Chapter 18
Jinoh was the epitome of a soft man. Every inch of his face was crafted perfectly. His eyes were shining whenever he talked and looked at me. He has small and flawless pinkish lips, yet he can eat a lot, making his cheeks full. Also, my favorite thing about him was his smile; he has a gummy smile that can lighten my mood instantly.
Even though he looked soft and innocent, He still has a manly side to him; his jawlines are sharp and strong. His nose is high and pointed, too. He is handsome, cute, and hot at the same time.
And now, I can't stop myself from smiling when I hear him humming while swaying our intertwined hands together."Kahit mamawis ang kamay ko hindi ako bibitaw sa'yo."
I chuckled. "Baka naman mamanhid kamay natin."
"Nope. Hindi naman mahigpit ang hawak ko, Elein. Nakakahinga pa nga ang daliri natin," aniya, nilingon ang kamay namim. "Bibitaw lang siguro ako kapag namula na sila."
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa pala na-message sila Lori kung nasaan ako, baka hanapin nila ako mamaya.
"You should text them," aniya nang sabihin ko ito sa kaniya.
"Bitaw ka muna," sabi ko.
"Basta hahawakan ko ulit 'yang kamay mo kapag natapos ka? Wala na kasi akong pick-up lines pa."
Natawa ako. "Hmm. Tatawagan ko na lang sila." Nginitian niya lang ako at sinabi na tawagan ko na. Lumayo pa siya ng bahagya sa akin bago ko i-dial ang number ni Lori. "Hello, Lori. Sorry for interrupting you."
[Ayos lang! Hindi ka na nakasabay sa amin kumain kasi sabi ni Ms. B. may kasama ka na raw.]
"Sasabihin ko rin sa inyo."
[Talaga lang, ha!]
"Hmm. Sasama ako sa inyo mamayang gabi."
[Sige na. Mag-enjoy ka na riyan. At mag-ingat ka.]
"Thank you Lori. Take care." Nang matapos kong tawagan si Lori ay pumunta na ako kay Jinoh. Busy siya na kumuha ng picture. "Tapos na," sabi ko, pagkuha sa atensyon niya.
"Hindi ka nila hinahanap?"
"Mag-enjoy lang daw ako, ang sabi ni Lori," pagngiti ko.
"Then, let's go."
"Saan tayo?"
"Hindi natin na-enjoy ang bangka kagabi kaya sasakay ulit tayo."
He extended his hand for me to hold it. Magkahawak-kamay kaming nagpunta sa rentahan ng bangka.
"Bumili pala ako ng sunblock kanina," sabi niya nang makarating kami. Nilahad niya sa akin ang sunblock at kinuha ko naman ito. "Maglagay ka para protection sa balat mo."
"Thank you, Jinoh!"
Naglagay ako ng sunblock at nang matapos ay inalok ko rin sa kaniya. Naglagay din siya sa balat niya bago kami pumunta sa bangka na na-rent namin.
"Tayo na raw ang bahala sabi ni kuya," sabi niya nang nasa tapat na kami ng bangka. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko nang itulak niya ang bangka.
"Bitaw na muna, Jinoh."
Umiling siya. "Hindi na. Kaya naman 'to ng isang kamay."
"Seriously, Jinoh?" Tumawa ako. "P'wede mo namang hawakan ulit ang kamay ko mamaya, ano ba!" Wala rin siyang nagawa at bumitaw nga.
I helped him push the boat before we rode to it. I set aside my bag to wear my vest. Inayos niya pa ang pagkakasuot ko ng vest bago niya suotin ang kaniya.
"You should lock your vest, Jiovanni. It's for your safety," sabi ko nang lumapit para ayusin ang vest niya. He was just looking at me like a puppy.
"T-Thank you," he said after, then looked away.
"Let's go," I smiled at him sweetly.
"Ako ang magsasagwan, Elein. Maupo ka na lang."
"I want to help, too. Kaya ko naman."
"I know. But I don't want you to get tired. Just sit and watch the view, Elein."
I gave up. Tuwang-tuwa siya habang nagsasagwan. Ako naman, pinupunasan ko ang noo niya dahil namumuo ang pawis doon. Kahit sa simpleng paraan ay may ambag man lang ako.
"Nangangalay ka na ba?" nag-aalala kong tanong nang makita ang kamay niyang namumula na. "Tigil na muna tayo, malayo-layo na rin."
"It's fine. I still have an energy."
Sumimangot ako. "It's not fine for me. Magpahinga na muna tayo, Jinoh. Kahit saglit lang, okay?"
"Yes po," he answered. Ngumiti ako sa kaniya. Isang beses ko pang tinuyo ng panyo ang mukha niya. "Elein, tingnan mo ang daming kalapati!"
I looked up, and I was amazed at how the doves can fly freely in the blue sky. Ang taas ng lipad nila! Nagbaba ako ng tingin para silipin si Jinoh nang marinig ko ang click ng phone niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"I captured the most beautiful view I've ever seen," he said, proudly.
"Patingin ako."
"Sure, may I sit beside you first?" he asked.
"Hmm. Ingat ka lang, baka mahulog ka."
"Ito na ang picture," aniya bago itapat sa akin ang screen ng phone niya. Parang inalis ang dila ko nang makita na ako ang tinutukoy niya. "Ang ganda, 'di ba?"
Napangiti ako, hindi pinahalata sa kaniya.
"Should we take a picture? Selfie lang," tawa niya at pumayag naman ako.
He extended his arm. I looked at the screen and smiled a little, while he was smiling so wide. He even did the peace sign. We took more pictures of the two of us with the view behind us.
"I'll send all the photos to you later," he said before putting his phone inside his pocket.
I removed my vest. Naalarma naman siya nang sabihin ko na gusto kong tumayo. Gusto kong gayahin kasi iyong scene sa Titanic. Sa huli ay inalalayam niya ako para hindi ako mahulog.
"Ingat ka, baka mahulog ka, ah," paalala nito, hawak pa rin ako sa siko.
Nginitian ko siya. "Hawak mo naman ako."
"'Wag mo nga akong pakiligin!" sabi niya at umiwas ng tingin. Natawa ako dahil sa naging reaksyon niya.
"Can I spread my arms?" I asked. Hawak niya kasi ang siko ko kaya hindi ko magawa. Kinagat niya ang ibabang labi bago ako bitawan. "Thank you!"
"Masaya ka ba?"
"Hmm, sobra!" sagot ko habang nakapikit ang mga mata, nakabukas pa rin ang mga kamay ko para saluhin ang hangin. "It feels good na wala akong iniisip na problema. Ang gaan ng loob ko, Jinoh," pag-amin ko.
"I'm happy to hear that." Napangiti ako. "Elein..." he softly called my name.
"Hmm?"
"I'm always here, ready to give you my shoulder if something is bothering you," he said, still in his soft voice. "I'll listen and try to lighten you up whenever you feel gloomy."
I felt like crying. He sounds sincere. Nagbaba ako nang tingin sa kaniya at ngumiti nang matamis. His eyes were glistening, making my heart fluttered.
"I'm so thankful that I've met you. Thank you so much for coming into my life, Jinoh," I softly said, then extended my hand to hold him. His words and actions made me fall for him even more.
"Paano pa ako?" sabi niya, hawak ang kamay ko.I smiled at him. Nililipad ang buhok niya gawa ng pagihip ng hangin. The sun's rays were touching his face, making his skin more glowing. He's really a good-looking man. And I can't believe to see him this close.
"Ahhh!" tili ko nag gumalaw ang bangka.
Unti-unting dumulas ang kamay ko sa kamay ni Jinoh. At bago ko pa maabot muli ang kamay niya ay tuluyan na akong nahulog sa tubig. All I can think right now is I'm slowly sinking.
----
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2)
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman with a kind heart who always thinks other than herself, witnessed how the light takes her mom away from her. Despite her trauma, she pursued her passion for baking. As she pursued the dream, she...