Starting Again- Chapter 9: Possessive Ethan

12 2 0
                                    

Angel's POV

Masaya ako. ^_^

Alam niyo naman na kung bakit diba??

Mahal ako ng taong mahal ko. ^_^

Gusto niyo ba malaman yung nangyari?

Ganito kasi yun.

*FLASHBACK*

Kinikilig ako sa nangyayari sa bakasyon namin na to.

Paano ba naman? Super sweet ni Kirky sakin. ^_^

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun.

I know Kirk likes me. Kaso ayokong mauna ako. Maria Clara yata to. ^_^

Ayun nga. So ngayon, nandito kami sa sasakyan papuntang beach. Ang sweet namin ni Kirk. hohoho ^_^

Nang makarating kami sa beach ay agad akong niyaya ni Kirk na maglakad lakad. Sinabi ko na magpapaalam muna ako sa tropa kaso wag na daw. Sandali lang naman daw kami.

Ayun. pansin ko malayo na kami sa tropa pero hindi ako natatakot. Alam ko naman na walang gagawin si Kirk sakin eh. tiwala ako dun. ^_^

Kaso pansin ko na malayo na talaga kami kaya kinausap ko na siya.

"Ahhmm. Kirk? Mukhang malayo na tayo. san ba tayo pupunta?" Napatigil naman si Kirk sa tanong ko at sumagot.

"Hmm oo nga noh? Sige dito na lang tayo." Sabay smile niya. Shetness. Nahulog yata panty ko. Hahaha

Pinaupo niya ako sa isang batong malaki malapit sa dalampasigan paharap sa dagat. Siya naman ay pumuwesto sa likod ko.

"Ang ganda noh?" Tumango naman ako sa pag sang ayon sa kanya. Totoong maganda. Kumikinang ang dagat dahil sa sikat ng araw na tumatama dito.

"Alam mo ba Angel, pangarap ko to ehh. Gusto ko na ikaw ang kasama kong makaranas lahat ng magagandang pwedeng ibigay ng buhay. Mahal kita Angel. Sobra." Wala akong masabi. Naspeechless ako. Grabe. ikaw kaya sa pwesto ko? Oo alam ko naman na may gusto din si Kirk sa akin. Kaso hindi ko naman alam na magtatapat siya ng ganito.

Tumahimik si Kirk. Maya maya ay may nararamdaman akong kung anong malamig na nilalagay niya sa leeg ko.

Kwintas.

An angel-pendant necklace.

"I love you Angel. Can I court you?"
Nangilid ang mga luha sa mata ko nang marinig ko yun.

Nang oras na yun ay humarap na siya sa akin at lumuhod. Umiling ako bilang sagot.

Tila nagulahan siya kaya sumagor na ako.

"No Kirk. I'm not allowing you to court me."

Tila nabuhusan siya ng nagyeyelong tubig sa narinig.
Pero bago pa siya magreact ay nagpatuloy ako.

"I'm your girlfriend, Kirk."

Pagkasabing pagkasabi ko nun ay agad akong binuhat ni Kirk at pinaikot ikot habang sumisifaw. kitang kita ang kasiyahan sa mukha niya.

Makalipas ang ilang minuto, makikita mo kami ni Kirk na nakaupong magkatabi. Walang imikan. Pero magkahawak ang kamay na nakatingin sa dagat.

Walang kahit anong kasweetan na ginagawa. pero sa ganitong ayos? Kuntento na ako.

Makalipas ang ilang minuto ay nagyaya na akong bumalik sa tropa.

Starting AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon