"Botohan na ulit." Ako. Kaya ayun botohan na.
Boracay, si Angel at Kirk.
Palawan ay ako, si Ethan, at si George.
At si Aldrin ang bukod tanging resort. Kaya sa Palawan kami! Yehey!!!

"Next week"
"Next month"
"Bukas"
Last naman na to diba? Please. -______-
Next week ay si Ethan, Aldrin at Angel
Next month ay ako at si Kirk
Bukas ay si George.
So ibig sabihin next week ang alis namin papuntang Palawan.
"O ano? Tapos na ba? Psh walang kwenta naman tong plano plano niyo."sabi ni Ethan na sarap ng pagkakaupo sa sofa.
"Oo nga. Tsk. Pambihira ka talaga Aldrin. May date dapat ako ngayon eh." Inis na sabi naman ni George.

Haha kawawang Aldrin. Pinagtulungan ng dalawa.

"Hmp grabe kayo sweetiepie, baby ko. Kainis kayo ahh." Nakapout na sabi ni Aldrin.

At dahil cute na cute si Aldrin sa paningin ko, lumapit ako sa kaniya at..

"Waaaaaaaahhh!!! Annica araaaaaayyyy!!! Sorry na hindi ko na tatawaging baby ko si Ethan mo. Sayo na siya. Si George sweetiepie na lang. Araaaaaay bitaw na Annica huhu ang chakit!!!"

"Hihi. Sorry Aldrin. Ang cute mo kasi ehh."

Lumapit sakin si Ethan at inakbayan ako. Ang sama ng tingin niya kay Aldrin.

"Hindi ka cute."

At hinila na ko paalis ni Ethan.

Narinig ko naman na nagkantiyawan sa loob at si George.

"Lagot ka pre. Nagselos si Ethan. Sinabihan ka kasi ni Annica his loves na cute."

"Huhu t*do ka pre. Ang sakit na nga ng pagpisil ni Annica sa pisngi ko ehh. Grabe. Kawawang Ethan pag nagkataon."

***

Done na si Chapter 5. Haha

Sana naman magtuloy tuloy na to.

Ansabe ng pagseselos ni Ethan? Waley noh? Hahaha.

~ayemprincessdreamer

Starting AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon